Boy2 Quizon on Rufa Mae Quinto: “Oo, naging kami talaga... pero we’re better as friends."

Inamin ni Boy2 Quizon na naging sila ng co-star niya sa Bubble Gang na si Rufa Mae Quinto. Pero saad niya, “Oo, naging kami talaga, pero like what I said, hindi pa rin natalo yung fourteen years na pagiging magkaibigan—and for me, never again. I would always treat yung fourteen years na pagiging magkaibigan, we’re better like that.”


Sa presscon ng Coffee Prince noong Miyerkules, October 3, sa Studio 7 ng GMA TV Complex, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Boy2 Quizon kung ano ba ang nangyari sa kanila ni Rufa Mae Quinto.

Totoo bang nagkaroon sila ng relasyon? Totoo bang nagplano silang magpakasal pero eventually ay nag-break din?

Sagot ng young comedian, “No, okay kami sa Bubble Gang, nagkikita naman kami.

“Ito ha, to start with, ito ‘yan... unang-una, huwag ninyong kakalimutan, ang Bubble Gang, thirteen, fourteen years na, okay?

“So, si Rufa Mae, hindi na iba ‘yan.

“Kumbaga, sabihin na nating nagkaroon kami ng konting direksiyon na ganyan-ganyan.

“Kung naging kami, in a way, it’s something na hindi namin pinlano. Pero we’re better as friends.

“Kasi especially nung time na nagkaroon ng problema doon sa lola niya, doon kami naging close.

“Di ba, yung lola niya, nawala [namatay], nagka-cancer? Yung buong proseso na yun yung pinaka-laglag siya.

“E, ako, lagi ko siyang kasama dahil sa Bubble Gang, tapos nagtayo pa kami ng negosyo, sumali siya sa business namin.

“It’s something na nakakonek.

“Pero like what I said, kahit ano mangyari sa amin—whether kami o hindi—mas okay kami as magkaibigan,” pahayag ni Boy2.



BETTER OFF AS FRIENDS. Bakit nila napagdesisyunan na mas okay sila na magkaibigan lang?

“Actually, we never really talked about it.

"It’s more on… it’s the idea of fourteen years kaming magbarkada and it’s something na mas nalamangan, e.

“And for me, mas okay talaga sa amin kasi sa showbiz life, it’s so impossible for you to have another, di ba?

“Parang sinasabi nila, oo, dream come true, parehong komedyante and all.

“Pero in reality, because of yung pagiging showbiz, kailangan naming unahin yung sarili muna namin, e—and being friends is better.”

WEDDING TALK. Binalak ba talaga nilang magpakasal?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Boy2, “Alam mo, nadaan yun sa joke, e.

“Alam mo kung paano nangyari yun? We were shooting yung… it’s a baby project, it’s something na pareho kaming nag-invest into this project.

“Ito yung parang movie na gusto naming… actually wala pa kaming planong ipalabas ito, wala pang date ito.

“We invested, we shot thirty percent of the movie, no plans of promoting it kasi we wanted to, ‘Okay, shoot, tayo na rin bida, tayo producer…’ Alam mo yung ganun?

“Kasi gusto naming, ‘Okay, para makatipid.’

“The title is I Love Dakak. Kasi ka-partner namin si Bullet Jalosjos, ka-partner namin sa negosyo, sila ang may-ari ng Dakak.

“Naisip ko ngayon, ‘Oo nga, may I Love New York, bakit hindi I Love Dakak?’”

Paano sila nauwi ni Rufa Mae sa pagpaplano ng kasal?

“Hindi nga, e, naano lang yun, naiba yung context, e.

“Hindi kami nag-promote, it’s just the way that they promoted it, kasi parang summer movie yun, e, na reggae, okay, whatever, kakaiba na independent, ganyan.

“E, may Showbiz Central na nandun, e, na siyempre pinalaki na.”

Ang Showbiz Central ang defunct showbiz talk show ng GMA-7 kung saan co-host si Rufa Mae.

Patuloy ni Boy2, “But of course, nagkaroon ng time na, you know, we didn’t really plan.

“It’s more on parang ang gaan lang kasi kami, e, alam mo yun? Magkaibigan kasi, e, anything goes, e.

“Nung time na yun, pag magkasama kami, laugh trip lang, e. Alam mo yung ganun?

“So, hindi umabot dun sa ganun.

“It’s just that nung pumutok yun… but you know, hindi ako mag-aano na naging kami.

“Oo, naging kami talaga, pero like what I said, hindi pa rin natalo yung fourteen years na pagiging magkaibigan—and for me, never again.

“I would always treat yung fourteen years na pagiging magkaibigan, we’re better like that.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEVER AGAIN. May chance ba na maging sila ulit?

“No,” mabilis na sagot ni Boy2.

Paano sila nag-break?

“Wala lang. Kumbaga, hindi nga pinag-usapan.

“It’s something na… hindi nga namin alam kung paano napunta dun, e.

“Kasi nagkaroon din ng time nung after ng lola niya, di ba namatay, dun kami naging close talaga.

“Tapos nung kay Lolo [Dolphy] na namatay, na yung buong proseso nun, napunta yung atensiyon ko sa pamilya ko din, e.

“And at the same time, she needed to do a lot of things for her career also.

“And at the same time, ako, nandun din sa stage na yun, I have to.”

Dumamay rin daw si Rufa Mae nang namatay si Mang Dolphy.

“But yung, more on yung focus lang din para sa sarili ko and considering na galing din siya sa ganung stage.

“Hindi naman kasi ganun kadaling mamatayan lalo na pag sobrang importanteng tao sa buhay mo, hindi ganun kadali, e.

“Pinanggagalingan niya yun, e.”

Bakit mabilis sumagot ng “no” si Boy2 sa tanong kung may chance na magkabalikan pa sila ni Rufa Mae?

“Like what I said, it would be important right now na focus din kami sa trabaho, e.

“And the way I see it, unang-una, ako, naniniwala ako pag hindi kayo, hindi kayo.”

Mahal pa ba niya si Rufa Mae?

“Mahal ko, kaibigan ko yun, barkada ko yun, e.

“Kumbaga, kahit siguro siya pag tanungin mo ng ganyan, mahal talaga. Ganun lang yun.

“Pero sa akin, parang wala nang anu-ano, barkada kami talaga.

“So, kahit anong mangyari, whether ano pang ano diyan, alam ko yung origin niya, alam din niya ang origin ko.”

Wala raw nililigawan ngayong iba si Boy2. At hindi raw niya alam kung may manliligaw ngayon si Rufa Mae.

“But if ever makipag-date siya, it’s okay. I want her to be happy also.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I feel na kung ano man yung stages sa buhay niya, for me as a friend, I want her to be happy para sa career niya.

“To focus more para magkaroon siya ng expansion, growth for her career also.

“At the same time, ako, marami pa akong gustong patunayan on the table.

“And I’m saying, okay, I need to do this, I have to work now, gusto kong patunayan sa tao, gusto kong maging artista talaga rin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN