Lovi Poe says working with Dingdong Dantes is a dream come true: “I’m very, very happy nga kasi sabi ko nga finally isa ‘yan sa matagal nang pangarap ko.”

Marami ang nagsasabi na nagkakaigihan na sina Lovi Poe at Jake Cuenca base sa mga inilalabas na tweets ng aktor. Pero para kay Lovi: “I guess part of me is not yet ready to be in a relationship. We’re not trying to put anything about it, he’s just really a sweet guy. ’Tsaka lahat naman ng tao may place sa heart ko and of course, si Jake.”


Kapansin-pansin sa Twitter ang mga madamdaming tweets ni Jake Cuenca para kay Lovi Poe.

Marami tuloy ang nagsasabi na mukhang mas malalim ang nararamdaman ng aktor kaysa kay Lovi.

Tiyempong nagpa-mini presscon para sa pelikulang Tiktik: The Aswang Chronicles noong Miyerkules, September 26 kung saan nandoon ang aktres.

Agad namang nagpaliwanag si Lovi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa mga tweets ni Jake.

Sabi niya, “He’s genuinely a sweet guy and I really appreciate it a lot. It’s not that walang feelings or what, no, we’re practically really busy.

“I’m having a hard time na ngayon going home and taking off my make-up before sleeping sa sobrang busy.

“’Tsaka it’s really something you really have to think about.

“I guess part of me is not yet ready to be in a relationship. We’re not trying to put anything about it, he’s just really a sweet guy.

“’Tsaka lahat naman ng tao may place sa heart ko and of course, si Jake,” saad pa ni Lovi.


NO TIME TO DATE. Ayon pa rin kay Lovi, ok sila ng aktor pero sa ngayon ay hindi sila masyadong nakakalabas.

“We’re good, we’re really good. Di na kami nakakalabas kasi we’re both really busy. So, there’s no time for going out,” paliwanag niya.

“Kahit nga ako parang there’s no more time. Mas gusto ko pa na sarili ko ang intindihin ko. Kasi di mo na masisiksik sa schedule.”


EX-BOYFRIENDS. Hindi ba siya umiiwas sa trauma ng pinagdaanan niyang mga relasyon?

Matatandaang nagkarelasyon sina Lovi at dating Congressman Ronald Singson.

“No, for me it was a long time ago. It’s a different story already.

“Wala, it’s just hard to get into a relationship while you’re not yet ready. ’Pag busy ka, hindi talaga, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We still talk, magkaibigan pa rin kami. We don’t talk about the issues.

“Pagbalik din naman niya marami pa naman siyang dapat asikasuhin hindi lang naman yung tungkol sa aming dalawa.

“We have to move forward din naman.”

Hiningan din namin ng reaksyon si Lovi sa balitang maganda ang namamagitan ngayon kina Jodi Sta. Maria at sa ex-boyfriend niyang si Jolo Revilla.

“That’s good, I’m really happy for them. Wala na kaming [ni Jolo] communication, matagal na.”

ANOTHER GENRE. Bago pa man makasama sa Tiktik: The Aswang Chronicles ay sunud-sunod ang horror movies na pinagbidahan ni Lovi.

Tinanong namin siya kung ok na nalilinya siya sa horror movies. Dahil dito, nabigyan tuloy siya ng titulo bilang "Horror Princess."

“Nagkataon lang, kasi matagal na rin namin itong syinu-shoot, probably more than a year.

“Ngayon lang talaga siya ilalabas kaya nagkataon lang na sabay-sabay.

“Yes, I enjoy it but then may mga times na I have to venture into something different.

“Gaya nga ng sinabi ko, nagkataon lang na sunud-sunod talaga. I don’t mind naman as long as I’m doing something amazing like this [Tiktik].

“Let’s just say there’s a time that all I did was sexy drama. So there are moments siguro na nagkataon na same thing ang ginagawa ko.”

WITH DINGDONG. Masaya at excited si Lovi dahil nagkapareha sila ni Dingdong Dantes sa pelikulang Titktik: The Aswang Chronicles.

“I’m very, very happy nga, kasi sabi ko nga, finally isa ‘yan sa matagal nang pangarap ko…

“Yung makatrabaho ko si Dingdong and sa ganito pang klaseng pelikula. So, I’m really thankful.

“He’s really a good actor, he’s a good person din. Magaan siyang katrabaho.

“Parang di naman niya pinaramdam sa akin na siya si Dingdong.

"It’s really fun working with him.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN