Phil and James Younghusband rejoin the Azkals

Makakabalik nang muli sa Azkals ang magkapatid na Phil at James Younghusband pagkatapos nilang ihayag ang kanilang availability na maglarong muli para sa national football team.


Balik-Azkals na ang magkapatid na Phil at James Younghusband.

Isang araw pagkatapos nilang ihayag ang kanilang availability para sa training ng national football team ay pinabalik sina Phil at James upang makasama sa 10-day camp ng Azkals mula October 7 hanggang 17.

(CLICK HERE to read related story.)

Ayon sa report ni Karlo Sacamos para sa SPIN.ph, nagpadala ng sulat ang Philippine Football Federation (PFF) sa Loyola Meralco, ang professional team ng Younghusbands, kahapon, Oktubre 3, upang pahintulutan ang magkapatid na Younghusbands na makasama sa 10-day camp ng Azkals.

Kasama sa 10-day camp na ito ng Azkals ang laban nila kontra Bahrain sa October 12 at Kuwait sa October 16.

Matatandaang initsapuwera ng PFF sina Phil at James sa Philippine Football Peace Cup lineup dahil sa “economic and non-economic issues.”

Ngunit napatunayan ng Azkals na kaya nilang manalo nang wala ang mga Younghusbands pagkatapos nilang masungkit nila ang kauna-unahang international football title ng Pilipinas.

Sa kabito nito, idiniin ng PFF na ang pagbabalik kina Phil at James sa Azkals ay dahil sa kagustuhan nilang makabuo ng pinakamalakas na koponan para sa darating na Asean Football Federation Suzuki Cup sa Burma.

“After careful consideration, the management has decided to include Phil and James Younghusband in this training camp. Both siblings remain assets to the Azkals and remain part of the team,” sabi ni Azkals’ team manager Dan Palami sa isang statement.

Dagdag ni Palami, “As a team, we take this time to bridge differences as we work towards a common goal: bringing honor and pride to the country.”

Kasalukuyang nasa Singapore ang magkapatid na Younghusbands, kasama ang Loyola Meralco Sparks, para sa semifinal match nila kontra Tampines Rovers sa Singapore Cup.

Para sa iba pang sports news, bumista sa SPIN.ph.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN