Nancy Castiglione on past issue with Hayden Kho: “Sanay ako dun. Wala na yun, dyusko!”

Ilang buwan pagkatapos madawit ang pangalan niya sa breakup nina Hayden Kho Jr. at Vicki Belo ay muling humarap sa media si Nancy Castiglione upang linawin ang isyung ito.


Isa ang actress-TV host na si Nancy Castiglione sa celebrities na um-attend sa Esquire Ball 2012 noong Martes, October 2, sa Shangri-La Makati.

Bago pumasok sa ballroom ay nagpaunlak muna ng maikling panayam si Nancy sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media.



THE ISSUE WITH HAYDEN. Dito ay muli siyang inusisa tungkol sa pagkakaugnay niya noon kay Hayden Kho Jr.

Nadawit si Nancy sa breakup ni Hayden at ni Dra. Vicki Belo noong February 2012.

Nagbitaw pa nga ng pahayag noon si Dra. Belo sa kanyang Twitter account na: "nancycastilogne you can now openly date @haydenjr . You have my blessings . Hope you’ll both be happy ."

(CLICK HERE to read related story.)

Dahil dito ay umigting ang usap-usapan na may katotohanan ang nababalitang relasyon nina Hayden at Nancy, pero agad naman nila itong pinabulaanan sa magkahiwalay nilang panayam noon.

Ayon kay Nancy, hindi niya alam kung saan at paano nagsimula ang isyung ito noon.

“Hindi ko talaga alam kung saan nanggaling, e—until now.

“Tapos naging busy na ako nun. Until now, hindi ko talaga alam kasi kung saan galing yung isyu.”

Hindi ba siya na-offend nang nabasa niya ang tweet ni Dra. Belo tungkol sa pagbibigay nito ng “blessing” para sa pagde-date nila ni Hayden?

Sagot ni Nancy, “No, I wasn’t offended. Everyone has their own emotions and handle things differently.

"You know, I passed that and medyo ano na ako... adult at hindi na baby para pansinin pa ang mga intriga.”



SPOTTED. Pero ano ba ang katotohanan sa mga balitang nakikita silang magkasama diumano ni Hayden noon?

Tugon ni Nancy, “Siyempre, ever since naman may mga ganun, di ba?

“Spotted dito, spotted doon, buntis siya, nagpalaglag siya…

“Sanay ako dun. Wala na yun, dyusko!”

May mga kuwento pa na nakita diumano sila ni Hayden na naglalakad habang umuulan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagtanggi ni Nancy dito, “Naku, hindi ako mahilig maglakad sa ulan! Sino ba ang mahilig maglakad sa ulan?”

Nagalit ba siya sa mga lumabas na balita?

“I didn’t have time to be pissed off.

“Nanay ako ng isang dalawang lalaki, kambal, di ba?

“And I was busy with finance industry so I don’t have time.

“And you know, I’m on the age na… na yung mga importanteng bagay sa akin, iba na.”

Pero bakit pinili niyang manahimik noon?

“Yeah, kasi you only speak when you know what you’re talking about.

“E, ako, wala akong wala akong alam—as in nagulat talaga ako.

“As in, bakit ako magsasalita? Hindi ko alam kung anong nangyari, kung saan galing, di ba?”

Tinu-tweet ba siya ni Hayden noong kasagsagan ng isyu sa kanila?

Natatawang patanong ding sagot ni Nancy: “Oo, oo. Tapos?”

Humingi ba ng paumanhin sa kanya si Hayden pagkatapos madawit ang kanyang pangalan sa isyu?

“Yes he did, he did. He was such a nice person.”



FULL SUPPORT. Ngayon ay masaya na raw si Nancy sa piling ng kanyang asawa at ng dalawa nilang anak.

Ano ang naging reaksiyon ng kanyang asawa sa kontrobersiyang kinaharap niya noon?

“Well, he wasn’t happy and he said, ‘Akala ko tahimik na buhay mo.’

“Sabi ko, akala ko din pero mukhang hindi. Pero he didn’t talk kasi private family sila, e.

“Pero in the end, full support sila, we’re a family naman.

“I celebrated my birthday a few days after that issue, and it’s nothing.”



FRIENDS WITH HAYDEN AGAIN? Magkaibigan pa ba sila ni Hayden hanggang ngayon?

Sagot ni Nancy, “We haven’t talked.

“Unfortunately, since that whole thing, it’s unfortunate, honestly.

“It’s just sayang, but you know, keep everyone happy, just let it go.”

Nagkasalubong o nagkita na ba sila ni Dra. Vicki matapos ang intrigang kinasangkutan nila ni Hayden noon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No, I have not seen her.

“Our works are different, e… I don’t know, maybe tonight,” sabi ni Nancy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN