Daniel Matsunaga patiently waiting for the "perfect girl"

“Just because we make some jokes or whatever, it doesn’t mean we are a couple,” says Daniel Matsunaga about sightings with fellow Kapatid talent Eula Caballero.


Parehong busy sa trabaho at sa kinahihiligang sports si Daniel Matsunaga kaya wala raw siyang panahon para mag-date.

Bukod sa mga TVprojects niya sa TV5—Game ‘N Go, Enchanted Garden, at Third Eye—nauubos din ang oras ni Daniel sa football training.

Sa ngayon ay bahagi siya ng Philippine National Futsal Team na Muzang, at naglalaro rin siya para sa isang team sa United Football League.

“My schedule is very, very, hectic, yes,” sabi ni Daniel nang makausap siya sandali ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa event na “Berocca Night on Full Blast.”

Ito ay ginanap sa Maxims Hotel, Resorts World Manila, sa Pasay City kagabi, October 3.

“I’m really focused on my work right now. I always play football, always training, training, training.

"So, when I get home, I just watch a movie or hang out with some friends.

"That’s my personal life right now,” sabi ni Daniel.

Kahit gaano ka-busy, lagi raw sinusubukan ng Brazilian-Japanese model-actor na mag-unwind pagkatapos ng trabaho o training.

“I also try to enjoy life because it’s also important otherwise, I will go crazy,” natatawang sabi ni Daniel.

Gayunman, hindi naman kasama sa pag-e-enjoy na ito ang pakikipag-date.

Bandang Marso ngayong taon nang magdesisyon si Daniel at ang dating girlfriend niyang si Heart Evangelista na tapusin na ang kanilang relasyon.

Ilang buwan na ang nakalilipas matapos ang breakup, pero sabi ni Daniel, “Wala akong girlfriend ngayon.

“Well, I’m ready already. I’m waiting for the opportunity.

“In God’s time, it will be coming, the perfect girl for my life.”



NOT GOING OUT WITH GIRLS. Alam ni Daniel na may mga usap-usapan tungkol sa kanya na lumalabas siyang may kasamang date.

Pero pinabulaanan naman ng Brazilian-Japanese ang mga ito.

Aniya, “There’s a lot of chismis that this girl or that girl is with me, but that’s not true.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m still single and I’m just waiting for the opportunity talaga.”

Nang tanungin ng PEP tungkol sa napabalitang pagiging malapit nila ngayon ng kapwa TV5 talent na si Eula Caballero, agad sinabi ni Daniel na hindi ito dapat bigyan ng kulay ng mga tao.

“That’s not true. We are friends,” pahayag ng hunk model-TV host.

“Eula, she’s so young. We’re just co-actors. We have to enjoy our work.

“I treat her as a sister for me. She’s very nice, super mabait.

“Well, we work together and we enjoy our work.”

Diin niya, “Just because we make some jokes or whatever, it doesn’t mean we are a couple.”

Sa ngayon, gusto muna raw ni Daniel na ituon ang kanyang pansin sa trabaho.

“I just really wanna pursue my job. If ever, you know.

"We’ll never know which one it will be so… I’m still searching for it,” pagtatapos ni Daniel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN