PEP TALK: Toni and Alex Gonzaga dish out qualities they love and hate about each other

Showbiz’s "sister act" Toni and Alex Gonzaga may be working for rival networks ABS-CBN and TV-5 respectively, but the two manage to keep a sibling bond that not even the worst controversies can break.


Naging makulay at makuwela ang ika-apat na episode ng PEP TALK, kung saan nag-guest ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga noong Setyembre 13.

Nakakuwentuhan ng celebrity sisters sina PEP associate editor Rommel Llanes, section editor Monching Jaramillo, at senior staffwriter Nerisa Almo tungkol sa buhay nina Toni at Alex bilang magkapatid na parehong nagtatrabaho sa entertainment industry.

Sa kabila ng pagiging talent ng magkaibang network— si Toni sa ABS-CBN, si Alex sa TV-5— gaano nga ba sila kalapit sa isa’t isa? Ano ang mga bagay na pinag-aawayan nila bilang mag-ate? At paano nila sinusuportahan ang bawat isa sa gitna ng ingay at gulo ng showbiz?

Sa unang bahagi ng panayam nina Toni at Alex sa PEP TALK, angat ang pagiging nakatatandang kapatid ni Toni. Samantala, naging makulit at patawa naman si Alex sa set.

JUST LIKE MOST SIBLINGS. Binuksan ni Nerisa ang panayam sa tanong na, “Kamusta kayo bilang mag-Ate?”

Alex: Walang kakuwenta-kuwenta!

Toni: Don’t be honest naman! You’re too honest, e. Hindi, ako na lang. Yung okay na sagot, ako. Siya yung...

Alex: ...walang kakuwenta-kuwenta.

Toni: Hindi, ano kami, normal. Kasi pinalaki kami na normal ng aming mga magulang. Normal yung childhood namin. Kahit na nagtatrabaho ako, nagtatrabaho kaming dalawa, kahit na magkaiba yung industriya na pinagtatrabahuhan namin, when we go to our house, sa bahay namin, anak pa rin kami. So alam namin kung hanggang saan yung limitation namin. And pag nasa bahay, walang artista sa aming dalawa, walang celebrity, walang ganyan. So, magkapatid talaga. Ano lang, yung normal... Siya yung bunso, na nakikinig dapat, na nakikinig dapat sa akin at hindi sumasagot.

Alex: Saka siya yung ate, dapat laging nang-uutos.

Toni: So, ganun naman siya. Minsan.

SUPPORTIVE SISTERS. Inilarawan ni Rommel si Toni na mayroong “strong character” at marami nang pinagdaanang kontrobersiya sa kanyang career. At ang tanong kay Alex, paano nga ba maging kapatid ang isang Toni Gonzaga?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alex: Ay dito, dahil pumasok ako sa showbiz tapos nauna siya, very protective ang kapatid ko ‘pagka [kunwari] ‘yan sa PEP, may nabasa siya na article ko, [sasabihin niya] ‘Bakit ganito ang sagot mo?’ Siya laging unang magre-react sa akin. Lagi niya ako gina-guide...

Toni: Tinuturuan ko siya sumagot!

Alex: Tapos ‘pagka may problema, lagi siyang nag-a-advice. Tapos kahit anong busy niya, ‘pagka tinawagan ko siya or tinext at may tinanong ako, talagang binibigyan niya ako ng time. Kaya talagang mabuti na lang andito tayo para masabi ko sa ’yo [Toni]…

Toni: Open forum na tayo? Hindi kasi, bata siya, e. Yun nga yung sinasabi ko sa kanya, okay yung advantage mo. May nauna sa ’yo. May naka-experience na nung mga pagdadaanan mo pa lang. So, sabi ko sa kanya, napaka-importante ng interview ng isang artista kasi doon nakikita yung values niya, yung principles niya, at yung pagkatao niya, at kung paano siya pinalaki. Kaya sinabi ko sa kanya, maging maingat siya when it comes to mga interviews and kung paano magha-handle ng mga issues kasi ’yan ang bumubuo ng pagkatao niya, e.

Dagdag na tanong ni Rommel, “So, yung mga nakaraang pinagdaanan ni Alex nun, talagang ikaw [Toni] yung shock-absorber? Ikaw yung sumalo?”

Toni: Sabi ko, balewala pa yun. Balewala pa ’yan. Parang ano pa lang ’yan, baptism of fire... Wala pa halos ’yan. Mas grabe pa yung mga napagdaanan ko before and yung mga pinagdadaanan ko ngayon. Sabi ko, ‘Simula pa lang ’yan. If you can’t take this, then hindi mo kakayanin yung mga mas malaki pang darating pa sa ’yo.’ So, yun. Nasasanay naman siya. Nakikinig naman siya, e.

Alex: Saka ‘pag nakita ko na, e. Kunwari, since dalawa lang kami magkapatid, lagi kong kasama kapatid ko, updated naman ako sa kanya. So, ‘pag may mga times na alam kong nangyari na sa kanya ito, na-a-apply ko kung ano yung ginawa niya dun sa pagkakataong yun, sa sitwasyong yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LATEST FIGHT. Nag-aaway ba ang magkapatid sa loob ng tahanan nila?


Toni at Alex: Lagi.


Toni: A, maging honest ba tayo?


Alex: Ano yung iniyak-iyakan mo lately? Yung latest natin?


Toni: Ayaw niya ako pahiramin ng damit.

Alex: Nag-OA [Over-acting]!

Toni: Nag-OA talaga ako.

Alex: ’Dati, dati, nung hindi ka pa nag-a-artista, ako yung bumibili ng damit mo!’ Ganung level! Tapos binato niya lahat ng mga damit. Medyo nagulat din ako sa kanya.

Toni: MMK [Maalaala Mo Kaya] rin kami dun! Kasi hindi ko matanggap, e.

Alex: Breakdown scene din siya. Calling agad kay Mommy Pinty. Sabi ko, ‘Ay, sa damit lang?’

Toni: Nagsumbong na agad. So, natalakan din naman siya. Nagkaron ng awarding ceremonies pag-uwi ni Mommy Pinty. Hindi, kasi maliliit na bagay… before, nung growing up, hindi kami close. Kasi yung age difference namin, four years. So, iba yung mga pinagdadaanan namin. Tapos I know that she can’t relate dun sa mga pagdadaanan ko.

Alex: Okay, aminin mo [Toni] kung bakit! Sabi mo napapangitan ka sa akin nung awkward stage ko. Naiinis ka sa mukha ko. Naaasar daw siya kaya lagi niya akong inaapi noon.

Toni: Nakakainis kasi yung mukha niya… Hmp! Hindi, kasi yung mukha niya nung bata pa siya, sabi ko, ‘Hindi kami makaka-relate sa isa’t isa.’ So, nung lumalaki na, ayan medyo napagdadaanan na niya yung sa mga pinagdaanan ng mga teenagers. Nakakapag-usap na kami. Yung lumalaki kami, ang mga pinag-aawayan lang namin, yung pang-normal na bata. Yung sa ano...

Alex: Ikaw unang maligo.

Toni: Ganun lang. Maligo or...

Alex: Kuha mo ako ng pagkain sa baba.

Toni: Oo, gagamitin ko yung authority ko bilang ate. ‘Kuha mo ako ng tubig. Hindi puwedeng hindi mo ako kukuha ng tubig.’ Pero yung ngayon, yung pinaka-latest na pinakamalalim na pinag-awayan namin, yung sa damit lang dahil ayaw niya lang ako pahiramin ng damit. Kasi may katwiran siya kung bakit ayaw niya ako pahiramin ng damit. Kasi, ‘pag sinuot ko na sa TV...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alex: ... makikita na.

Toni: Ang iniisip daw nila, siya daw lagi ang nanghihiram. Hindi raw alam ng tao, sa kanya daw talaga yung damit!

Alex: Saka may times na yung suot ko sa Juicy, suot mo rin sa PBB [Pinoy Big Brother]. Same day! Tapos dalawang araw, straight! Sabi ko, ‘Ate, hindi ka ba nahihiya?’ Kasi taping kami, e.

Toni: Sabi ko, ‘Magkaiba naman tayo ng istasyon, no! Iba naman yung audience! Hayaan mo na, magkapatid naman tayo!’

Paano nila naayos ang pag-aaway na iyon?

Toni: Ay! Nagkaroon kami ng protest. Four months, hindi talaga ako nanghiram sa closet niya! Hindi ako nagawi dun, hindi ako tumingin.

Alex: Talaga? O baka hindi ko lang nakikita?

Toni: ‘Pag wala na lang siya.

Alex: Kasi nagtatago ako kasi ng mga damit, e.

Toni: Ang kapal ng mukha! Meron siyang secret closet!

Alex: Pagdating ko sa bahay, nakita ko nakabukas na yung mga damit ko! Nahuli niya. Nalaman niya. Panic ako!

Toni: Sa closet niya, sa pinaka-likod, nandun yung mga bagong supot ng mga damit. E ma-shopping siya, e. Sabi ko, ‘A, ito pala, ha.’ Kinuha ko lahat. Sinuot ko lahat sa TV. So, mukha siyang nanghihiram tuloy.

Alex: Okay lang. Ikaw naman nagbabayad. Hindi mo alam!

BATHROOM BONDING. Nang tanungin ni Rommel kung paano pa nakakapag-bonding ang magkapatid sa kabila ng kanilang mga hectic schedule, sinabi nina Toni at Alex na hindi hadlang ang kanilang trabaho sa kanilang pagkikita.

Ayon sa magkapatid, sa banyong pinaghahatian nila sila nagba-bonding.

Alex: Share kami ng bathroom.

Toni: Tapos meron kaming yung rooms namin, may connecting walking closet ’tapos bathroom.

Alex: Usually sa CR talaga kami nagkikita. Hindi nga, totoo! Oo, habang naliligo siya, sa toilet naman ako. ‘Ate…’ Kuwentuhan kami.

Toni: Kuwentuhan kami. Minsan, siya naman naliligo, ako naman yung nasa toilet ’tapos kuwentuhan na naman kami. Tapos maghihiwalay na kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alex: Tapos, yun na. Pupunta na kami sa trabaho.

Toni: Sa gabi, usually, natutulog siya sa kuwarto ko. Kapag nanonood siya ng horror, dun siya matutulog sa kuwarto ko.

Alex: Pag nababangungot.

Toni: Lagi siyang nababangungot, e. Mahilig kasi sa horror! Lagi siyang natutulog sa kuwarto ko.

Alex: Pero minsan ini-invite mo ako, ‘Ayaw mo dito matulog?’ Nami-miss mo ako!

Toni: Ako kasi yung nanonood ng horror!

CONTROVERSIES. Ang sumunod na topic ay tungkol sa mga kontrobersiya o intrigang hindi naiiwasang nasasangkot ang isang artista. Tinanong ni Monching kung nagkakaroon nga ba ng diskusyon ang magkapatid tungkol sa ganitong bagay.

Toni: Sandaling-sandali! Hindi yung… parang… Mas matagal pa yung pinag-awayan namin sa damit kesa yung sa mga totoong controversies. Kasi siguro natutunan namin na kung ano yung trabaho namin, hiwalay yun sa totoong buhay namin. Parang our work doesn’t really define us. Hindi siya yung nagde-define sa sa buong pagkatao namin. So, ‘pag umuuwi kami sa bahay, pinag-uusapan namin yung totoong buhay, totoong pangyayari, konting-konti lang sa trabaho tapos magtatanong lang siya, ‘Ate, ano yung ganito?’

Alex: Opinyon lang namin sa isa’t isa.

Toni: ‘Pag nasabi ko na yung piece ko, tapos na. Yun lang.

Itinanong naman ni Nerisa kung paano nagagawang depensahan ng magkapatid ang isa’t isa kahit na magkaiba sila ng pinagtatrabahuhan na television station.

Toni: Minsan one-liner lang. Hindi kami yung ma-explain, yung mag-e-elaborate pa. Kasi parang meron na akong paniniwala na ang isang tao, ‘pag gusto ka, paniniwalaan ka niya. Pero ang isang taong ayaw ka, kahit anong paliwanag mo, kahit anong sabihin mo, hindi mo makukumbinse dahil sarado na yung utak niyan at ayaw ka talaga niyan. So, no need. For me, you don’t really owe anyone an explanation on what’s really going on in your personal life. As long as you’ve already given your piece, that’s it, tanggapin nila o hindi. Hindi mo na problema yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOVE-HATE. Sa kabila ng kanilang mga pagkakaiba bilang mga indibiduwal, ano ang mga katangian na gusto ng magkapatid sa isa’t isa? Ano naman ang mga negatibong katangian na nais nilang baguhin ng bawat isa?

Alex: Siyempre. Mas marami siyang pera. Hindi, ang qualities na gusto ko sa kapatid ko kasi kapag talagang may gusto siyang isang bagay, hindi siya talaga titigil hanggang makuha niya. Yung determination niya talaga, andun talaga. Kahit... alam niyo, laging 4:00 a.m. natutulog ’yan [or] 5:00 a.m. Nagsasayaw lang siya. Sasayaw siya sa ASAP the next day. Gigisingin niya pa ako, ‘Sa tingin mo ba, okay na ito?’ Ay, 5:00 am na tayo? Grabe naman yung performance mo. Ganun talaga siya. Magbo-ballroom siya, yayayain niya ako sa lahat. So, kahit ang dami na niyang na-achieve, yung determination niya andun kasi minsan may mga times na, ‘Ate…’ Kunwari may konti lang mangyari sa akin, siya yung nag-a-uplift ng spirit ko, siya pa yung nagpapa-go sa akin. So yun talaga yung ina-admire ko sa kapatid ko. Yung determination niya. I’m so proud of you, Sis!

Toni: Ano yung gusto ko sa kanya?

Alex: Wisdom?

Toni: Puwede ba yung ayaw ko na lang sa kanya? Hindi, ang gusto ko sa kanya, sobrang bilis ng utak niya. Actually, mas nakakatawa siya sa akin. Mas witty siya, mas madali siyang… If she can turn any situation into a funny situation, parang any normal situation could be funny when she’s in the picture.

Alex: Kasi ginagawa mo akong clown!

Toni: Yes. Pag magkakasama kami, mga family, yung mga cousins ko, laging siya yung hinihintay kasi laging siya yung maingay, siya yung madaldal, siya yung life of the party talaga.

Ano naman ang mga ayaw nila sa isa’t isa?

Toni: Immature… immature pa siya—

Alex: Ang bilis naman! Hindi man lang nag-isip!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Toni: Immature pa siya when it comes to handling her career, her personal life, her family life. O, ganun siya. Immature pa nang konti.

Biniro ni Toni na walang maisip si Alex na negatibong puna sa kanya ng kapatid. Nagtawanan pa ang magkapatid.

Alex: Nanghuhula!

Toni: Wala siyang maisip kasi!

Alex: Okay meron na ‘ko! Minsan masyado kang seryoso! Dun ako naiinis sa ’yo. Buti na-interview tayo dito! Nailabas ko na rin!

Toni: So ano ba ito bull session?

Alex: Hindi, masyado siya minsang seryoso!

Toni: Aba!

Alex: Oo, oo! Lalo na pag sa akin. Kunwari may gawin lang ako … napakaliit lang naman. Kunwari nag-host ako, tapos nag-buckle ako, [sasabihin niya,] ‘Mali ka na... Dapat kasi…” O.A. naman.

Toni: Hindi kasi...

Alex: Bawal magkamali! Masyado siyang perfectionist. Yun pala!

Toni: Hindi kasi for starters like her, for beginners like her, ni isang mali, as much as possible, wag mong magagawa. Alam ko it’s very impossible pero as much as possible, i-avoid mo, kasi nagsisimula ka pa lang. There’s so much na kailangan mong patunayan. I always tell her, every time lalabas ka sa telebisyon, you have to give your one thousand percent! You have to be better than your best. Para deserving ka dun sa spot na yun kasi sabi ko sa kanya, maraming magpapakamatay para lang— well, hindi [tamang] term yung magpapakamatay— pero a lot of girls would kill for your shoes right now, to be in your shoes right now. Sabi ko ang daming gustong malagay diyan sa kinalalagyan mo ngayon. So, pag binigyan ka ng spot, pag humarap sa ’yo yung camera, pag binigyan ka ng spotlight, make sure deserve mo ’yan!

Alex: Teka lang! Yung ine-explain ko… Yung sinabi mong ayaw mo [sa akin], wala akong time mag-justify? Bakit ikaw, jinustify mo agad? Wag ka ganun!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Toni: Ganun talaga pag eldest.

Alex: Wag kang ganun… yun ang bawal sa ’yo! Okay next!

Toni: Ganun talaga!

Alex: Jinustify agad?

Abangan ang ikalawang bahagi ng panayam nila Toni at Alex sa susunod na parte ng ika-apat na episode.

To view the episode, CLICK THIS.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN