Senator Chiz Escudero finally admits real score with Heart Evangelista

Senator Chiz Escudero on relationship with actress Heart Evangelista: "Hindi ako naghanap. Hindi ko hinanap. Siya din yata, hindi. Dumating lang. Siguro mas maganda yung ganun kasi may kasabihan sila, ’Lalong mong hinanap, lalo mong hindi makikita. At kung hihintayin mong maging handa ka, hindi na mangyayari kailanman ’yon.’ Pag dumating, dumating na lang. Yung hindi inaasahan minsan, yun pa ang pinakamaayos at maganda."


Sa wakas ay inamin na ni Senator Chiz Escudero ang tunay na estado ng relasyon nila ng aktres na si Heart Evangelista.

Sa Kris TV kaninang umaga, October 5, hindi na naiwasan ni Senator Chiz na aminin na girlfriend na niya ang Kapuso actress.

Ngayong araw kasi ang huling araw ni Senator Chiz sa morning program na ito ni Kris Aquino sa ABS-CBN dahil nag-file na siya ng kandidatura para muli niyang pagtakbo bilang senador.

Sinamantala na ng TV host-actress ang pagkakataon upang usisain ang senador tungkol sa estado ng relasyon nila ni Heart.

Ayon kay Kris, madalas kasing sabihin ng mga babae na ang lalaki ang dapat magsalita tuwing tinatanong tungkol sa estado ng kanilang relasyon. Na ang kumpirmasyon daw ay dapat talagang manggaling sa lalaki.

"Ganun ba ’yon?" tanong ni Senator Chiz.

"I think so also," sagot naman ni Kris.

Pagkatapos nito ay tinanong ni Kris ang kanyang special guest co-host kung mayroon na ba silang sine-celebrate ni Kris o kung looking forward na siya sa "anniversary."

"Uhm... sana," tugon ni Senator Chiz.

Committed to each other?

"We’re seeing each other, that cannot be doubted...

"We’re seeing each other and as far as I know, she’s not seeing anyone else and neither am I."

So are you exclusively dating?

"Meeting."

Pero binuweltahan siya ni Kris ng: "Ang arte mo... ang tagal na ng meeting na ’yan, a!"

Paliwanag ni Senator Chiz, "Oo... kasi parang hindi na ba uso yung lalagyan ng pangalan, ng titulo, ng..."

Sabi naman ni Kris, "Hindi, parang uso pa rin..."

"Talaga?" tanong ng senador.

Patuloy ni Kris, "Because I would want the person I vote for to be able to commit to a person. because that means he can also be committed to serving me."

Natawa nang malakas si Senator Chiz sa sinabi ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ng TV host-actress, "Totoo lang ’no, Chiz! Ayoko nung mga ano lang... na ayaw mag-commit kasi that is also parang indication of what he is as a person."

Tanong naman ni Senator Chiz kay Kris, "Di ba, natuto ka na sa leksiyon na huwag isinasapubliko masyado yung..."

Sagot ni Kris, "Chiz, hindi ko tinatanong kung ano ginagawa n’yo when the two of you are together, di ba? Kung nag-kiss na ba kayo, care! I just want to know kung mag-boyfriend-girlfriend na kayo."

Natigilan muna ang 43-year-old senator saka sinabing, "Ganun na yata yun, e."

Tanong muli ni Kris: "Are you boyfriend-girlfriend?"

"Ako yung girlfriend, ha?" biro naman ni Senator Chiz.

"Natsismis na ’yan dati..."

"Alam ko!" natatawang sagot ng senador.

Tanong muli ni Kris: "Is Heart Evangelista your girlfriend?"

"I would like to think so, yes," pag-amin ni Senator Chiz.

Nagsigawan ang mga tao sa audience nang marinig ang sagot ni Senator Chiz.

Sabi naman ni Kris, "Okay, tapos, yun lang naman. Ewan ko sa ’yo, ang haba-haba pa ng pinagdaanan natin!"

Paliwanag naman ni Senator Chiz, "Hindi kasi ako ganun, e."

Sabi ulit ni Kris, "Walang masama. Tutal naman na, di ba, legal naman na, na puwedeng-puwede..."

"Oo, inilagay ko nga sa COC ko, single."

Annulled na ang kasal ni Senator Chiz sa dati nitong asawa na si Christine Elizabeth “Tintin” Flores.

LOVING AGAIN. Tinanong din ni Kris si Senator Chiz kung anong meron kay Heart, 27 years old, na nalaman niyang maaari siyang magmahal muli pagkatapos ng annulment niya sa kanyang dating asawa?

"Parang kumplikado naman yung mga tanong mo," medyo natatawawang sagot ng pulitiko.

Pero patuloy ni Senator Chiz, "Hindi ganun, e.

"Hindi ako naghanap. Hindi ko hinanap. Siya din yata, hindi. Dumating lang.

"Siguro mas maganda yung ganun kasi may kasabihan sila, ’Lalong mong hinanap, lalo mong hindi makikita. At kung hihintayin mong maging handa ka, hindi na mangyayari kailanman ’yon.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pag dumating, dumating na lang. Yung hindi inaasahan minsan, yun pa ang pinakamaayos at maganda."

Nag-effort ba ang bawat isa?

"Definitely... Kasi kung hindi, e, di hindi na kayo nagkita ulit."

Ano ang naidudulot ni Heart na maganda sa buhay mo ngayon?

"Mundo, salita, perspektiba, at pananaw na walang kinalaman sa pinanggalingan ko, sa mundo kong ginagalawan ngayon—that’s very refreshing.

"Gaya ng sinabi mo, may mga pinagdaanan, mahirap yung kakilala mo at alam lahat.

"Maganda yung bago, walang kinalaman sa nakaraan mo. Wala ka ring kinalaman sa nakaraan niya. Walang kinalaman yung mundo niya sa mundo ko.

"Kaya’t tuwaing nagkikita o nag-uusap kayo, at least parang sanctuary siya na hindi mo kailangang pag-usapan yung mga umaway sa ’yo sa mundo ng pulitika. Hindi kailangan.

"Hindi niya kailangan awayin yung kaaway ko sa mundo ng pulitika. Hiwalay ’yon."

Nagkakilala sina Senator Chiz at Heart sa pamamagitan ni Senator Miriam Defensor-Santiago, na kilalang malapit sa aktres.

Ngayong taon lang din nagtapos ang relasyon ni Heart sa Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN