Janine Gutierrez not ready to pose sexy: “Hindi ko po hilig yung ganoon. Hindi ko po kayang mag-sexy.”

Janine Gutierrez accepts the reality that her parents Lotlot de Leon and Monching Gutierrez have separated. Asked if she wishes for a reconciliation, she says: “Hindi. Siguro tanggap na rin po naming magkakapatid na hiwalay sila. Although, siyempre, nakakatuwang isipin sana kung hindi sila hiwalay.”


October 2 ang talagang petsa ng birthday ni Janine Gutierrez, pero noong nakaraang Linggo, September 30, nag-celebrate ito ng kanyang 23rd birthday sa Party Pilipinas.

Natuwa siya sa pagdating sa show ng kanyang mga magulang na sina Ramon Christopher at Lotlot de Leon. Naroon din ang kanyang mga kapatid na sina Jessica, Diego, at Maxine.

Ipinahayag ni Janine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang nadaramang kasiyahan.

“Natutuwa po talaga ako kapag magkasama sila.

“Kinikilig din ako. Lagi din namang nagkakasama. I think it’s a big thing for them to do this on TV.

“Nakakatuwa na naglaan sila talaga ng panahon para pumunta dito. Na-touch talaga po ako.”


FAMILY BONDING. Kahit magkahiwalay na ang mga magulang, regular naman daw na nagkikita ang buo nilang pamilya.

Ayon kay Janine, kapag weekends normally ang bonding time nila.

Natanong ng PEP kung ano ang status ng lovelife ngayon pareho ng kanyang daddy at mommy.

“Ang mom ko, ang alam ko she’s single. Single naman yata silang dalawa pareho,” natawang sagot ni Janine.


RECONCILIATION. Bilang anak, wish pa rin ba niya na sana ay magkabalikan ang kanyang mga magulang?

“Hindi. Siguro tanggap na rin po naming magkakapatid na hiwalay sila.

“Although, siyempre, nakakatuwang isipin sana kung hindi sila hiwalay.

“Pero ok naman po kami. Masaya naman kami. Nakapag-adjust naman po kami nang maayos.”

Nakapagtataka na sa edad na 23, wala pa rin siyang boyfriend. Bawal pa rin ba siyang makipagrelasyon?

“Hindi po. And hindi rin naman po sa ayoko pang mag-boyfriend... Basta…wala naman po. Ganoon lang.”

Deadma lang ba siya talaga sa mga gustong manligaw sa kanya?

“Wala naman pong ganoon. Parang…just go with the flow lang.

“And hindi naman po sa ayaw kong mag-entertain ng suitors. Wala lang talaga. Hintayin na lang natin na may dumating.”


ON GOING SEXY. Ang ibang young actresses, from wholesome image ay nahihikayat kalaunan na bahagyang magpa-sexy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At kadalasang ang unang step ay ang pagpo-pose nang sexy sa isang men’s magazine. Ok ba sa kanya ang mag-sexy pictorial kung sakaling may mag-offer?

Sagot niya, “Wala naman pong nag-o-offer. Tingin ko kasi, mukha akong bata, e. And if ever, hindi rin po ako papayag.

“Hindi ko po hilig yung ganoon. Hindi ko po kayang mag-sexy.

“At saka yung mga lola-lolahan ko, I’m sure, sila ang unang hindi agree.”

Ang tinutukoy niyang "lola-lolahan" ay sina Pilita Corales na ina ni Ramon Christopher at Nora Aunor na ina naman ni Lotlot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN