Robin Padilla supports relationship of daughter Kylie with Aljur Abrenica

Suportado ni Robin Padilla ang pakikipagrelasyon ng anak na si Kylie sa young actor na si Aljur Abrenica. Pero diretsong sinabi ng action star na hindi dapat maapektuhan ang relasyon nina Kylie at Aljur sa loveteam ng young actor kay Kris Bernal. Sabi ni Robin, "Kasi ako, mababaduyan ako kay Aljur niyan pagka sinabi niyang magpapaapekto siya sa fans. Wow, tigilan n’yo ang pag-ibig ninyo! Kasi ang pag-ibig, kahit harangan ka ng sibat diyan, o tutukan ka ng .45 sa ulo, kung


Dinalaw ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mag-amang Robin at Kylie Padilla sa La Mesa Dam, Quezon City, kahapon ng umaga, October 7.

Doon kinunan ang ilang mahahalagang eksena para sa pelikulang Kuratong Baleleng na iprinodyus ni Robin para sa kanyang anak na si Kylie at sa mga pamangkin na gustong pasukin ang showbiz.

Kasali rin sa cast ang Kapamilya young actor na si Daniel Padilla, isa sa mga pamangkin ni Robin.

Sabi ng aktor, “Para sa kanila talaga’ to. Para sa anak ko, sa mga pamangkin ko.

“Nakikita ko kasi, bagamat masaya sila sa ginagawa nila dahil yun ang pangarap nila, e, ang mag-artista, pero hindi mo nakikita yung kaligayahan nila.

"Magkaiba kasi yun, e. Yun, nakikita ko ang kaligayahan nila, walang kapares yun, e."

ACTION STAR. Matinding aksyon ang ipinagawa kay Kylie dahil iyon naman daw talaga ang gusto ni Robin para sa kanyang dalaga.

Kahit si Kylie ay mas gusto niyang gawin ang mga matitinding aksyon na may halong drama.

Kuwento ng Kapuso young actress, “Isa po akong DPA [deep penetration agent] dito, na nagpanggap akong NPA para sa government. So, spy ako dito.

“Gusto ko talaga mag-action, e. Pinalaki kami ng papa ko na ganito, e.

"Mas madali sa akin ang mag-action kesa sa mahahabang dialogue sa eksena.”

Kahit si Robin ay ganun din ang gusto niyang career path para kay Kylie, pero nirerespeto raw niya kung ano ang gusto ng GMA-7 para sa kanyang anak.

Pero ngayon ay pinaplano na raw ni Robin ang gusto niyang launching movie para kay Kylie.

Gusto raw niyang i-remake ang pelikula niyang Barumbado na pagbibidahan ni Kylie.

KYLIE’S LOVELIFE. Nilinaw ni Robin na hanggang sa showbiz career lang ang puwede niyang pakialaman sa kanyang mga anak.

Pagdating sa usapin ng pag-ibig ay ayaw na raw niyang makialam dahil naintindihan daw niyang lahat ng iyon ay pagdadaanan ng kanyang mga anak, lalo na si Kylie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ng aktor, “Ako naman, nandiyan lang ako sa mga anak ko, nagpapaalala. Dumidistansiya nga ako, e.

"Lahat naman yun, napapagdaanan yun.

"Hindi puwedeng hindi magrebelde yun—kahit na gaano kabait."

Patuloy ng original Bad Boy of Philippine Movies, “Hindi naman natin puwedeng sagipin ang mga anak natin sa usapin ng pag-ibig. Lahat ay dadaan diyan.

"Ang usapin lang diyan, kung ang anak mo ba ay naturuan mo ng tamang pag-handle.

“Ako naman ay masayang-masaya sa anak ko at tama niyang natahak yung landas, e. Hindi ako nagkaroon ng problema.

"Minsan lang ako nagkaproblema kapag nagre-react ang mga kapatid, dun ko lang siya napagsabihan.”

Pagdating sa pakikipagrelasyon ni Kylie sa young actor na si Aljur Abrenica, nandiyan naman daw ang suporta ni Robin basta makikita lang daw niyang masaya ang kanyang anak.

Bilang pagpapakita ng suporta, isinali raw niya sa Kuratong Baleleng si Aljur para makakatambal ni Kylie.

Sabi ni Robin, “Ganun nga ang suporta ko sa kanila.

"Pagkatapos kong kausapin si Aljur, isinama ko siya sa pelikulang ‘to.

"Para iparamdam ko sa kanya na, ’Ako’y hindi mo problema, ha?

"’Magiging problema lang ako kapag pinroblema mo si Kylie.

"’Pero hangga’t okay kayo ni Kylie, hindi n’yo ako magiging problema.’"

Hanggang ngayon ay naghihintay pa raw sila ng available na schedule ni Aljur para mag-shooting sa kanila.

“Ayos na ayos kami kapag magsu-shooting na siya. Maayos kami pag magbigay siya ng araw na mag-shooting sa amin.

"Pag hindi niya kami bibigyan ng schedule, hindi kami mag-aayos,” pabirong pahayag ni Robin.

ALJUR’S LOVETEAM. Kung si Kylie ang masusunod, ayaw sana niyang makasama si Aljur sa isang project dahil mas gusto raw niyang sa personal na bahagi niya makasama ito at hindi na sa kanilang showbiz career.

Lalo pa’t may inaalagaang ka-loveteam si Aljur sa katauhan ni Kris Bernal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Kylie, “Fan-based kasi yung loveteam nila, e. Mas gusto ko na lang sa personal na ako."

Ayaw na lang pag-usapan pa ni Kylie dahil nakakatanggap na nga raw siya ng mga hindi magagandang komento mula sa mga fans nina Aljur at Kris. Hindi na lang daw niya ito pinapansin.

Pero iba naman ang pananaw ni Robin tungkol dito.

Sabi niya, “Kanila na yun. Kasi ako, mababaduyan ako kay Aljur niyan pagka sinabi niyang magpapaapekto siya sa fans.

“Wow, tigilan n’yo ang pag-ibig ninyo!

"Kasi ang pag-ibig, kahit harangan ka ng sibat diyan, o tutukan ka ng .45 sa ulo, kung totoo na ’yan, ipaglaban n’yo.”

HARAM. Samantala, isa si Robin sa unang nalungkot sa hindi pagkatuloy ng Haram.

Ang Haram ang primetime series ng GMA-7 na pagbibidahan sana nina Kylie at Dingdong Dantes.

Tatalakayin sana ng teleserye ang pag-iibigan sa pagitan ng isang Kristiyanong sundalo at ng isang babaeng Muslim.

Sabi ni Robin, “Ako ang unang-unang nalungkot kasi ako ang unang-unang nag-react diyan.

“Nung sinabi sa akin ni Kylie ‘yan, nagulat ako.

“Alam mo, hindi lang gaanong napaliwanag ‘yan, e, sa ating mga kapatid.

"Nagkataon lang nasabay tayo sa isang pelikulang ginawa ng isang istupidong tao para pagalitan ng istupidong tao din."

Ang tinutukoy ni Robin ay ang controversial short film na Innocence of Muslims. (CLICK HERE to read related story.)

“Ako, natural ang reaksiyon ng mga kapatid.

"Ako, hanggang sa UP [University of the Philippines] nakarating ako.

"Tinanong ko sa kanila, ’Tama ba ‘tong gagawin ng anak ko?’

"Ang sabi naman ng dean ng UP Islamic Studies, tama ’yan kasi dawa ‘yan. Dawa means preaching.

"Natahimik ako, kaya sumuporta na ako," saad pa ni Robin.

Napabalita pang sa sobrang depression ni Kylie sa hindi pagkakatuloy ng Haram ay pinagbakasyon muna ito sa Hong Kong ng ilang araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento pa ni Robin, “Natuwa naman ako sa GMA at ang kinuhang religious adviser ay ang UP Islamic Studies.

“Wala, e, smooth lahat, e. May mga bagay na masasabi natin na hindi lahat ng bagay ay makukuha natin.

"Kahit gustung-gusto natin, pero hindi pa ibinibigay ng Panginoon, baka hindi pa napapanahon.”

FAMILY BONDING. Pagdating sa kanilang pamilya, masayang ikinuwento ni Kylie sa PEP na darating sa Pilipinas ang mga kapatid niya at ang mommy niya para magbakasyon sa darating na Pasko.

“Masaya si Papa pag kaming magkapatid magkasama. Kasi masaya kami, e, ang kukulit namin,” sabi ni Kylie.

Handa na rin daw si Kylie na magkaroon ng kapatid sa Tita Mariel Rodriguez niya.

Gusto raw sana niyang magiging perfect ate sa magiging kapatid niya sa kanyang papa at kay Mariel.

Sabi ng young actress, “Sana nga mag-mature pa ako ng konti para maturuan ko siya nang tama.

"If ever magkaroon sila ng anak, gusto kong maging mabuting ate.”

Pero iba naman ang pananaw ni Robin tungkol dito.

Napag-usapan pala nila ni Mariel na huwag munang magka-baby dahil mas gusto niyang mag-concentrate muna sa kanyang mga anak, lalo na sa bunsong anak na si Ali.

Saad ni Robin, “Sa akin, ang prayoridad ko ngayon si Ali, kasi magbibinata na ang anak ko.

“Sana matuloy yung pinag-usapan namin na pagkatapos niya ng Grade 6, dito na siya sa akin.

"Kasi yun ang pinag-usapan namin ni Ali, e.

“Sa katunayan, handa na rin ang titirhan ng kapatid niyang isa. Yun ang usapan kasi na titira na sa akin si Zhen at si Ali, pinaghandaan na nga namin yun, e.

“Sa ngayon, alam ni Mariel na kaya kami nag-asawa, gusto ko ako yung baby.

"Pag-uwi ko, ako yung aalagaan. Gusto ko, ako, e.

“Pag nag-baby siya, baka mag-asawa ako uli. Huwag naman, ayaw na nila!” pabiro niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Robin, “Kasi nagtatrabaho pa ako, e.

"Pag ganito katindi ang trabaho ko, kailangan asikasuhin ako. May iinit ng tubig.

"Kasi hirap ng trabaho namin.”

Maliwanag daw na napagkasunduan nila ito ni Mariel.

“Pero pag may rancho na ako, sinasabi ko sa kanila na pangarap ko magkakabayo na wala nang ginagawa, puwede na ako mag-anak nun.

“Alam naman niya ang gusto ko, e.

"Kailangang-kailangan ako ni Ali. Sa edad niyang ito, kailangan niya ako.

"Hindi na muna ako magdadagdag. Atensiyon muna ako kay Ali.

"Kapag meron na siyang sariling isip, malapit naman yun, pagdating ng trese nun, iba na ang takbo nun.

"Hangga’t ngayon nakikinig pa siya, sa akin muna siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN