Enchong Dee on current teamup with Maja Salvador: “Basta ibibigay namin sa inyo yung best namin. Bahala na ang tao kung tatanggapin nila.”

Hindi raw dapat lagyan ng kakaibang kulay ang closeness nina Enchong Dee at Maja Salvador dahil matagal na silang close bago pa nila ginawa ang Ina, Kapatid, Anak. Sabi pa ni Enchong: "Hindi siya dapat lagyan ng kulay. Mas mae-explore yung ganung teamup na hindi mo kailangang sabihin sa tao na, ‘Uy mayroon kaming something.’"


Unang naipareha kay Erich Gonzales sa seryeng Maria La Del Barrio, ngayon ay sinusubukan namang itambal si Enchong Dee kay Maja Salvador sa soap opera na Ina, Kapatid, Anak.

Marami lang ang nakakapansin na kahit sandal pa lang nagkakasama sa nasabing bagong teleserye ay iba na ang closeness na nakikita kina Enchong at Maja.

May mga nakapagsabi pa nga na tila mas malapit ang aktor sa kapareha ngayon, kaysa kay Erich na nakasama niya ng mas matagal na panahon.

Sa presscon ng Ina, Kapatid, Anak, nung nakaraang Miyerkules, October 3 sa 9501 restaurant sa ABS-CBN building, agad na pinaliwanag ng aktor ang nakikitang kakaibang closeness nila ni Maja.

“I think siguro kasi mas close talaga kami ni Maja,” sabi ni Enchong sa kaharap na press, kasama na ang PEP.ph (Philippine Entertaiment Portal).

“Si Erich close din kami, pero iba yung sa amin ni Maja.

“Si Maja natatratrato ko bilang kapatid, minsan nga parang katropa.”

DEEP FOUNDATION. Malalim na raw ang foundation ng pagkakaibigan nila ni Maja.

“Sabi ko nga yung trabaho namin ay drama na, hindi mo na kailangang lagyan ng drama. I-enjoy mo na lang.

“Ako, ine-enjoy ko ang buhay ko, ganun din siya.

“Paminsan-minsan naiisip ko, ‘Bakit ang tagal dumating ng isang bagay?’

“Ngayon dumating na ito sa buhay ko, perfect timing.”

Timing daw na ipinagtambal sila ni Maja kung kailan, close na close na sila.

“Kasi alam mo na kapag napaaga, baka hindi ganun kaganda ang kinalabasan at pag na-late naman, baka ganun din.

“Nandito kami sa oras at sa pagkakataon na buti na lang na eto na kami ngayon.”

WHAT HE LIKES ABOUT MAJA. Nang tanungin kung ano ba ang ugali ni Maja na pinakanagustuhan niya rito, ang pagiging maalaga raw ng aktres ang pinakaespesyal nitong ugali, para kay Enchong.

“Inaalagaan niya talaga ako. Sabi ko nga, parang ready na talaga ito sa buhay, kasi di ko alam kung saan niya kinukuha yung pag-aalaga niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung the way siya mag-alaga ng isang tao, secured ka sa sarili mo, e,” sabi ni Enchong tungkol kay Maja.

WHY NOT MAJA? Ilang buwan pa lang ang nakakalipas nang maghiwalay ng landas sina Maja at ex-boyfriend nitong si Matteo Guidicelli.

Samantalang si Enchong, naghihintay pa rin mag-18 ang young actress na si Julia Montes para ligawan ito.

Bakit hindi na lang si Maja ang ligawan ni Enchong, gayong may malalim na pala silang pinagsamahan?

“Yung ganyang klaseng tanong, di mo masasagot at this moment.

“Pero sa ngayon talaga, masaya kami, kasi excited ako to go to our tapings, dahil alam ko na yung ginagawa naming trabaho, magiging madali for everyone.

“At last, nakakapag-take na uli ako kasi binigay ko na yun na yun.

“Saka hindi siya dapat lagyan ng kulay.”

Ayon kay Enchong ibibigay lang nila ni Maja ang kaya nilang ibigay sa kanilang trabaho, pero hindi sila magpapadala sa pressure ng ibang tao.

“Mas mae-explore yung ganung teamup na hindi mo kailangang sabihin sa tao na, ‘Uy mayroon kaming something.’

“Basta ibibigay namin sa inyo yung best namin. Bahala na ang tao kung tatanggapin nila.”

Mapapanood na ang Ina, Kapatid, Anak sa darating na October 8 sa Primetime Bida ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN