Chariz Solomon on possible changes after she gets married: “Siguro paganda lang ako nang paganda!”

Chariz Solomon tells reasons why she and boyfriend Nestor Ng are getting married: “Ang tagal na rin naming mag-dyowa—para maiba naman! E, di ba? Sabi nila, kapag halimbawa, three years na kayo, mag-next level na kayo. Kasi, para maiba naman ang flow ng relationship.”


Kasama ang comedienne na si Chariz Solomon sa bagong afternoon series ng GMA-7 na Magdalena.

Sa presscon ng show noong Lunes, September 24, sinabi ni Chariz na hindi pa siya nakakapag-taping dahil pang-Manila raw kasi ang beauty niya.

“Sila nakapag-taping na, sa probinsiya pa. Ako kasi, bilang si Ms. Roxy, sa Manila ako.

“Dapat nga raw sa New York, kaya lang, wala na silang budget!” natatawang biro niya.

Sino naman siya bilang si Ms. Roxy?

“Isa akong right-man-woman dito ni Mr. Ryan Eigenmann—in short, bugaw!

“Bagong role naman, hindi naman katulong, hindi naman best friend—at least bugaw naman.

“Masaya naman ako sa pagiging bugaw,” hirit pa ng StarStruck alumna.

Siya rin ba ang magbibigay ng comic relief sa Magdalena?

“Actually, hindi nga siya nakakatawa at saka nag-i-English ako rito. Talagang, ‘Yes sir!’ Yes, puro yes.

“Mabait ako kay Lena rito, kay Bela [Padilla]. Pero pagdating sa work, I’m very strict and I’m very professional.

"Like si Lena, magiging prostitute siya rito, class A siya.”



LOYAL KAPUSO. Isa si Chariz sa maituturing na loyal Kapuso at matagal-tagal pa ang kanyang kontrata sa GMA network.

“Yes, ang tagal pa ng contract ko—three years. Happy naman ako.

"At saka, hindi naman importante sa akin na… well, alam naman natin na lahat ng artista, gustong maging bida.

"Gusto ko rin naman yun, pero hindi ko inilalagay yun sa sarili ko.

“Kumbaga, mukha akong pambida, pero puwede namang support lang.

“Pero sa totoo lang, mas masaya ako. Mas nakakapaglibot ako. Wala pang pressure.

“At saka, hindi naman ako yung gusto ko ng maraming-maraming pera, marami lang,” biro niya.

Patuloy ni Chariz, “Okay naman ako sa kinikita ko. Basta ang sa akin lang, wala lang bakante.

“Kung meron man, mabakante man ako sa regular, may guesting lang kahit twice-a-week, okay na ako dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagagamit din sa regional, so okay na ako doon.”



WEDDING BELLS. Ngayong December ay ikakasal na si Chariz sa longtime boyfriend niyang si Nestor Ng.

“Ang tagal na rin naming mag-dyowa, para maiba naman!” natatawang sabi niya.

“E, di ba, sabi nila, kapag halimbawa, three years na kayo, mag-next level na kayo.

"Kasi, para maiba naman ang flow ng relationship.”

Noong hindi pa raw sila nagpaplano ng kasal, binibiro at hinihiritan siya ng kung anu-ano ng ilan sa mga nakakasama niya sa show.

Kuwento ni Chariz, “’Yang si Direk Uro [dela Cruz], hiniritan na ako na, ‘Maghihiwalay na kayo kasi hindi pa kayo nagpapakasal.’

“Kaya ngayon naman na nalaman niyang ikakasal na ‘ko, natutuwa naman siya. Love ko ‘yang si Direk Uro.”

May kulang na lang daw na legal documents na kailangan sa kasal nila, pero yung iba na kakailanganin nila ay naihanda na nila.

“Yun kasing legal documents ang pinakamahirap. Halos may mga expiration kasi ‘yan kapag nag-apply.

“Kailangan talaga three months before mo siya aasikasuhin.

“Kaya kahit ayaw mo na sanang mangarag pa ng ilang months, kailangan.

“Tapos, magko-confession pa kami one day before the wedding... interview with the priest.”



SOMETHING SPECIAL? Isang Catholic wedding ang gagawin nila sa Archdiocesan Shrine of Jesus na malapit sa SM Mall of Asia.

Ano ang nakikita niyang kaibahan na gagawin sa wedding nila sa ibang celebrity weddings?

Sagot ni Chariz, “Wala naman. Kaya naman nagpapakasal ang lahat ng tao kasi nagmamahalan sila.

“Siguro yun na lang ang masasabi kong espesyal.

"At saka, napaka-understanding ng asawa ko, walang kaselos-selos sa katawan.

“Minsan nga, sinasabihan ko na, ‘Pangit ba ’ko?! Bakit hindi ka nagseselos?’ Yung ganun.

"Napaka-understanding at siguro, magkaiba kami, pero nagmi-meet kami palagi halfway. So, palagi kaming nag-uusap.

“Siguro sa mga usual na artista wedding na pareho silang artista, mas mahirap kasi yun, lalo na at parehas silang walang time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, kami, magkaiba kami ng mundo, pero masaya kami,” paliwanag niya.



SPONSORS. Ilan sa mga kukuhanin nilang mga ninong at ninang ay sina Pepsi Herrera, Marvin T. Arayata, Tracy Garcia, at ang mag-asawang Tirso Cruz III at Lyn Ynchausti.

Sa mga artistang kaibigan ni Chariz, kasama sa entourage sina Bodie Cruz, Djanin Cruz, LJ Reyes, Say Alonzo, Bela Padilla, at Jennica Garcia.

“Yung mga kinuha ko, yung mga nakakausap ko talaga. Kasi, yun ang importante, lalo na may bond kayong talaga.”

Mukhang buong pamilya ni Tirso ay kasama sa entourage niya?

“Yes, very much involved!” natatawang pagsang-ayon ng komedyana.

“E, kasi, ang ganda ng family nila, di ba? Nai-inspire ako sa family nila.”

Ano naman sa palagay ni Chariz ang mga magiging pagbabago sa kanya kapag kasal na siya?

“Siguro paganda lang ako nang paganda!” natatawang hirit niya.

“Aba, siyempre, kailangan kong ma-challenge, mas dapat akong magpaganda kapag kasal na.

“Hindi na nga ako masyadong maganda, e.”

Plano ba nilang magkaroon ng anak agad?

“Kung anuman ang mangyari, hindi namin pipilitin, hindi rin namin pipigilin. In God’s time.

“Kasi, maganda rin namang magka-baby nang bata.

"Si LJ, na-inspire ako sa kanya.”

Ang tinutukoy ni Chariz ay si LJ Reyes na may anak na sa boyfriend nitong si Paulo Avelino.

Diretsahan naming tinanong si Chariz kung nagli-live-in na sila ng mapapangasawa niya.

“Hindi!" mabilis niyang tanggi.

"Magkatabi lang kami ng balur [bahay]. Wala kayong masasabi—ako, 24-B; siya ang 24-A.”

Hindi ba siya sang-ayon sa pakikipag-live-in?

“Hindi naman,” sabi niya.

“Siyempre, yung mga kapatid ko, nasa akin pa, di ba?

"May babae akong kapatid at saka may maliit pa na ako ang nagpalaki doon.

“Siyempre, hindi ko naman sila puwedeng dispatsahin lang na, ‘Bahala kayo sa buhay ninyo!’”

Kapag nagpakasal na raw siya, kasama pa rin ni Chariz ang dalawang kapatid niyang babae sa bagong bahay na binili nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, share rin ako, ‘no! Hindi ako papayag na siya lang. May pride rin ako!” natatawa niyang sabi.

Excited na ba siya sa magiging bagong buhay niya?

“Oo,” nakangiti niyang sagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN