Shaira Mae and Mark Neumann complete Top 6 of Artista Academy

Ang Top 6 Finalists ng Artista Academy: (L-R) Vin Abrenica, Akihiro Blanco, Mark Neumann, Shaira Mae, Chanel Morales, at Sophie Albert.


Kinumpleto nina Shaira Mae at Mark Neumann ang Top 6 ng Artista Academy, ang reality-based artista search ng TV5.

Mula sa sampung contending at wild card contestants, sina Shaira at Mark ang nakakuha ng pinakamataas na puntos.

Ang mga puntos na ito’y nakuha mula sa 50 percent ng performance nila sa 8th Live Exam, 30 percent mula sa grades nila sa eskuwelahan, at 20 percent mula sa text votes.

Bukod kina Shaira at Mark, ang iba pang estudyante na sumubok makapasok sa Top 6 ay sina Benjo Leoncio, Malak So Shidfat, Chris Leonardo, Jon Orlando, Brent Manzano, Marvelous Alejo, Nicole Estrada, at Stephanie Rowe.



Ang apat naman na nauna nang nakapasok sa Top 6 ay sina Chanel Morales, Sophie Albert, Vin Abrenica, at Akihiro Blanco. Sila ang nakakuha ng matataas na grado at text votes.

UNEXPECTED. Parehong hindi makapaniwala sina Shaira Mae at Mark na sila ang papasok sa dalawang huling spots sa Top 6.



Ganoon na lamang ang kanilang pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanila, lalung-lalo na ang kanilang mga pamilya.



Si Mark nga, inamin na "sobrang gulat" siya sa tagumpay na nakamit ngayong gabi.



Aniya, "I just want to enjoy myself and see what will happen.



"Ngayong pumasok ako, sobrang masaya, sobra. Kasi honestly, hindi ko po talaga ano... inisip na ako ganun kalayo.



"Nung pumasok ako sa Artista Academy, wala akong talent, wala akong ano, idea sa showbiz, at ngayon final six ako."



Nabanggit pa ni Mark na "answered prayer" ang pagkakapasok niya sa Top 6.



Kuwento niya, "Kasi naka-pray ako mga few days ago sa Baclaran Church. Tapos pumasok mga blessings ng Diyos.

“So, sobrang talagang happy po ako."



Si Shaira naman, hindi mapagsidlan ang kasiyahan na napabilang siya sa Top 6.



Saad pa ng dalaga, "Wala na akong mahihiling pa. Ok na sa akin na narating ko ’to. Nakuntento na ako kung nasaan ako ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Basta super thankful lang po ako kay God, sa family ko, at saka sa lahat ng supporters ko po."

Simula sa Lunes, Oktubre 1, masusubaybayan na ang iba’t ibang aktibidad at challenges na ipapagawa sa Top 6 finalists ng Artista Academy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN