Mark Herras denies relationship with girlfriend Ynna Asistio has negative effect on his showbiz career

Itinanggi ni Mark Herras na ang pakikipagrelasyon niya kay Ynna Asistio ang dahilan kung bakit tila tumatamlay ang career niya ngayon. “Iba naman yung personal life sa trabaho, e. Hindi ako naniniwala na kapag meron kang girlfriend, makakaapekto ito sa trabaho mo bilang artista. Hindi totoo ‘yon," sabi ni Mark.


Enjoy raw si Mark Herras sa taping ng Luna Blanca: Ikatlong Yugto, kung saan bida sina Heart Evangelista bilang Blanca at Bianca King bilang Luna.

Ginagampanan ni Mark ang character ni Joaquin na naunang binigyang-buhay ni Kristofer Martin sa ikalawang yugto ng nabanggit na primetime series ng GMA-7.

Si Joaquin ang character na pag-aagawan nina Luna at Blanca.

Nung September 27 at 28 episodes ng Luna Blanca, marami ang nakapansin at nakapagsabi na very passionate ang kissing scenes nila ni Bianca, bilang Luna.



JEALOUS YNNA? Napangiti naman si Mark nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kung hindi ba nagseselos sa kissing scenes nila ni Bianca ang girlfriend niyang si Ynna Asistio.

“Wala namang kaso ‘yon,” nakangiting sabi ng aktor sa pakikipag-usap nito sa PEP kamakailan sa GMA-7 Network Center. “Kasi kapag trabaho naman, trabaho. Hindi kami humahadlang sa trabaho ng bawat isa.”

Noon pa man ay napapabalita nang selosa nga si Ynna. Hindi ba sila nagkakaroon ng problema dahil dito?

“Sa ngayon wala naman. Wala din naman kasi siyang tao na pagseselosan. At wala rin naman siyang dapat na pagselosan.”

Gaano na ba katagal ang relasyon nila ni Ynna?

“Four years and seven months. Pagdating ng January, five years na kami.”

Ano sa palagay niya ang mahalagang factor kaya tumagal nang gano’n at naging matibay ang relationship nila?

“Siguro dahil nandiyan lang kami para sa isa’t isa.

“I mean, sa lahat ng mga intrigang dumating sa amin, sa lahat ng mga intrigang ibinabato sa amin…kasi once na pinakinggan mo or inintindi mo yung sinasabi ng ibang tao, do’n kayo masisira, e.

“So… ‘ayun, may tiwala kami sa isa’t isa. At iniintindi namin ang lahat ng dapat na intindihin.”



YNNA’S EFFECT ON MARK’S CAREER? May mga nagsasabi na dahilan diumano ng pagtamlay ng career ni Mark ang pakikipagrelasyon nito kay Ynna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi. Sa personal life naman ‘yon, e,” tanggi ni Mark.

“Iba naman yung personal life sa trabaho, e. Hindi ako naniniwala na kapag meron kang girlfriend, makakaapekto ito sa trabaho mo bilang artista. Hindi totoo ‘yon.

“Kasi iba na naman ngayon ang takbo ng utak ng mga tao, e.

“Alam nila na may karelasyon yung artista na gusto nila sa totoong buhay, pero susuportahan pa rin nila na may ibang nakakapareha onscreen.”

Happy naman daw sila ni Ynna sa takbo ng relasyon nila ngayon.

“Ok na ok kami. Walang anumang nagiging problema,” panghuling naging pahayag ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN