Concert producer Joed Serrano says Vice Ganda is highest-paid Araneta Coliseum concert artist; reveals rift between Vice and Ate Gay

Inamin ni Joed Serrano na P2 million ang ibinayad niya nang i-produce niya ang unang concert ni Vice Ganda at P3 million naman sa pangalawang concert nito.


Ang dating matinee idol at That’s Entertainment member na si Joed Serrano ang producer ng magaganap na 25th anniversary concert ni Aiza Seguerra.

Pinamagatang Bente Singko, gaganapin ang concert ni Aiza sa Smart-Araneta Coliseum bukas, Biyernes, September 28.

Mahigit sampung taon na sa pagpu-produce ng iba’t ibang shows si Joed.

Nagsimula lang siya sa pagdadala ng local artists sa mga bansa kunsaan may mga Pilipinong nakatira, hanggang sa maisipan niyang mag-produce ng concerts ng foreign artists.

Nung Pebrero nga ng taong ito, dinala niya sa Pilipinas ang Grammy award-winning balladeer na si James Ingram.

Nakatakda rin niyang dalhin sa Pilipinas ang Jonas Brothers para mag-concert.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Joed sa Max’s Restaurant Shaw Blvd. kahapon, September 26, sa presscon ng nabanggit na concert ni Aiza, ikinuwento niya kung paano niya nakumbinsi ang former child star turned acoustic artist na mag-concert sa isang malaking venue.

“Nag-start ‘yan nung dinala ko si Aiza sa Japan for a series of shows.

“Actually, tatlong beses ko siyang dinala doon.

"Sinabi ko noon kay Aiza na gusto ko siyang i-produce ng concert sa Araneta.

“Tinanggihan niya ako. Hindi raw niya trip yung malalaking venue.

“Then, nag-produce ako ng James Ingram nitong February. Guest si Lea Salonga.

"Sabi niya [Lea], ‘Tara, produce naman tayo…’ ng thirty-five years raw niya. So, next year naman si Lea.

“So, nung nagtuluy-tuloy yun and after Lea said yes, binalikan ko naman si Aiza. Pero ayaw. Ayaw niya talaga.”

Wala nang kaba si Joed sa sales ng concert ni Aiza dahil bawi na raw niya ang naipuhanan niya para dito.

Pagbibigay-pruweba pa ni Joed, “Bawi na yung puhunan, may kita.

“Pero ang hindi nabebenta, yung mura. In fairness, ha? Bumenta yung malapit sa stage, yung mahal,” tukoy niya sa mga nabentang tickets ng concert ni Aiza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado naman si Joed na hindi niya iniisip na mapupuno ni Aiza ang Smart-Araneta.

“Kasi ang plano namin ni Aiza is more of a celebration, not really to earn.

“Siyempre, ako bilang negosyante, siyempre, to earn. Pero hindi ko expected na, ah, it turned out okay naman.

“So, sabi ko sa kanya, ‘Tol, yung puhunan mo, balik na. Hundred percent balik na.”

Hati raw kasi sila ni Aiza sa production cost ng concert nito.

At press time, hindi pa rin sigurado ang pag-jamming ng mga mentors ni Aiza sa Eat Bulaga! na sina Senator Tito Sotto at Joey de Leon.

Ang kumpirmado pa lang daw na darating ay si Bossing Vic Sotto.

“Pero ang sabi sa akin ni Aiza," patuloy ni Joed, "after the presscon, there’s a chance pa rin naman raw na manood.

"Malalaman natin hanggang sa day ng concert mismo. Ang sigurado ay sina Gary [Valenciano], Martin [Nievera], at Gloc-9.”

Pinapurihan ni Joed ang suportang natatanggap ni Aiza sa showbiz.

Sabi niya, “In fairness, bilib ako sa support na ibinigay ng ASAP at ng Eat Bulaga! kay Aiza, ha.

"I mean, for a producer like me, plus na yun sa akin. Hindi ako masyadong nag-exert ng effort.”

HIGHEST-PAID ARANETA ARTIST. Naikuwento rin ni Joed ang tungkol naman sa success ng na-produce niyang concet noon—ang concerts ni Vice Ganda.

Nung umpisa, tulad ni Aiza, ayaw rin daw ni Vice na mag-concert sa Smart-Araneta.

Masyado raw malaki. Hanggang sa i-dare niya ito’t bigyan ng blank cheque. Bahala na raw si Vice na ilagay kung magkano ang gustong ibayad dito.

“Yung nilagay niya, talagang… wow!” sabi ni Joed.

Two million pesos daw ang inilagay ni Vice sa pag-aakalang titigilan na siya ni Joed ng pangungulit ng concert sa Araneta.

Kinagat naman ni Joed ang nilagay na presyo ni Vice kaya natuloy ang unang major concert ni Vice na May Nag-Text... Yung Totoo, Vice Ganda sa Araneta nung 2010.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He’s the highest paid!” sabi ni Joed tungkol kay Vice.

Wala pa raw local artist na nag-concert sa Big Dome na may ganung presyo.

Nung pangalawang concert naman ni Vice na Eto Na, Vice Ganda. Todong Sample Sa Araneta, three million pesos naman ang hiningi ng komedyante.

Kinagat din ito ni Joed.

Bawi naman daw si Joed sa mga ibinayad nito kay Vice.

“Nag-gross naman ako ng fourteen million, e. Di why not?”

Sa success ng mga na-produce na concerts at shows ni Joed, siguradong sobrang yaman na nito.

“Hindi naman, may loss rin. Although, I have ten restaurants,” pagkontra at pag-amin naman ng dating matinee idol.

“Yung James Ingram, talo ako, e. Yung iba naman, naloko ako.

“For example, ang presyo ng artista kunwari one hundred pesos lang pero napresyuhan ako ng three hundred. Nalalaman ko na lang.

“Di ba, I’m sure nabalitaan ninyo na may pinukpok ako ng bote

“Kasi nung nalaman ko ang totoo, nag-freak out ako. Pero okey na yun.”

Ayaw namang pangalanan ni Joed kung sino ang personalidad na nakatikim ng palo ng bote mula sa kanya.

VICE’S ATTITUDE. Hindi ba siya nahirapan kay Vice nung pinu-produce niya ang concerts nito? Usap-usapan kasing may attitude ito.

“Si Vice?

“Okey, ganito ‘yan… Si Vice, pagdating sa trabaho, yung attitude niya sa trabaho, baka doon yun,” pagsisimulang pagtatanggol niya sa komedyante.

“Kasi he’s a perfectionist. At stake ang pangalan niya.

“Basically, oo nga naman. Ayaw niyang papangakuan mo siya, tapos hindi matutuloy. Ayaw niya yun.

“Pag sinabi mong ganitong feather, ganitong feather dapat.

"Huwag mo siyang bigyan ng fake or hindi yung pinag-usapan ninyo. Ayaw niya nun, kasi ipinangako mo yun.

“Alam ko ang ugali ni Vice, that’s why okay kami."

ATE GAY IS NEXT. Ang susunod na concert production ni Joed ay isa uling crossdressing stand-up comedian, si Ate Gay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Ate Gay ang impersonator-comedian ng Superstar na si Nora Aunor.

Sa SM Mall of Asia Arena naman daw gagawin nina Joed ang show nito.

Ano naman ang nakita ni Joed kay Ate Gay at binigyan niya ito ng chance na mag-show sa isang malaki ring venue?

“Ganito ‘yan, nagpunta ako ng Klownz para manood lang ng show.

"And then nasa labas siya, tinawag niya ang pangalan ko, ‘Joed, dalhin mo ako sa Japan!’

Sabi ko, ‘Wala nang Japan, gusto mo Araneta?’

“Hindi ko alam kung bakit lumabas sa bibig ko yun. Sabi niya, ‘Hmmm… Araneta? Music Museum, pwede pa.’

“E, ganun-ganung words, gano’ng eksaktong statement ang sinabi sa akin ni Vice nung inalok ko siya ng Araneta, ‘Ay, Music Museum lang.’

“Yun din yung line ni Ate Gay sa akin.

"So, pinanood ko siya, tinapos ko yung show, nakita ko yung reaksyon ng mga tao.

"Tapos napuno yung August 10, nung birthday niya, nanood ako ng concert niya, puno.

“Sabi ko, ’Sige nga, subukan ko nga ito.’ Tinanong ko, tiningnan ko kung tatanggihan niya.

“Pero pag sinabihan ako ni Ate Gay ng blank cheque, hindi ako magbibigay. Kasi kay Vice, nagbigay ako.

“Sabi ko, ‘Tara! Araneta tayo.’ Sabi niya, ‘Naku…’

"Sabi ko, ‘Hindi, ako’ng bahala. Ako’ng magpu-puno,’ sabi kong gano’n. ‘Wala kang gagawin.’

“Pero may kundisyon. Itutuloy lang namin ang concert ni Ate Gay sa malaking venue, like Araneta or Arena. Pero Arena na, e.

“Sa isang kundisyon na mapapayag niyang guest si Nora Aunor.

"E, pumayag! Nag-yes kay Jobert Sucaldito,” masayang pagbabalita pa ng big-time producer.

ATE GAY VS. VICE. Pero hindi raw alam ni Joed na may mangyayari palang problema sa pagpo-produce niya ng concert ni Ate Gay.

Balitang may kaaway na bashers si Ate Gay sa Twitter na kumukuwestiyon sa pagku-concert niya sa Araneta Coliseum na teritoryo ni Vice. Pero sa Arena na nga ito gagawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pakikipagpalitan ni Ate Gay ng mga salita sa mga ito, nadaplisan niya si Vice na posibleng dahilan ng silent war nila ngayon.

Ayaw sanang magsalita ni Joed tungkol dito, pero paglilinaw niya na rin bilang kaibigan niya si Vice at susunod na talent concert artist niya na si Ate Gay, “Basta, ang sabi lang sa akin ni Vice nung mag-usap kami...

“Kasi promo na ng movie ni Vice, e. Sasabay yung… sinasabi na ni Ate Gay na meron siyang Arena.

“Basta, ang sabi lang sa akin ni Vice, ‘Di ba, Joed nung iprinodyus mo ako, wala naman akong inapakan or ginamit?’

“Oo nga. ‘E, eto kasi, may provoke na galing sa kampo, nang-away.’

“In fairness naman kay Ate Gay, hindi naman siya ang nagsimula.

"Nagkataon lang na may nag-comment at nag-comment siya, tapos ipinagtanggol ng kaibigan niya hanggang sa itong writer ni Vice sa concert niya sa akin, same writer ni Ate Gay… hindi ko rin naman alam.”

Hinahayaan daw kasi ni Joed ang concert artists niya na pumili ng sarili nilang writer. Hindi niya naman alam na ang writer ni Vice ay siya ring magiging writer ni Ate Gay.

Sa ngayon daw ay si Vice pa rin ang may hawak ng pinakamalaking kinita para sa isang artist na tulad niya sa Smart-Araneta.

“Yung Wally-Jose [concert] medyo na-surpass ng one million. But, hindi puwedeng i-consider si Wally-Jose na ka-competition ni Vice kasi hindi bading yung dalawa. Duo pa sila.

“If ever na meron siyang makakakumpitensya sa kanya, si Ate Gay na nga.

"At pag lumusot si Ate Gay at napuno niya ang Arena…puwede.

“Pero hindi naman mapapantayan si Vice, iba yung nai-record ni Vice e.”

Ano naman ang sinabi niya kay Ate Gay?

“Ang sabi ko naman kay Ate Gay, don’t be too sensitive, don’t be negative. Kasi emotional siya, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman siya umiyak, pero apektado siya sa… sinabihan na rin siya ng manager niya na huwag na siyang pumatol sa Twitter.”

Umaasa si Joed na maayos ang gusot na ito sa pagitan nina Ate Gay at Vice Ganda, dahil aminado si Joed na kailangan niya ang network ni Vice para makalusot ang impersonator ni Nora.

Sa November 30 raw ang concert ni Ate Gay sa Arena. Magandang date ito dahil bukod sa holiday, araw ito ng suweldo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN