Dingdong Dantes-Kylie Padilla primetime series shelved by GMA-7

Hindi na muna mapapanood ang primetime series na dapat sana;y pagtatambalan nina Dingdong Dantes at Kylie Padilla, ang Haram. Nagdesisyon ang pamunuan ng GMA-7 na i-shelve muna ang proyekto dahil kasalukuyang tensiyon na nagaganap sa buong mundo at bilang pagrespeto na rin sa Muslim community.


Hindi na muna matutuloy ang primetime drama series na pagsasamahan dapat nina Dingdong Dantes at Kylie Padilla, ang Haram.

Tatalakayin sana ng Haram ang "bawal" na pag-iibigan sa pagitan ng isang Kristiyanong sundalo at isang babaeng Muslim.

Nagdesisyon ang pamunuan ng GMA Network na i-shelve muna ang proyekto na unang tambalan sana nina Dingdong at Kylie dahil sa "current tense atmosphere all over the world and in solidarity" at bilang pagrespeto na rin sa Muslim community.

Ito ay sa kabila ng ipinapalabas na sa GMA-7 ang teaser ng Haram, na isa sana sa mga bagong primetime series na magbubukas ngayong last quarter ng 2012; kabilang ang Temptation of Wife, Coffee Prince, at Mariposa.

Ang Haram din sana ang magsisilbing comeback project ni Lorna Tolentino sa Kapuso network.

Wala pang balita kung ano ang papalit sa Haram at kung anong proyekto ang gagawin nina Dingdong at Kylie kapalit nito.

Narito ang kabuuang statement mula sa Kapuso network.


"HARAM is a story about the love of LUIS (Dingdong Dantes) a soldier who is of Christian faith for a Muslim girl, NADI (Kylie Padilla).

"Eventually, the soldier will find out that this love is “haram" (forbidden); this is the reason why Nadi’s family is strictly against their friendship—much more their union.

"But because Luis’s love is true, he wants to prove that he only has good intentions for Nadi. This pushes him to convert to Islam, so that his love for Nadi would no longer be forbidden.

"The story of Haram is not just a unique kind of love story, but also about a Muslim family (Nadi’s) and how they endeavor and strive to raise their children to be fitting and acceptable for Allah.

"It is the show’s intention to make the viewers understand why a relationship between a Muslim girl and a man from outside Islam is forbidden, a doctrine which is also present in other religious beliefs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At the same time, the show aims to present the beautiful side and the dynamics of the Muslim family life in our contemporary times, and the dynamics of religious and cultural pluralism, with the desire to promote better understanding and mutual respect among people of various faith traditions.

"But because of the current tense atmosphere all over the world and in solidarity and with due respect to the entire Muslim Community, GMA 7 has decided it is best to shelve Haram for now.

"We hope for everyone’s understanding."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN