Sef Cadayona is getting the tag "lalaking Sheena Halili" for playing best-friend and sidekick roles on Kapuso shows

Sef Cadayona on playing best-friend and sidekick roles: “Pabor sa akin ang mga ganung roles kasi tuwing magka-cast nga raw, ako ang lagi nilang naiisip na magiging best friend ng kung sinong bida. Pero hindi naman lahat naging best friend ako. Minsan sidekick ng kontrabida. Parati lang ako kasama sa main cast ng mga TV series.”


Kuntento na sa pagganap ng supporting roles sa mga TV series ng GMA-7 ang StarStruck V Avenger na si Sef Cadayona.

Tinatawag na nga si Sef na “lalaking Sheen Halili” dahil tulad ng Kapuso actress ay halos lahat ng mga roles na natotoka sa kanya ay bilang kaibigan ng bidang lalake o babae.

Wala naman daw problema kay Sef dahil kahit support lang siya ay hindi naman siya nawawalan ng trabaho. Pagkatapos ng isang show ay meron siyang kasunod na project kaagad.

Sabi ni Sef sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Pabor sa akin ang mga ganung roles kasi tuwing magka-cast nga raw, ako ang lagi nilang naiisip na magiging best friend ng kung sinong bida.

“Pero hindi naman lahat naging best friend ako. Minsan sidekick ng kontrabida.

“Parati lang ako kasama sa main cast ng mga TV series.”

Nakausap ng PEP si Sef sa press launch ng bagong GMA primetime series na Coffee Prince last October 3 sa Studio 7 ng GMA Annex Building.

Kabilang sa mga proyektong nilabasan ni Sef ay ang mga teleseryeng Ilumina bilang best friend ni Aljur Abrenica; Time of My Life bilang best gay friend ni Kris Bernal; Alice Bungisnigs and Her Wonder Walis bilang sidekick ni Jean Garcia; at Together Forever bilang kaibigan ni Julie Anne San Jose.

Nakalabas din siya sa ibang shows tulad ng Diva, I Laugh Sabado, at Spooky Nights. Regular din siyang napapanood sa segment ng Startalk na “Da Who,” at resident dancer siya ng Party Pilipinas.

Saad ni Sef, “Hindi naman ako mareklamong tao. Nagpapasalamat ako sa mga nabibigay na mga trabaho sa akin.

“Tumutulong din kasi ako sa mga gastusin sa bahay namin.

“Kaya tuwing isinasama ako sa bagong show, ikinatutuwa ko kasi panibagong blessing iyon para sa pamilya ko.”



GAY ROLE. Sa Coffee Prince ay ginagampanan ni Sef ang baristang si Baldo na lumiligaw sa kapatid ni Andy (Kris Bernal) na si Mylene (Kim Komatsu).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung role ko as Baldo, kasama talaga siya sa Koreanovela na Coffee Prince.

“Ako ang nakakaalam ng pagkukunwari ni Andy. Ang kapalit nga lang para hindi ko siya ibuking ay ang pabayaan niya akong ligawan ang kapatid niyang si Mylene.”

Ang gay role sa Coffee Prince sana ang unang gustong gawin ni Sef.

Kuwento niya, “Nag-audition talaga ako para sa role ni Ervin, yung bading na barista na napunta kay Boy2 Quizon.

“Okey naman daw ako para sa role, kaso nagawa ko na raw kasi ‘yon sa Time of My Life at si Kris din ang kasama ko doon.

“Madali na kasi para sa akin ang gumanap sa gay role kasi nagawa ko na nga.

“Hindi naman ako nako-conscious kasi trabaho naman iyon at challenge para sa kahit kaninong actor ang gumanap na gay.

“Yun nga lang, baka maulit lang daw ang gay role sa Time of My Life, kaya ibinigay nila sa akin ang role na Baldo, which is okey rin kasi marami akong mga scenes na kasama ko parati si Kris,” nakangiting sabi ni Sef.



INDIE FILMS. Hindi lang sa TV busy si Sef kundi pati na rin sa paggawa ng indie films.

Tatlong indie films ang ginagawa niya ngayon.

“Right now, ginagawa ko ang indie film na Slumber Party for Cinema One. Comedy ito na idinirek ni Eman dela Cruz.

“I am also doing Gayak. Medyo heavy drama naman ito.

“Then I will start with a new one—confidential pa ang title at ang kuwento.

“Pinakamalaki itong project na ito na mangyayari sa career ko. And I am praying na matuloy ito.

“Kapag nagsimula na kami ng shooting, siguro doon ako puwedeng magkuwento.

“Actually excited na akong mag-start and I’ve been preparing myself para sa gagawin ko sa movie.”



NO GIRLFRIEND. Dahil sa sunud-sunod na projects ni Sef, ipinagpaliban muna nito ang magkaroon ng girlfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Huli siyang na-link kina Janna Dominguez at Michelle Madrigal.

Sabi ni Sef, “Si Janna, almost one year din kaming nagkaroon ng relasyon.

“Ngayon, nababalitaan ko namang happy siya kasi may sarili na siyang pamilya.

“Matagal na rin kaming hindi nagkakausap ever since naghiwalay kami.

"Sana one day, magkasalubong kami. Sana batiin niya ako.

“Si Michelle naman, aminado akong crush ko talaga siya. We went out on a date, pero one time lang iyon.

“Hindi naman ako nanligaw sa kanya talaga. Alam ko rin na may ibang nanliligaw sa kanya. Hindi na lang ako sumabay.

“Parang awkward din, e. Kaya okey lang na naging magkaibigan na lang kami.

“May mga crushes ako pero parang wala akong gana ngayon manligaw. Mas gusto ko kasing unahin ang trabaho.

“Mahirap din ipagsabay pareho. Lalo na kung pareho kayong nasa parehong trabaho.

“Kaya okey lang na ganito—single and always available!” natatawang sabi ni Sef.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN