Tessie Tomas returns to Kapuso network and to comedy

Pagkatapos ng apat na taon ay nagbabalik sa GMA-7 ang actress-comedienne na si Tessie Tomas. Gagampanan niya ang ina ni Krios Bernal na mahilig sa easy-money schemes.


Nagbabalik sa bakuran ng GMA-7 ang actress-comedienne na si Tessie Tomas pagkatapos ng apat na taon.

Kabilang siya sa cast ng bagong primetime series na Coffee Prince kunsaan gagampanan niya ang role ng ina ni Kris Bernal.

Bago ito, ang huling ginawang teleserye ni Tessie sa Kapuso network ay ang Ako Si Kim Samsoon noong 2008, kung saan gumanap siyang ina ng bidang si Regine Velasquez.

Interestingly, parehong Pinoy adaptation ng hit Koreanovela ang Coffee Prince at Ako Si Kim Samsoon.

Sabi ni Tessie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Oo at ang tagal ko nga palang nawala dito sa GMA-7.

“Nagkasunud-sunod kasi ang mga shows ko with ABS-CBN 2. Ginawa ko ang Tonyong Bayawak, Noah, and Mundo Man Ay Magunaw.

“Then I did one for TV5, yung Bangis.

“Noong i-offer sa akin itong role na Beth sa Coffee Prince, libre na ako kasi matagal nang natapos yung last show sa Dos.

“Kaya I am back at Kapuso na naman tayo.”

Nakapanayam ng PEP si Tessie sa grand launch ng Coffee Prince sa Studio 7 ng GMA Annex Building last October 3, Wednesday.



BACK TO COMEDY. Masaya raw si Tessie nang malaman niyang babalik ulit siya sa paggawa ng comedy sa kanyang pagbabalik sa GMA-7.

Noong i-explain sa kanya ang role na Beth, na mahilig sa mga easy-money scheme, natuwa siya dahil hindi raw ito nalalayo sa mga nagampanan na niyang crazy characters sa TV.

Saad niya, “Four years nga akong nawala sa GMA-7 at lahat ng ginawa ko sa ibang network ay puro drama.

“I’ve always wanted to go back to comedy roles, e.

“Though I did George And Cecil sa Dos noong 2009, my role there was not as crazy funny tulad ng mga nagawa ko na noon in Abangan Ang Susunod na Kabanata [ABS-CBN] as Barbara Tengco and in Bahay Mo Ba ‘To [GMA-7] as Baby Mulingtapang-Benoit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Forever favorite ko ang dalawang roles ko na ‘yan, especially Bahay Mo Ba ‘To?, kasi yun ang pagbabalik ko sa mga sitcoms and I even won an award for that show.

“Kaya dasal ko ay makabalik ulit ako sa comedy.

“Gusto ko naman this time ay magaan. Yung walang masyadong stress. I can be myself this time.

“Kaya tamang-tama lang ang offer na ito ng GMA-7, at kasama ko ulit si Leo Martinez na God knows kung ilang taon ko nang nakasama.

Champoy days ko pa kasama ‘yang si Leo kaya gamay na gamay na namin ang bawa’t isa.”

Ang Champoy ay isang toprating gag show noong ‘80s kunsaan kasama rin sina Subas Herrero, Noel Trinidad, Mitch Valdes, Cherie Gil, Ronnie Lazaro, at Jun Urbano.

First time namang makatrabaho ni Tessie ang loveteam nina Aljur Abrenica at Kris Bernal.

Sabi niya, “Mga fresh at very talented ang mga bata. Nakakaengganyo ang energy nila sa trabaho.

“So far, si Kris pa lang ang nakakaeksena ko. I play the mother of Kris who plays Andy.

“Luka-lukahan akong ina rito ni Kris. Effortless nga raw!” sabay tawa niya.

Nataon din na may series of shows si Tessie titled Comic Divas sa Resorts World Manila. Kasama niya rito sina Mitch Valdes, Nanette Inventor, at Jon Santos.



INDIE FILMS. Bukod sa kanyang drama roles sa TV, naging busy rin noon si Tessie sa paggawa ng indie films gaya ng 100, Ploning, Rome and Juliet, Padre de Pamilya, Two Funerals, The Red Shoes, Sanglaan, at Chasing Manila.

Sabi ng veteran actress, “Naging suki nga tayo ng mga indie producers.

“Nakakatuwa naman kasi magaganda ang mga roles na ibinibigay nila sa akin. Tsaka mabilisan ang trabaho.

“Basta available ako at maganda ang role, I say yes to these indie filmmakers.

“It’s my own way of helping them in this industry. Tulungan lang naman tayong lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



SON ROBIN. Masaya ring ibinalita ni Tessie na very successful ang anak niyang si Robin Tomas sa career nito bilang designer sa New York City.

Nasa ilang high-end clothing stores sa NYC ang ‘Tomas’ label nito.

“Thank God that Robin is doing very good sa kanyang career in fashion.

“Magaganda ang feedbacks sa mga designs niya. Napi-feature na siya sa iba’t ibang fashion magazines doon.

“I get to visit him if ever I can. Actually, kakagaling ko lang sa New York at nagkasama kami for almost a month.”

Sa kasalukuyan ay nandito sa Pilipinas si Robin at dumalo sa Esquire Ball 2012 last Tuesday, October 2.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN