Wenn Deramas on Ai-Ai delas Alas replacing Kris Aquino in MMFF movie: "Kung ang health problems ang issue at si Ai-Ai naman ang papalit, sobra akong masaya."

Ito ang pahayag ni Direk Wenn Deramas sa posibleng pagsasama nina Vice Ganda at Ai-Ai de las Alas sa Sisteraka: “Dalawang mahal ko ‘yan, e. Saka, dyusko, kung may babangga pa sa dalawang ito? Ai-Ai, reyna ’yan ng filmfest. Vice, may hawak ng may pinakamalaking kita ng pelikula."


Tinaguriang box-office director si Wenn Deramas dahil blockbusters ang karamihan ng mga pelikulang kanyang ginagawa.

Sa katunayan, ang Praybeyt Benjamin (2011) ang kasalukuyang may hawak ng record bilang highest-grossing Filipino of all-time dahil sa kinita nitong mahigit 300 million.

Sa October 10 naman ay ipalalabas na ang pinakabago niyang pelikula, ang This Guy’s In Love With U Mare, na pinagbibidahan nina Toni Gonzaga, Luis Manzano, at Vice Ganda.

Kaya ang tanong ngayon: Malampasan kaya ng pelikula niyang ito ang naitalang box-office record ng Praybeyt Benjamin?

Sagot ni Direk Wenn, “May tapang itong This Guy’s In Love With U Mare.

"Kasi, number one, sa mga indie movies kasi tayo nakakapanood ng mga gay relationships.

“Tungkol ito sa mag-syota for three years. Nakipag-split yung lalaki.

"Sinabi nag-Born Again, pero ang totoo, pinagsabay niya yung babae sa bakla.

“Magpo-propose siya, gusto na niyang pakasalan yung babae.

"Tapos nalaman ng bakla na hindi pala si Lord ang kalaban niya. Maghihiganti siya.

“Serious yung tema, nagpakalalaki [yung bakla] para ligawan yung babae.

“Siyempre, dadamitan mo ‘yan, bibihisan mo ‘yan ng komedya. Pero pag inalam nila yung istorya, may lalim.

“Ginawang comedy para mabalutan kasi sobrang seryoso yung tema."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Wenn sa presscon ng This Guy’s In Love With U Mare noong Huwebes, September 27, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN compound.



VICE, TONI, AND LUIS? Kumusta naman ang pakikipagtrabaho ni Direk Wenn sa tatlong bida ng pelikula?

“Alam mo naman kami ni Toni, sobrang close.

"Kami ni Luis, si Vice, handpicked ko sila.

“Sa kanila talaga ‘yang pelikula na ‘yan.

"Yung script niyan was three years ago. Ang istorya nito, hindi ko ma-let go dahil wala pa akong cast.

“After nung success ng Praybeyt Benjamin, nag-isip ako na kung ano ang puwede.

"Naisip ko, si Vice, box office; Toni, box office; Luis, box office. Bakit di pagsama-samahin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala silang ipinaramdam sa akin na kahit na ano.

"Ang ginawa ko dito, yung trust na ibinigay nila sa akin, ‘Malalaki kaming artista, bahala ka.’

"Talagang nilatag ko, anything, lahat may shining moments. Sila talagang tatlo ang bida.”



LAUGH A SECOND? Hindi ba nape-pressure si Direk Wenn dahil mataas ang expectation sa kanya, box-office-wise, dala ng gawa rin niyang Praybeyt Benjamin?

“Wala, wala talaga," sagot niya.

"Una, sinasabi ko ‘yan sa Star Cinema. Nakakatawa, nakatawa, laugh a minute. Ngayon, sinasabi nila, laugh a second.

“Sinasabi ng Star Cinema, kailangan nila ng pelikula maya-maya, lahat ng eksena, tatawa ka.

“Dahil sa haba ng pelikula, nag-two hours and a half. Pinutol ko, ginawa kong one [hour] something lang.

“Ang mga pinutol ko, nakakatawa din. Sayang, pero no choice, kailangan kong magbawas.

“Ang huhusay nila, e. Yun ang mapapansin.

"Si Vice, si Toni, ang husay.

"Siyempre si Luis, ang tapang.

“Hindi naman ganun kadaling tumanggap ng ganitong role na syota ka ng bakla at alam natin na endorser siya.

“Napaka-confident ng mga tao, secure sa kanilang posisyon.

"Gusto nilang gawin, so masaya talaga.

“Sinabi ito ni Roxy [Liquigan] sa akin, sinabi ni Vice, ‘Direk, maganda ito kaysa sa Praybeyt Benjamin.’"



KRIS OUT, AI-AI IN? Entry ng Star Cinema sa darating na Metro Manila Film Festival ang Sisteraka na pagbibidahan sana nina Vice Ganda at Kris Aquino. (CLICK HERE to read related article)

Ang latest, hindi na raw si Kris ang makakasama ni Vice dahil may na-diagnose o nakitang nodules sa lalamunan ng TV host-actress.

Pero may balita ring hindi kakayanin ni Kris ang gumawa pa ng pelikula dala ng kanyang bagong serye na Kailangan Ko’y Ikaw; may Kris TV pa siya at ang bagong season ng Pilipinas Got Talent kung saan ay isa siya sa mga judges.

Sinasabing si Ai-Ai delas Alas na raw ang papalit kay Kris, bagay na ikinatuwa rin ni Direk Wenn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Narinig ko, pero wala pang kumpirmasyon sa tatlong kampo—sa akin, kay Vice, at sa Star [Cinema].

“Nalaman ko ‘yan nagsu-shooting kami sa zoo, sa Avalon Zoo.

"Hindi ko muna in-internalize kasi hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari talaga. Walang ganung kumpirmasyon.

"E, busy naman ako dito sa movie, may teleserye pa.

“Sabi ko nga rin, masaya ako—hindi dahil sa ayaw ko si Tetay [Kris], otherwise tinanggihan ko yung proyekto, di ba?

“Gustung-gusto ko si Tetay, kaya lang, kung ang health problems ang issue at si Ai-Ai naman ang papalit, sobra akong masaya.

“Dalawang mahal ko ‘yan, e. Saka dyusko, kung may babangga pa sa dalawang ito?

"Ai-Ai, reyna ’yan ng filmfest. Vice, may hawak ng may pinakamalaking kita ng pelikula.

"Pagsamahin mo, first time... Pero kapag nangyari, ha, wala pa kasing definite.

“Parang ang nangyari diyan, ‘Nag-backout si Kris, sino’ng papalit? Si Ai-Ai.’

"Pero ang tanong, may kumausap na ba sa mga taong ito? Napag-usapan na ba nang maayos?

“Ako ang magsasabi sa inyo, yung role, kay Ai-Ai talaga.

"Pag-upo ko pa lang sa meeting, pagkabasa ko ng script, talagang kay Ai-Ai.

"Sabi ko, ‘I-adjust ninyo ng Kris Aquino.’”



KAHIT PUSO’Y MASUGATAN. Masaya ring ibinalita ni Direk Wenn na mataas daw ang ratings ng primetime series niya sa ABS-CBN, ang Kahit Puso’y Masugatan, na pinagbibidahan nina Iza Calzado, Andi Eigenmann, Jake Cuenca, at Gabby Concepcion.

Mismong ang presidente nga raw ng ABS-CBN na si Ms. Charo Santos-Concio ay isa sa regular na nanonood nito.

“Heto, kababasa ko lang ng ratings, mataas siya lalo na sa Metro, nag-18 percent siya para sa alas-onse ng gabi.

"At gustung-gusto siya ni Ma’am Charo.

“Sinasabi niya kay Laureti Dyogi na pinapanood niya talaga. Masaya sila, masaya ang management, payapa ang buhay ko.

“Masaya ang ginagawa kong pelikula, masaya ang ginagawa kong soap opera, napakahuhusay ng mga kasama ko dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lagi naming pinag-uusapan ‘yan. Nung binudget namin ang istorya, 20 weeks lang talaga siya. Naka-eleven na kami, ineere ngayon.

“Kaya siya pinapanood, sabi ni Ms. Charo, malakas siya globally kasi mas maigsi. Kasi puno.

"Kaya nga ayokong bitawan nang ganun, di ba?

“Lalaylay, babagsak, mas maiging huminto ka na maganda ang kuwento.”



WENN STAYS WITH ABS-CBN! Nabalita dati na ang Kahit Puso’y Masugatan na ang huling seryeng gagawin ni Direk Wenn sa ABS-CBN dahil lilipat na siya sa ibang istasyon.

Pero ayon sa direktor, “Hindi totoo na may tampo ako sa ABS kaya ako lilipat.

"Mag-e-end yung contract ko kaya ako posibleng lumipat, kaya ako nag-entertain.”

Offers sa ibang network ang nais niyang tukuyin.

“Sinabi ko ito, wala, hindi ko pa alam kay Tita June [Rufino], manager ko. Pero open kami.

“Hindi pumayag ang Dos.

"Hindi pa nag-e-end ang contract ko. May mga nakausap ako na hindi na namin sasabihin na nagme-mediate sa TV5, sa Channel 7. Hindi ko alam kung mayroong naganap.

“Sinabi ko na nandun ako sa posisyon ngayon na very fortunate ako na ako ang magsasabi na, ‘Deal or no deal.’

“Ngayon, ayokong pakawalan ang pagkakataon na yun. Another three years.

"Gusto ko lang huwag munang pumirma at amuyin muna ang hangin ng isang tao na walang kontrata. Pero naisip ko, hindi na rin.

“Ngayon, pumirma na ako sa ABS uli ng tatlong taon and I don’t think na lilipat pa ako.

“Sinabi ko kay Ma’am Charo yun.

"Sabi niya, ‘At least alam natin si Wenn ay nandirito pa rin ng another three years.’

“Sabi ko, ‘Ma’am, hindi na po ako lilipat.’

“Kung lilipat ako, heto na yun.

"Ngayon, sinasabi ko na, na ayoko na, ayoko nang mag-entertain. Pag-end ng contract, pirma na uli.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN