(UPDATED) GMA Network and MediaQuest terminate discussions to acquire Kapuso channel


Hindi na matutuloy ang "merger" sa pagitan ng GMA-7 at TV5 pagkatapos mapagdesisyunan ng magkabilang partido na itigil na ang negosasyon tungkol dito.

Sa ipinadalang joint statement ng GMA Network Inc. at MediaQuest Holdings Inc. sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong umaga, October 4, inanunsiyo nila ang "termination" ng pag-uusap kaugnay ng pagbili ng MediaQuest sa Kapuso network.

Ang Mediaquest ay investee company ng PLDT Retirement Fund.

Ang businessman na si Manny V. Pangilinan (MVP) ang chairman ng MediaQuest, PLDT, at TV5.

Ayon sa statement, "The parties have been unable to arrive at mutually acceptable terms despite the continual discussions and efforts exerted in good faith."

Matatandaang pumutok ang balita tungkol sa intensiyon ni MVP na bilhin ang GMA-7 noon pang huling quarter ng 2011.

Patuloy itong pinag-usapan ngayong 2012 hanggang sa aminin na ni MVP at ng CEO at Chairman ng GMA-7 na si Atty. Felipe L. Gozon na may usapan ngang nagaganap sa pagitan nila.

Pero ngayon nga ay nagdesisyon na ang magkabilang kampo na itigil na ang negosasyon.

Narito ang kabuuang statement ng GMA Network at MediaQuest:

MediaQuest Holdings Inc. (Mediaquest) and the major shareholders of GMA Network Inc. have announced the termination of recent discussions with respect to a possible acquisition of a controlling interest in GMA by MediaQuest and its affiliate within the PLDT Group.

The parties have been unable to arrive at mutually acceptable terms despite the continual discussions and efforts exerted in good faith.

Mediaquest is an investee company of the PLDT Retirement Fund.

NOT ABOUT THE PRICE. Samantala, nilinaw naman ni Atty. Gozon na walang kinalaman ang presyo sa hindi napagkasunduan ng GMA Network at MediaQuest.

Sa e-mail na ipinadala ng GMA-7 Corporate Communication sa PEP, nakasaad ang sinabi ni Gozon:

“The issues that the parties were not able to resolve had nothing to do with the price.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“If there is a serious offer in the future, then we are willing to consider.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN