Regine Velasquez talks about first meeting between Nate and sisters Leila and Sarah in Singapore

Kuwento ni Regine Velasquez tungkol sa unang pagkikita ng anak nila ni Ogie Alcasid na si Nate at ng anak ni Ogie kay Michelle Van Eimeren na sina Leila at Sarah: “They were so crazy about him! Tapos yung baby, pakitang-gilas naman sa dalawang ate niya. Sobrang bibo, talon nang talon, tuma-tumbling! Naloloka ako, sabi ko, ‘Anong nangyayari, bakit tuma-tumbling yung anak ko?’ Ganun. Tapos salita nang salita… ganun nang ganun, nakakatuwa. Tawa nang


Kababalik lang ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez mula sa anim na araw na bakasyon sa Singapore.

Kasama ni Regine na nagpunta ng Singapore ang mister niyang si Ogie Alcasid at ang ten-month-old baby nilang si Nate.

Doon na sila nagkita ng unang asawa ni Ogie na si Michelle Van Eimeren at ang dalawa nilang anak na sina Leila at Sarah.

Hindi nakasama ang second husband ni Michelle na si Mark Murrow dahil nagpunta raw ito sa Ireland.

Ito ang unang beses na nakita nina Michelle, Leila, at Sarah si Nate.

Sa presscon ng bagong show ni Regine sa GMA-7, ang Sarap Diva, kagabi, September 28, sa Studio 6 ng GMA Network, ay pinagkuwento siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa bakasyon nila sa Singapore.

“It was good… mainit.

“Nagpunta kami ng Universal, kaso kawawa siya [Baby Nate] sa Universal kasi ang init, e.

“Pero hindi siya nagsungit, hindi lang siya… hindi siya kumikilos! Nandun lang siya sa stroller niya, nakaganun lang siya.

“Tapos gumaganun-ganun lang, nakakatawa siya, ang cute-cute niya.”

BONDING WITH BABY NATE. Ayon pa kay Regine, tuwang-tuwa sina Leila at Sarah sa kapatid nilang si Nate.

“They were so crazy about him!” bulalas niya.

“Tapos yung baby, pakitang-gilas naman sa dalawang ate niya.

“Sobrang bibo, talon nang talon, tuma-tumbling!

“Naloloka ako, sabi ko, ‘Anong nangyayari, bakit tuma-tumbling yung anak ko?’ Ganun.

“Tapos salita nang salita… ganun nang ganun, nakakatuwa. Tawa nang tawa.”

Maging kay Michelle daw ay nagpa-impress si Nate.

“In love na in love siya kay Michelle. Tuwang-tuwa siya kay Michelle. Ngiti nang ngiti tapos sama nang sama!”

Si Michelle naman daw ay giliw na giliw sa anak nina Ogie at Regine.

“Tuwang-tuwang-tuwang-tuwa si Michelle, tuwang-tuwa siya. Tapos nagpa-picture pa, ‘I need to have a picture with him—just me and him.’”

HONEYMOON IN SINGAPORE? Biro naman ng ibang entertainment press kay Regine, hindi ba sila nagkaroon ng pagkakaton ni Ogie na gumawa ng second baby nila sa Singapore?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sakay naman ni Regine, “Naku, ’wa [wala]! Yung bagets nandun, [nasa] gitna.”

Hindi ba sila nagsama ng yaya para mag-alaga kay Nate at nang magkaroon sila ng “private moment” ni Ogie?

Kuwento ng Asia’s Songbird, “May yaya naman akong kasama kasi naawa naman yung asawa ko sa akin. Sabi niya, ‘Magdala na tayo ng yaya.’

“Pero actually, prepared ako na wala kasi alam ko kami lang talaga.

“Sabi niya, ‘Hindi, magdala na tayo kasi…’ parang baka hindi ko raw kayanin.

"Pero ako yung nag-aalaga pa rin. At least meron akong reliever pag nangangawit na ako at saka pag yung kumain, di ba?

“Mahirap yung ganun, e.”

Dagdag niya, “Yung yaya, may sariling room! Sosyal si Ogie Alcasid… at sa ibang hotel!

"Kasi hindi… mas mahal pa yata yung hotel niya. Kasi naubusan na kami ng room—sa Mandarin Orchard kami.

“Nung na-decide niya [Ogie] na magya-yaya, e, puno na so sa katapat na hotel. Mas maganda pa nga yata yun, e!

“Ang hirap pala nun, pag nag-travel ka, kahit may yaya, nakakapagod.

“Tapos yung asawa ko, may pagka-adik, yung ang dami-daming ginagawa sa isang araw."

Nag-shopping din ba siya sa Singapore?

“Bumili lang ako ng sapatos tapos konting gamit ni Nate… yun lang.”

Hindi na raw bumibili si Regine ng damit para kay Nate dahil binibilhan na raw ito nina Leila at Sarah.

“Oo, lagi namang may regalo yung mga ‘yon kay Nate, mga outfit.

“Yung mga isinusuot ni Nate, kasi hindi na ako bumibili, e, puro galing sa kanila.”

SAYING GOODBYE. Pagkatapos ng saya sa loob ng anim na araw nilang pagsasama, napuno naman ng iyakan nang kailangan na nilang magpaalam sa isa’t isa.

Sabi ni Regine, “You know, every time we see each other, sila Michelle and of course yung girls ni Ogie, it’s always very hard to leave.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pati ako, it’s very hard for me.

“Kasi siyempre, ano na, e, family na kami. That’s how we treat each other and we don’t really get to see much of each other.

“Like ako, I get to see them… masaya na yung twice a year. So, pag nagkikita, kailangan maghiwalay, it’s always emotional.”

Kuwento pa ng singer-actress, “Kasi siyempre ngayon na may Nate, yung dalawang girls kasi, anung-ano sila kay Nate, e.

"Umiiyak sila. Parang, ‘He’ll forget me. He’ll forget me.’

“Pati si Michelle, ‘I’m so scared he’ll forget me.’

“‘He’s not…’ naggaganyan na ako. ‘He’s not going to [forget you].’”

Pero nangako naman daw silang muling magkikita sa December.

Sa Australia magpa-Pasko sina Regine, Ogie, at Nate kapiling nina Michelle, Mark, Leila, at Sarah.

“Kasi last Christmas, hindi ako nakapunta kasi nanganak ako. Si Ogie lang nagpunta nun.

“Actually, pinaplano namin ni Michelle—at saka kaming dalawa talaga yung nagpaplano—actually we wanted it longer.

“Kasi we want the kids to be together.”

IDEAL RELATIONSHIP. Marami ang bumibilib sa magandang relasyon mayroon sina Regine at Michelle, pagkatapos ng paghihiwalay nina Ogie at Michelle at pagpapakasal nilang muli sa iba.

Idagdag pang maganda rin ang relasyon ni Regine sa mga anak ni Ogie kay Michelle, at ganun din naman ang mga ito sa anak nina Ogie at Regine.

Pero sabi ni Regine, “You know, it took a while before it became like that.

“Pero lagi ngang sinasabi ng asawa ko na, ‘Talagang ginawa ni God na maging okay kami.’

“Kasi yun yung kailangan naming gawin.

“Nung umpisa, parang kailangan naming gawin. Pero ngayon, parang hindi na kailangan kasi natural na, e. Parang it’s the family.

“Si Michelle, huwag lang makasaling-saling sa akin… she’s very protective of me. She’s very protective.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi alam niya hindi naman ako… hindi ako masyadong exposed.”

Kumusta naman sina Ogie at Michelle kapag nagkikita sila?

Sabi ni Regine, “Kasi sweet pa rin sila, e. Malambing sila sa isa’t isa and I know they love each other.

“Pero pag tinitingnan ko sila, parang, ‘Naging mag-asawa ba talaga ‘to?’

“Kasi hindi na ganun, e. Para silang magkapatid…

“Yun ang sinasabi niya [Michelle] sa akin na, ‘I think Ogie and I used to be brother and sister before.’

“Kasi that’s how they treat each other now—ang ganda ng relationship nila.”

Paano naman ang naging pagtanggap ng mga anak nina Ogie at Michelle sa sitwasyon ng kanilang mga magulang?

“Ang galing nilang dalawa kasi yung transition, nagawa nila.

“Kasi ako, yung totoo, hindi ko alam kung… ako, I have to deal with, sa sarili ko, saan ko ilalagay yung sarili ko sa pamilya na yun, e.

“Pamilya na yun before, tapos nawala, tapos biglang nandito na ako. So I have to deal with that.

“Pero si Ogie at si Michelle, ang galing ng… naayos nila na nag-transition yung mga bata, na nag-asawa si Michelle, nag-transition na nandiyan na si Mark, pero tatay pa rin nila si Ogie…

“Ewan ko kung paano nila ginawa yun, pero ang galing nila. They’re good parents, e.

“More than anything else, I think mas importante sa kanila yung welfare ng mga anak nila.”

Sa parte naman ni Regine, wala bang naging resistance mula sa mga anak nina Ogie at Michelle sa pagtanggap sa kanya bilang pangalawang asawa ng kanilang ama?

Sagot ng Asia’s Songbird, “Not that I know of, parang wala. Kasi nung nakita ko sila, okay na sila kaagad sa akin, e.

“Lalo na ngayon. Iyakan nga kami.”

Sa Singapore nga raw ay wala silang ginawa ni Michelle kundi magkuwentuhan nang magkuwentuhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi pag nagkikita kami, ganun naman talaga kami, e, usap lang kami nang usap.”

Tagalog ba ang usapan nila ni Michelle?

“Tagalog, oo. Napapagod nga ako sa English minsan, dumudugo na yung ilong ko.

“Kaya nga type na type yun ni Michelle na nag-uusap kami ng Tagalog kasi puwede daw naming pag-usapan yung ibang tao, ‘Tingnan mo ‘yan, o…’ Nakakatawa siya talaga!”

Pero hindi na raw marunong mag-Tagalog sina Leila at Sarah, na pabor naman kay Michelle.

Kuwento ni Regine, “Kasi sabi ko, ‘Turuan na nating mag-Tagalog yung mga bata para hindi ako mahirapan.’

“Tapos sabi niya, ‘Huwag nating turuan kasi hindi na natin sila mapag-uusapan.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN