Part 2: Jericho Rosales says girlfriend Kim Jones helped him to get rid of his “Filipino time” and “Buhawi Jack” habits

Sabi ni Jericho Rosales, dahil sa girlfriend na si Kim Jones ay hindi na siya laging nale-late sa kanyang mga appointment. Hindi na rin daw siya pabagu-bago ng plano. Aniya: “E, ako si ‘Buhawi Jack.’ ‘Pag nagplano ako, paggising ko, naiiba yung plano ko. Yun lang time and planning, she’s very organized.”


Ikinuwento ni Jericho Rosales sa presscon para sa album niyang Korona ang istorya sa likod ng carrier single niyang “Paboritong Tag-ulan.”

“’Pag binasa mo yung lyrics ng ‘Paboritong Tag-ulan,’ it talks about yung pakiramdam ng parang inspired ka, gusto mong umuwi kapag umuulan.

“Or kahit hindi umuulan, pakiramdam mo lang ang ganda ng panahon, gusto mong umuwi, gusto mo puntahan yung paborito mong tao.

“Parang for me, siya yung paboritong tag-ulan. Parang ganun.”

May kuneksyon din daw ito sa pagkahilig niya sa tubig at sa surfing.

“I really love being in the water. I’m a surfer kasi, e. So, water baby talaga ako, e.

“’Pag nasa beach ako, hindi ako nakakapagsulat ng kanta, kasi nandun ako sa tubig lagi. ‘Pag nasa Manila ako, ‘pag umuulan, dun ako nagkakaroon ng feeling ng inspiration.

“Lagi yung ulan yung paborito kong moment. Parang ‘andun ako, connected na connected ako kapag umuulan.

“I say it all the time, parang metaphor. ‘Pag yung umuulan, minsan ibig sabihin nun, kalungkutan o pagsubok. Kasi some people are not happy with rains, especially, with all the floods and stuff. That’s why I wrote ‘Bumuhos Man Ang Ulan’ meaning bumuhos man ang problema o pagsubok.

“But I want it to turn to positive ano naman, that’s why I wrote ‘Paboritong Tag-ulan,’ di ba?

“So, for them to be reminded of the good things kapag umuulan. Afterall, it’s not really bad when it rains. Saka mahilig akong maligo sa ulan.”

Tanong ng PEP kay Echo, di ba ang ulan, parang nagkukubli ng kalungkutan? Ibig kayang sabihin nito, may tinatagong kalungkutan ang kahulugan ng kanyang kanta?

Sagot niya, “Wala, wala talaga. Wala lang.

“Ahm, at this moment in time, wala akong tinatago na kalungkutan. A few things lang...medyo natsa-challenge lang ako ng konti.”


SONGS FOR KIM JONES? Sa mga kantang nakapaloob sa kanyang album, may kanta kaya siyang sinulat para sa kasintahan niyang si Kim Jones?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakangiting pahayag niya, “Ahm…kung bubuksan n’yo yung credits, makikita n’yo yung…lahat kasi, idea ng album dito ay Tagalog talaga, e. Lahat ng kanta dito ay walang halong English, pati yung credits ko, Tagalog.

“So, pinabasa ko sa kanya yung isa dun sa credits, and nakikita niya, kung mababasa n’yo yung ‘Paboritong Tag-ulan,’ yun yung para sa kanya which is the carrier single. I wrote that with her in mind.”

If ever na pipili siya ng wedding song mula sa album, ano kayang kanta ito at bakit?

“That has yet has to be written. Isusulat ko pa ‘yan, kailangan ko pa isulat ‘yan.

“When? Di ko pa po alam. Wala pa sa plano. Nag-iipon pa ako ng pera.”

Pero hindi na siya bumabata at kailangang lumagay na rin siya sa tahimik.

“But yeah, forever young naman ako sa puso ko, e. Pero she makes me feel younger.

“I mean, I don’t feel an iota of panic in me, kahit dati pa. I just feel like, ‘andito na ako talaga kahit matanda na ako. Lahat naman ‘yan may timing. So, there’s no need to panic.”


CULTURAL DIFFERENCES WITH KIM. Sa usapang Kim pa rin, inusisa rin ng PEP kay Echo kung nagkaroon ba sila ng cultural differences ng Filipina-British na girlfriend. Dito umamin si Echo na meron nga at natutunan na niyang i-overcome ito.

Kuwento pa niya, “Nung simula meron. Kinakailangan niyang masanay sa Filipino time. I had to change, wala na sa akin ngayon ang Filipino time.

“Kasi reason niya, is that you know, importante yung time ng bawat tao.”

“Whether it’ll be 10 minutes or 15 minutes. So, para siyang pulis para sa akin.

“Number one Filipino time ako. Nag-adjust rin ako sa oras niya. So, now thank you at hindi na ako nali-late… Minsan na lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natuto rin daw si Jericho mula kay Kim na huwag maging pabagu-bago ng isip kapag may ginawa nang plano.

“Kumbaga para sa kanya, dun kasi pag sinabi mo, sinabi mo. If you make plans, don’t change it right away.

“E, ako si ‘Buhawi Jack.’ ‘Pag nagplano ako, paggising ko, naiiba yung plano ko. Yun lang time and planning, she’s very organized.”


NEEDING THAT MOMENT IN HIS CAREER. Sa huli, hiningan ng PEP si Echo ng kanyang assessment sa buong mga pangyayari sa kanyang buhay at karera.

Mararating niya kaya ang kinalalagyan ngayon, kung tuluyan niyang iniwan ang acting para sa kanyang singing career?

Matatandaang may panahon sa kanyang career na wala siyang TV or movie assignments at nag-concentrate lang sa kanyang pagkanta.

Dito naging seryoso siya at ayon sa kanya, “Feeling ko talaga essential yun, e, sa career ko.

“Sixteen years siguro naman may lisensiya naman akong maburyong ng kahit konti.”

“What I’m happy about is the fact that I was able to… Nakatayo ulit ako, kasi na-challenge ako.

“Kalaban ko lang naman yung sarili ko, di ba?

“I really wanted to quit because hindi ako nakakahanap ng malalim na meaning dun sa ginagawa ko.

“I’m so happy that I found something, I got reason to keep going parang ganun.

“Now if you’re asking me again, ano ba ang hindi ko kayang gawin, ano ba ang kaya kong gawin?

“Parang lahat na ‘ata gusto kong pasukin.

“I’m taking my time dahil alam ko marami talaga ako gustong gawin.

“To close that chapter, that was really essential, that was really, really needed especially for an artist like me,” pagtatapos ni Jericho.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN