Grace Lee chooses Bea Alonzo, Jennylyn Mercado, and Heart Evangelista as showbiz industry’s most beautiful women

Bilang Belo Medical Group endorser, natanong din si Grace Lee kung naisipan din ba niyang sumailalim sa breast augmentation operation.

“Ah, hindi! Well-endowed naman po ako sa area na iyan, hindi na kailangan,” ang natatawang sagot ni Grace na ipinagmamalaking 36-B ang sukat ng kanyang dibdib.


Bilang bagong endorser ng Smart Lipo ng Belo Medical Group, kasama ang model turned TV personality na si Phoemela Baranda, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang DJ at TV personality rin na si Grace Lee kung sino ba para sa kanya ang maituturing niyang most beautiful faces sa local showbiz industry.

“Three most beautiful?

“Bea Alonzo, I find her really gorgeous and dahil talented din siguro siya. May passion siya for her work, siya, isa siya,” sagot ni Grace nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launching nila ni Phoemela at nina Jennylyn Mercado at Coco Martin bilang mga bagong endorsers ng Belo Medical Group.

Ginanap ang press launch sa Annabel’s Restaurant nung Martes, September 25.

“Jennylyn Mercado I find her beautiful also,” banggit ni Grace sa kanyang co-Belo endorser.

“Napakasimple ng beauty niya, kahit wala siyang make-up napakaganda talaga ng beauty ni Jennylyn. Naa-appreciate ko din yung beauty niya.

“And then third, the third will have to be Heart Evangelista.

“Very effortless beauty also. Makikita mo siya, walang make-up, ang ganda-ganda pa rin talaga.”

GORGEOUS GUYS. Sino naman sa mga lalaking local celebrities ang naguguwapuhan si Grace?

“Sa guys? I think Dingdong Dantes is a hunk , matangkad, guwapo.

“Si Richard Gomez, walang kupas. Alam mo na even if he’s forty-plus na, may dating pa rin talaga si Goma, di ba? So, iyon.

“Third I’ll have to say sa personal ko na na-meet ko, si Piolo Pascual.

“Kasi si Piolo, na-meet ko siya once, ‘tapos siya yung one of the few celebrities na na-meet ko na parang na-starstruck talaga ako!” saad ni Grace.

FACE SHE WANTS TO HAVE. Kung halimbawang mabibigyan siya ng pagkakataon na makipagpalitan ng itsura sa isa pang celebrity, sino kaya ang celebrity na gusto niya?

“Naku, magpapalit ng itsura? Oh, my! Siguro for me, I always...para sa akin, sobrang nagagandahan ako kay Emma Watson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think she’s gorgeous. So, siguro si Emma Watson. Kung mabibigyan ako ng isang wish na ganyan one day,” banggit niya sa sikat na English actress na nagbida sa Harry Potter series at sa bagong Hollywood movie na Perks of Being a Wallflower.

Since Belo endorser siya, hindi ba niya naisipan na mag-avail din ng breast augmentation services ng Belo Medical Group?

“Ah, hindi! Well-endowed naman po ako sa area na iyan, hindi na kailangan,” ang natatawang sabi ni Grace.

Confident na sinabi ni Grace na 36-B raw ang kanyang breast size.

STARRING... GRACE LEE. Kung sakaling mabibigyan si Grace ng break bilang aktres, sino sa mga binanggit niyang male stars ang gusto niyang maging leading man at bakit?

“Naku, if I was to be given a break to be an actress? Naku, ay, wala akong talent diyan, to be all honest with you.”

Pero kung sakali ngang bigyan siya ng break na umarte sa harap ng camera, sino ang gusto niyang maging leading man?

“Si Piolo siguro.

“Dahil he’s been in the industry for so long, I’m sure maga-guide niya ako when it comes to the skills that are required in that specific profession.

“At nararamdaman ko sa kanya na napaka-gentleman niya, at maalaga siyang tao.

“Iyon ang feedback sa akin ng mga ibang actresses na nakatrabaho siya.

“Very good and positive feedbacks about him.

“Yeah, I choose him.”

GRACE IN POLITICS? Naging bahagi rin ng buhay ni Grace ang pulitika mula nang maiugnay ang pangalan niya kay Pangulong Noynoy Aquino.

May chance ba na pasukin na rin ni Grace ang mundo ng pulitika?

“Ah, no! As of now, I am happy with the kind of service I can render to the people as a private citizen... Without having to enter politics.

“Maybe when I’m much, much older.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But you know, you can never tell, e.

“I’m not closing the doors, definitely.

“If kung makatulong ako? Kung maibalik ko ang ibinigay sa akin ng mga Pilipino, why not?” sabi pa ng 29-year-old Korean expatriate.

“I would sacrifice a lot of what I have to be of service.

“But right now I just don’t think I’m ready nor am I qualified.

“And, so, iyon, maybe in the far future. But not anytime soon.

“Ako, I’m open to opportunities, but we’ll see,” pagtatapos na ni Grace.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN