Marc Abaya admits to being depressed after playing serious and emotional roles

Pinaka-kritiko sa acting ni Marc Abaya ang kanyang multi-awarded director na ina na si Marilou Diaz-Abaya. Kuwento ni Marc: “Sinasabi rin niya, I should never be contented, ‘Kahit paano, you have to keep on growing.’ At ayon sa kanya, yun ang sakit ng ilan sa mga artista natin—na-stuck. Hindi na nag-i-evolve.”


Isang linggo na lang mapapanood sa dramarama sa hapon ng Kapuso network ang seryeng Faithfully.

Si Marc Abaya, na gumaganap na Kevin, ay maituturing na may pinakamabigat na karakter.

Naging psychotic kalaunan dito si Marc bilang si Kevin, na “unfaithful” sa asawa.

Sa huling taping nila sa Antipolo, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marc.

Inamin ni Marc na sa huling araw na lang daw ng taping siya "naka-let-go" sa karakter na ginampanan.

Mabilis na “Never!” ang sagot agad ni Marc nang tanungin kung sa totoong buhay ba, tulad ni Kevin ay naging babaero rin siya o pabling.

Sabi niya, “May moment po ako sa show na ito na sobrang na-depress po ako.

“Bago ko po makuha ang tattoo na ito, na-depress po ako dahil sobrang sagwa ng pagkatao ni Kevin,” turo ni Marc sa tattoo na nasa kanyang likuran.

Kumpara sa ibang artista, hindi raw kasi siya madaling kumawala sa karakter niya.

“Yung ibang actor…pag-uwi, ok na, wala na. Ako talaga, meditate muna, tugtog o boxing. After boxing, wala na.”



DEPRESSED. Makikita nga ang malaking tattoo ni Marc sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib.

“I remember, yung one day po yun, nakita ko sa news, pinakita sa GMA—yung bata, pinagpapalo… mga babae, pinagpapalo, nag-aaway.

“So, may tunay na Kevin—may malala pa kay Kevin.”

Nagpa-tattoo ba siya talaga dahil sa pinagdadaanan niyang emosyon sa karakter niya?

“Na-stress ako, e,” sagot niya.

“Pagkatapos kong sampalin si Michelle [Madrigal] nang tatlong beses, hindi ko nakayanan po.

“Kasi, kailangan mong panindigan. Hindi mo puwedeng akting-aktingan. Mas lalo na sa binibigay ng ibang artista, dahil tunay.

“Dito pa, walang nagpe-peke-peke-an lalo na sina Chanda Romero po.

“So, pina-tattoo ko, para maka-release.”


MOM‘S SIDE. Ani Marc, Polynesian ang design ng pinagawa niyang tattoo. May labing-tatlong tattoo na raw siya sa katawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama rito ang tattoo ng apelyido ng ina—Diaz-Abaya.

“After this soap, makakababad na ako kay Mom. Spend time with her which is my priority. Money and job will come and go, but my mother…"

Si Direk Marilou Diaz-Abaya ay patuloy pa ring lumalaban sa sakit nitong breast cancer.

Ang inang direktor daw ang numero-unong tagasubaybay ng teleseryeng kinabibilangan ni Marc.

“Sinasabi niya, gawin ko lang daw kung ano ang kailangang gawin ko, ayon sa director.

“Mas mahalaga raw ang script po, yung sinasabi ni Direk Mike [Tuviera].

“Kasi po, napabilib siya ng isang sequence po na naaksidente ako at na-coma.

“Paggising ko po, galit na galit si Max [Maxene Eigenmann] sa akin dahil sa kasamaan ko.

“E, yung pagkadirek ni Mike sa akin na paggising ko raw, kailangan daw inosente ako.

“Yun ang nakita ni Mom na napabilib siya sa direksyon. Kasi, dahil daw roon, nagmukha namang masama si Maxene.

“So, tuwang-tuwa po siya kay Direk Mike.”

Ang namayapang aktor na si Johnny Delgado naman ang basehan ng mommy niya sa magaling na pag-arte.

“Kaya zero po ako sa rating niya,” sabi ni Marc na natatawa.

“Sinasabi rin niya, I should never be contented, ‘Kahit paano, you have to keep on growing.’

“At ayon sa kanya, yun ang sakit ng ilan sa mga artista natin—na-stuck. Hindi na nag-i-evolve.”

Ngayong finale episode na nga nila bukas, mas “relieved” ba ang nararamdaman ni Marc o may lungkot dahil magtatapos na?

“Ano po, moving-on… I can’t wait to let go,” sabi niya.

Hindi nakakontrata si Marc sa GMA-7. Kung siya ang masusunod, mas gusto ba niyang nakakontrata siya o tulad ngayon na freelancer siya?

“Sa ngayon kasi po, yung mga idols ko po, like yun nga po, si Johnny Delgado, bago po siya mamatay.

“Si Nonie Buencamino, mga mentors ko e na-notice ko po, pati noong nagba-bonding kami, hindi sila nakakontrata…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para makagalaw lang—kahit support.

“Kasi, hindi ko naman goal maging Papa P [Piolo Pascual] o John Lloyd Cruz. Parang, kahit support lang po.

“Halimbawa, parang ganito kay Max. Si Max ang bida at saka si Mike Tan. Support lang ako, pero malaki yung role—yun ang challenge.”

Kung siya raw ang masusunod, pagiging pari naman ang gusto niyang magawa dahil yun daw ang isang karakter na hindi pa niya nagagawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN