Ate Gay denies using Vice Ganda to promote his first major solo concert

Ito ang sagot ni Ate Gay sa tanong kung kaibigan ba niya si Vice Ganda: “May kanya-kanya tayong meaning ng friend. Pero sa akin, kaibigan ko siya kasi kasama ko siya, iisa ang mundo namin [sa sing-along at comedy bars]. At saka nakapunta na ako sa bahay nila, naglalaro kami, kumakain. At saka magkasama kami sa work before. Kaibigan ko siya, yun."


Todo-tanggi ang comedian-impersonator na si Ate Gay na nag-aaway sila ng TV host-actor na si Vice Ganda.

Para sa kanya, hindi nila kailangang magbati dahil hindi naman sila nag-aaway.

“Wala namang dapat ayusin at wala namang dapat pag-usapan. Ang akin ay dapat masaya lang. Siguro ang kailangan lang ay paglilinaw. Yun lang,” sabi ni Ate Gay.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Ate Gay sa presscon ng kanyang upcoming concert na Ako Naman! Ate Gay sa Arena: The Call Me Beky Concert na magaganap sa SM Mall of Asia Arena sa Nobyembre 30.

Nakaayos ala-Marilyn Monroe si Ate Gay sa presscon kahapon, Oktubre 5, sa Sir Boy’s Food Republique sa Panay Avenue, Quezon City.

Bukod daw kasi kay Superstar Nora Aunor, idol niya rin daw si Marilyn.

Kung sakaling magkita sila ni Vice sa isang okasyon o showbiz event, lalapitan niya ba ito?

Sagot ni Ate Gay, “Oo naman, mga bakla kami, e. Halos lahat ng bakla, kahit hindi mo kakilala, puwede mong lapitan at saka beso-beso.”

Ano ang sasabihin niya kay Vice?

“Hi, hello! Yun lang naman. Kung may mga tanong, sagutin. Kung wala, dedma.”

GAMITAN ISSUE. Pinabulaanan din ni Ate Gay ang isyung ginagamit niya si Vice para sa promo ng concert niya.

“Oo nga, e, hindi naman ako ang may kasalanan niyan, e.

"Kaya kung nagagamit ko siya, humihingi ako ng pasensiya.

"Kasi hindi ko alam kung nagagamit ko siya o hindi, e.

"Masakit ding maisyuhan na nanggagamit ka, na hindi ka naman nanggagamit.”

Paliwanag naman ng producer ng concert na si Joed Serrano ng That’s Ntertainment Productions, baka nagkaroon lang ng isyu ng gamitan dahil nasabay sa promo ng concert ang promo naman ng pelikula ni Vice na This Guy’s In Love With U Mare.

Si Joed din ang nag-produce ng dalawang concerts ni Vice sa Smart Araneta Coliseum noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MISUNDERSTANDING. Bali-balita namang may kinalaman ang mga isyu ng diumano’y awayan at samaan ng loob sa guestings ni Ate Gay sa shows ni Vice Ganda sa ABS-CBN—ang Gandang Gabi Vice at It’s Showtime.

Ang isyu sa Gandang Gabi Vice ay naigsihan umano si Ate Gay sa naging guesting niya sa show.

Depensa ni Ate Gay, “Ang istorya kasi niyan… mahabang istorya iyan, e.

"Sabay kasi dapat ako sa Sarah G Live, ano yun, birthday show ni Sarah Geronimo, and yun nga, sa Gandang Gabi Vice.

"Kinuha ako ng Gandang Gabi Vice, e, naka-oo na ako sa Sarah G, naka-oo na kami ng manager ko.

"E, ngayon, kaya ko nasabi yung sana nag-guest na lang ako kay Sarah G para mahaba-haba kaysa doon sa Gandang Gabi Vice. Yun lang naman yun.

"Kasi dapat sabay yun, e. Hindi naman puwedeng sabay.

"E, sabi naman kasi nung GGV, nag-guest naman ako dati, ba’t hindi puwede ngayon.”

Ang isyu naman sa It’s Showtime ay si Ate Gay daw dapat ang papalit kay Vice noong pansamantala itong nag-leave sa show para pumunta sa abroad kaugnay ng kanyang international commitments at concerts.

Nag-tweet na nga si Ate Gay na abangan daw siya sa It’s Showtime. Pero ang napanood nga ng mga tao bilang kahalili ni Vice ay si Ai-Ai delas Alas.

Sabi ni Ate Gay, “Masakit kung i-cancel ka, na pinaghandaan mo at in-invite mo ang mga tao.

"Yung isyu na iyan kasi, manager ko lang ang ano… wala iyan sa akin. Hindi kasalanan ni Vice yun o kung sinuman.

"Misunderstanding siguro [ang nangyari] at humihingi ako ng pasensiya kung saka-sakali mang may mga tao akong nabanggit doon [sa tweet] o dun sa isyu na yun.”

FRIENDS OR NOT? Ano naman ang reaksiyon ni Ate Gay sa naging sagot ni Vice na “malalim kasi ang ibig sabihin ng salitang kaibigan, e,” nang matanong sa isang presscon kung magkaibigan ba sila ni Ate Gay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE to read related story.)

“May kanya-kanya tayong meaning ng friend.

"Pero sa akin, kaibigan ko siya kasi kasama ko siya, iisa ang mundo namin [sa sing-along at comedy bars].

"At saka nakapunta na ako sa bahay nila, naglalaro kami, kumakain. At saka magkasama kami sa work before.

"Kaibigan ko siya, yun.

"Kung ang ibig sabihin niya ay kung may malalim kaming pinagsamahan, wala pa naman kaming ganun.”

Pakiusap nga ni Ate Gay sana raw ay huwag nang palakihin pa ang intriga sa kanila ni Vice dahil wala naman siyang intensyong makipag-away o magpakakontrobersiyal.

Basta para sa kanya magkaibigan sila.

FIRST BIG CONCERT. Ayaw na raw idagdag pa ni Ate Gay sa kanyang mga alalahanin sa buhay ang mga intriga sa kanya.

Mas gusto nga raw niyang pagtuunan ng pansin ang kauna-unahan niyang major solo concert sa malaking venue, ang SM Mall of Asia Arena.

Siya raw ang kauna-unahang Pinoy comedian-impersonator na magsasagawa ng concert doon na kadalasang venue ng concert ng bigating foreign artists.

May pressure ba siyang nararamdaman?

“May pressure, siyempre hindi mawawala yun.

"Ang lalaki ng mga artista doon, e, yung mga nagsu-show doon, tapos sa isang pitik si Ate Gay lang po ang magsu-show, parang ganun,” pa-humble na sabi niya.

Sino ang magiging guests niya?

“Nandiyan si Ms. Nora Aunor, nagpapasalamat ako guest ko siya.

"Siyempre nandiyan ang The Company, Aegis, Aiza Seguerra, Allan K, Talentadings, tapos SexBomb Girls at lahat ng dancers ni Joy Cancio.

"Marami pang iba, may mga surprise guest pa.”

Ano ang mapapanood ng mga tao sa concert niya?

“Kung ano yung mga ginagawa ko sa comedy bars, ganun pa rin, mas palalakihin lang natin.

"Nandiyan pa rin yung mga declamation ko, yung mash-up natin ng iba’t ibang kanta.

"Meron ding spoof ng movies ni Ate Guy, tapos yung mga kanta niya. Magmi-meeting pa kami para i-finalize ang lineup.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero ang hindi mawawala sa concert ko ay ang mga buwis-buhay performances ko.

"Gustung-gusto ko kasi yung binabato ako tapos sinasalo.

"Basta siguradong maaaliw kayo.

"Yun naman ang aim ko talaga, e, kahit na lima lang ang manood—ang aliwin ang mga taong nagbayad para panoorin ako. Pero sana marami ang manood para marami tayong mapasaya.”

Tiwala rin si Ate Gay sa mga tao sa likod ng concert niya dahil bihasa na ang mga ito sa ganitong produksiyon; gaya ng direktor niyang si Andrew de Real at writers na sina Kim Idol, Michell O’BombShell, at Gie Kinis.

Sino ang nahingan niya ng advice para sa kanyang major concert?

“Si Allan K po. Kay Allan K ako humihingi ng mga technique sa mga ganitong bagay, lalo na yung before the show na kailangan kong mag-ipon ng lakas.

"Kasi kailangan ko iyan dahil nakikita ko sa mga malalaking show… idol ko si Michael Jackson, gusto ko ganung klase or yung malalaking show na magugulat yung mga tao.”

TRIBUTE TO ATE GUY. Noong una nga raw na ialok sa kanya ni Joed ang naturang concert ang akala ni Ate Gay ay binibiro lang siya ng dating aktor na ngayon ay producer na.

Nang malaman niyang seryoso si Joed, nagbigay siya ng kundisyon na papayag lang siyang gawin ang concert kung makukuha nilang special guest niya ang Superstar na si Nora Aunor.

Kaya malaking karangalan daw sa kanya ang pagpayag ni Ate Guy. Magsisilbi nga raw ang concert niya bilang tribute na rin para sa Superstar.

“At saka bilang pasasalamat dahil sa kanya nagkaroon ako ng trabaho. Dahil nga ini-impersonate ko siya.”

Hindi ba sila nahirapang kunin si Nora?

“Nahirapan kasi yung sked niya nga. Buti na lang nakuha namin yung November 30 at pwede siya for my concert.”

Napanood na raw siya noon ni Nora sa isang show. Ano naman ang sabi sa kanya ng Superstar?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Ang galing mo,’ yun.

"Ayokong sabihin kasi baka sabihin nagbubuhat ako ng sarili kong bangko. Pero ang sabi niya parang, ‘Ikaw na!’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN