Injury cuts short Chris Tiu’s PBA debut

Napurnada ang PBA debut ni Chris Tiu pagkatapos ma-injure ng kanyang hamstring sa laban ng Rain Or Shine Elasto Painters kontra sa Petron Blaze Boosters kagabi, October 3.


Marami ang nag-abang sa debut ni Chris Tiu bilang rookie guard ng koponang Rain Or Shine Elasto Painters sa Philippine Basketball Association (PBA) kagabi, October 3.

Pero halos kapapasok pa lamang niya sa second quarter ay kinailangan na niyang lisanin ang laro pagkatapos ma-injure muli ng kanyang hamstring o alak-alakan.

Ayon sa report ni Richard Dy para sa SPIN.ph, pagkatapos makaiskor ni Chris ng una niyang basket at makapasa ng dalawang assists ay hiniling niya na mailabas sa laro sa kalagitnaan ng second quarter.

Dahan–dahang lumakad pabalik ng bench si Chris at hindi na siya nakabalik ng laro.

Nagkasya na lamang si Chris na panoorin ang kabuuan ng laro sa dugout ng Rain Or Shine—na nanalo kontra Petron Blaze Boosters sa iskor na 102-86—sa Smart Araneta Coliseum.

Sabi ni Chris sa panayam sa kanya ng SPIN.ph, “Injuries are always frustrating. But I just have to go through this and do better in my therapy."

Dahil sa kanyang injury ay posibleng hindi makapaglaro ng hanggang tatlong games si Chris.

Bagamat dismayado ay desidido ang dating Ateneo star player na gumaling kaagad para makapaglarong muli.

“I’m just sad because I know our fans and our team owners were excited to see me play.

“I just have to go back and have my therapy and make sure my left leg heals well before I go back and play.

"I really need to be patient and be persevering,” sabi niya.

Si Chris ang first-round pick ng Rain Or Shine at seventh overall pick sa Rookie Draft ngayong taon.

Para sa karagdagang sports news, bisitahin ang SPIN.ph.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN