Elmo Magalona on why he is not courting Julie Anne San Jose: "Kasi feeling ko lang, magiging awkward siya."

Elmo Magalona brushes off talks about his relationship with young actress Lauren Young. He says: “A, ewan ko. Lagi naman nilang sinasabi yun, e. Pero parang we’re just friends. Nakikita ko siya pag kasama niya yung mga sisters ko, kasi close sila.”


Isa sa pinalakpakan nang husto si Elmo Magalona sa Candy Fair 2012 ng Candy Magazine noong Sabado, September 22, sa Libis Megatent.

Ang event ay taunang dinadaluhan ng Candy Cuties mula sa iba’t ibang eskuwelahan sa buong Metro Manila.

Bago sumalang sa stage si Elmo ay nakapanayam muna siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Napag-alaman namin na ito ang kanyang pangatlong taon sa pagdalo sa event.

Aniya, “Pangatlong Candy Fair ko na ‘to. The first one was in 2010.

“Cover ako noon, back-to-back cover ng Candy mini-magazine with Martin del Rosario.”

Iba raw ang kasiyahan kapag nakikihalubilo siya sa mga kapwa niya teenagers, lalung-lalo na sa mga girls.

Sabi ni Elmo, “It’s a nice feeling na parang these pretty girls look up to us and we try to give back to them.

“We try to make them happy as much as how they make us happy.”



JUST ONE SUMMER. Inusisa ng PEP kay Elmo kung anu-ano pa ang mga pinagkakaabalahan niya ngayon.

Aniya, “Kakatapos lang ng movie na ginawa ko with Julie Anne San Jose—Just One Summer.

“I think palabas na yung DVD nun, not quite sure… Party Pilipinas.”

Nagkibit-balikat naman ang 18-year-old na binata sa isyung hindi masyadong maganda ang resulta sa box-office ng Just One Summer.

“A... ako kasi, nag-e-enjoy ako, marami talaga talagang sumuportang mga fans namin ni Julie Anne.

“At masaya kaming makatrabaho nina Direk Mac Alejandre, Tita Cherry Pie [Picache], Tita Alice Dixon, Tita Gloria Romero, at Tito Buboy Garovillo.

“Ang dami kong natutunan sa movie na yun and very memorable sa akin yung movie.”

Ang mahalaga raw ay nag-enjoy sila sa paggawa ng pelikula at nabigyan nila ng hustisiya kung ano ang hinihingi ng istorya.

May mga nagsabi namang hindi raw masyado kinagat yung tandem nila ni Julie Anne sa dahilang may tunay na karelasyon si Elmo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napapabalitang ang tunay na girlfriend daw ng binata ay ang young actress na si Lauren Young.

Ano ang masasabi ni Elmo rito?

Tugon nitong natatawa, “A… ewan ko. Wala lang.

"Parang kami ni Julie, sobrang ano kami… ini-enjoy lang namin yung company namin.

“Yung ginagawa namin kasi, yung chemistry namin ni Julie, kapag on-cam, sobrang ganda.

“Pag off-cam naman, we’re very close friends and we share a lot together and we share happy moments together.”

Hindi ba niya nililigawan ang ka-loveteam?

“Hindi, kasi feeling ko lang, magiging awkward siya.

"But Julie is very pretty and a very talented girl. Talagang hinahangaan at siyempre maraming humanga sa kanya.”

So, may katotohanan nga bang sila talaga ni Lauren?

Sagot ni Elmo, “A, ewan ko. Lagi naman nilang sinasabi yun, e.

“Pero parang we’re just friends. Nakikita ko siya pag kasama niya yung mga sisters ko, kasi close sila.”

Ano yung napapabalita dati na kaya raw lilipat sa GMA-7 si Lauren ay dahil sa kanya?

Natatawang tugon ni Elmo, “A… dahil sa akin? Ako, wala talaga akong ano, e…

“Wala akong pakinabang sa career ng ibang tao.

"Basta ako, naka-focus ako sa kung ano man ang meron sa akin ngayon."



SINGLE ELMO. Labing-walong taon na ngayon ang binata ng namayapang King of Rap na si Francis Magalona.

Sa edad niyang ito, sinabi ni Elmo na "single" siya ngayon.

Katuwiran niya, “Wala lang. Kasi feeling ko kasi, mas masaya maging single.

“Kasi ano… ang dami ko ring ginagawa, e. And I don’t think na kaya kong makipagrelasyon.

“Wala lang… ang dami ko ginagawa, e. May school ako ngayon tapos projects sa GMA.

“So, wala lang… hindi siya one of my priorities right now.”

Dagdag pa niya, “Nag-e-enjoy lang ako na lumabas kasama ang mga kapatid ko, mga friends ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN