Gerald Santos on victims of sexual harassment: "Kung may prinsipyo sila na pinangangatawanan nila, mag-stand sila dun sa prinsipyo nila."

Gerald Santos on sexual harassment case he filed against a former co-worker: "Siguro po dati may galit, pero ngayon po wala na po. Past na po yun, part na lang ng past, and naka-move on na ako. And masayang-masaya ako sa mga blessing and yung mga nakakamit ko ngayon."


Sa presscon/album launch ng third album ni Gerald Santos na Gerald Santos: The Prince of Ballad, last September 28, ay napansin ng mga miyembro ng media na tila nag-iba ang hitsura niya.

Mas gumuwapo at tila tumangos ang ilong ng 21-year-old balladeer.

Kaya diretsa siyang tinanong kung nagpaayos ba siya ng ilong?

“Wala po, magaling lang po nag-make-up sa akin, nasobrahan yata sa noseline!” sabay tawa ni Gerald.

Dagdag niya, “Wala po, wala po akong ipinaayos.

“Before po ng presscon na ito, nag-diet ako, nag-workout ako.”



SEXUAL HARASSMENT CASE. Kinumusta naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Gerald ang reklamong sexual harassment na inihain niya laban sa isang dating nakatrabaho niya noong nasa GMA-7 pa siya.

“Wala na po, actually administrative case lang po kasi iyon. So, sa loob lang po inayos, ganun po yung nangyari,” sagot niya.

Okay na sa kanya iyon at hindi na niya ipinagpatuloy ang demanda?

“Hindi na po, siguro... kumbaga, magtatanim lang po kami ng sama ng loob.

“Kumbaga, ang iniisip lang namin nung panahon na yun, kumbaga, move on with my career.

“Talagang tumayo dahil talagang dapa kami noon, e, nung time na yun—yung career ko.”

Napaalis naman daw sa GMA-7 ang inakusahan ni Gerald ng sexual harassment.

“Nung time din na yun.”

Wala na siyang balita sa taong iyon?

“Wala po akong balita sa kanya.”

Hindi ba nag-try ang naturang tao na makipag-ayos sa kanya?

“Wala po.”

Nag-sorry?

“Hindi po.”

Galit ba siya?

“Hindi po. Siguro po dati may galit, pero ngayon po wala na po.

“Past na po yun, part na lang ng past, and naka-move on na ako.

“And masayang-masaya ako sa mga blessing and yung mga nakakamit ko ngayon.”

ADVICE TO NEWBIES. Ano ang maipapayo ni Gerald sa mga baguhan para makaiwas sa sexual harassment?

“Actually, sabi ko nga po noon, kasi po parang nagkaroon ng isyu na parang takot tuloy ako sa mga bading, parang ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, hindi. Sabi ko, ang naging isyu lang po dun, kumbaga, against my will, e, ang nangyayari po noon.

“Sabi ko, kung gusto, gusto; kung ayaw, ayaw.

“Or kung ayaw, huwag naman sanang gumanti or magkaroon ng personal na paghihiganti.

“Ang magiging advice ko lang sa iba, kung ano yung nasa puso n’yo, kung ano yung gusto n’yo, kunin n’yo.

"Kung ayaw n’yo, ayaw n’yo. Pangatawanan nila.

“Kung may prinsipyo sila na pinangangatawanan nila, mag-stand sila dun sa prinsipyo nila.

“Iyon lang yung maa-advice ko sa kanila.

“Pero nasa sa kanila yun kung gusto nilang maging ganun.”

Pagkatapos ba ng nangyari sa kanya ay mag nag-attempt pang bading sa kanya?

“Wala po, wala.”

GERALD’S MANAGER. Ang manager naman ni Gerald na si Rommel Ramilo ay nagkaroon ng kidnapping case early this year.

Naakusahan ang manager ni Gerald na may kinuhang batang talent/singer at dahil sa iba-ibang anggulo ay nauwi ito sa kaso ng kidnapping.

Sa kabila nito, hindi bumitaw o hindi iniwan ni Gerald ang kanyang manager.

“Naniniwala po ako dun sa passion niya para sa akin, and naniniwala ako dun sa naging partnership namin.

“Talagang pareho kami ng iniisip sa career ko,e.

“So, kumbaga, iyon nga, ang nangyari kasi ngayon, out-of-the-box artist na ako.

“So doon ako isa pang masaya dahil, kumbaga, nasusunod din kahit papaano yung mga gusto ko ngayon, kung anong gusto kong gawin.

“Ayan, sa album, may say ako, sa lahat, kahit sa musical play, so I believe in my manager kaya hindi ko siya iniwan.”

Na-detain ang manager niya habang dinidinig ang nabanggit na kaso noong April. Paano nagpakita si Gerald ng suporta? Dumalaw ba siya?

“Opo, dumalaw and ako po ang naghanap ng attorney niya and nakikipag-usap din po ako sa ibang mga negotiations na kailangang makipag-usap sa court na ganito-ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Doon ko po ipinakita ang suporta ko sa kanya.”

Na-acquit na daw ang kanyang manager sa naturang kaso.

“Opo, dismissed na po yung case.”



PEDRO CALUNGSOD. Gagawin ni Gerald ang San Pedro Calungsod: The Musical sa PETA Theater sa October 21 & 27, pero may indie film rin na si JM de Guzman ang gaganap bilang Pedro Calungsod.

Dahil dito, tiyak na maikukumpara sila ni JM. Ano ang masasabi ni Gerald dito?

“Siguro po magkakaroon ng comparison, pero hindi po masyado dahil yung sa akin, sa stage ito, e. It’s a musical and kantahan pa rin.

"Kumbaga, konektado pa rin sa akin dahil ako singer ako and yung sa kanya, talagang acting, movie.

“So kung pagkumparahin, I’m willing naman na tanggapin yung mga criticisms na ibabato sa akin.

“So I’m willing na matuto pa at mag-improve pa sa craft ko.”

Samantala, ayon sa opinyon ng iba, hindi masyadong naaalagaan ng TV5 si Gerald bilang talent.

May one year non-exclusive contract siya sa Kapatid network.Baka dahil doon kaya hindi siya naaalagaan nang todo?

“Siguro po,” sambit ni Gerald

Pero dagdag niya, “Nagkaroon po ako ng regular shows, marami po. Nakaapat na shows ako sa kanila.

“And right now, kung magbunga itong album na ito, magbunga ng maraming trabaho, hopefully makapagtrabaho din kami sa ibang networks dahil freelance naman po ako.”

Isa sa mga talents ni Gerald ay ang pangagaya sa boses ng mga male singers natin tulad nina Martin Nievera, Christian Bautista, Mark Bautista, Gary Valenciano, Janno Gibbs, at Ogie Alcasid.

Bakit walang kanta sa album niya ang mga ginagaya niya?

“Medyo bago pa sila, e, tulad nina Christian and Mark, and saka masyado pa silang active right now.

“Kumbaga, buhay na buhay pa yung mga songs nila and buhay na buhay at makulay na makulay yung career nila right now.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So pag ni-revive ko, sobra ang magiging comparison and baka mag-fall short ako dahil who am I right now para tumapat sa kanila.

“So pinili kong mamili ng mga songs na obscure, yung hindi na masyadong naririnig, pero sikat siya before.

“Kaya iyon po ang naging strategy dito sa album na ito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN