Pilar Pilapil on trauma after stabbing incident that almost took her life: “Wala na. The Lord took that away from me. Wala na, tapos na iyon.”

Pilar Pilapil on supporting role in Ina Kapatid Anak: “The role is not as challenging not unless they make a better story for me or a better role for me.”


Ayaw nang pag-usapan ni Pilar Pilapil ang trahedyang nangyari sa kanya noong nakaraang taon na muntik na niyang ikamatay.

Matatandaang nasaksak si Pilar sa may Barangay Padilla, Antipolo City, ng mga hindi pa kilalang mga tao noong Abril 14, 2012.

Pero ayon sa beteranang aktres, ang pangyayaring iyon ay nagbigay din naman sa kanya ng isang himala at nagpalapit pang lalo sa kanya sa Panginoon.

At kahit traumatic sa kanya ang insidente, naibsan na rin daw ang kanyang mga pangamba.

Sabi niya, “Wala na. The Lord took that away from me. Wala na, tapos na iyon.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pilar sa presscon ng Ina Kapatid Anak noong Miyerkules, October 3, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Ganunpaman, sinabi ng beteranang aktres na maingat na siya sa kanyang mga lakad niya ngayon.

Aniya, “May nakakasama ako. Pero hindi naman yung security. I just don’t walk alone anymore.”



NEW TECHNOLOGIES. Masaya si Pilar na mapasama sa bagong teleserye ng Kapamilya network, ang Ina Kapatid Anak.

Bumilib at humanga nga ang aktres sa makabagong proseso sa paggawa ng mga teleserye ngayon.

Sabi niya, “They are more high-tech now, at saka mas professional silang gumagawa ngayon.

“Maraming improvement—malaki ang improvement.”

Mas challenging na ba ang trabaho ng isang artista ngayon kumpara dati?

Tugon ni Pilar, “Alam mo, challenging will only depend on the role. To me, I have very high standards when it comes to good roles.

“Mahirap sagutin ‘yan, not unless I get a very, very good role—that’s when I’m challenged.

“Siyempre ang focus dito is not me, or Eddie Gutierrez, or Ronaldo [Valdez]. The focus here is more on the lead stars.

"The role is not as challenging not unless they make a better story for me or a better role for me.

“Kasi ang focus nila is more on the young stars, di ba? So, kami nina Eddie, ako, saka Ronaldo, more or less, support lang kami, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, how can that be as challenging as their roles? It can never be.

“That’s why it depends on how they will develop the story. Depende na ‘yan kung paano nila ide-develop yung story.”



SUPPORTING ROLES. Ang mga "lead stars" na binabanggit ni Pilar ay sina Kim Chiu, Xian Lim, Enchong Dee, at Maja Salvador.

Pero kahit na support lang sila ng mga bagong lead, mahalaga pa rin ba ang characters nila sa itatakbo ng istorya?

“Oo naman,” agad na pagsang-ayon ni Pilar.

Patuloy niya, “You know, you can never really tell if it’s a really good script not unless it’s a finished script.

“Iba yung gumagawa ka ng movie. Kasi pag gumagawa ka ng movie, nababasa mo lahat yung mga istorya.

“Pero ito, hindi mo nababasa. Nababasa mo lang the night before the taping.

“So, ang nangyayari, hindi mo talaga nalalaman kung ano ang takbo ng istorya, kung ano talaga ang takbo ng role mo.

“Nalalaman mo na lang ‘yan as you go along, hindi kaagad. Hindi mo kaagad nalalaman iyon.”

Aminado rin ang beteranang aktres na kahit na mapili siya sa roles dati, mahirap na raw gawin iyon ngayon.

Esplika niya, “Well, I was more choosy before because I had more opportunities to choose.

“Ngayon, wala nang masyadong opportunities to choose, di ba?

“I still choose, at least, meron pa rin akong say sa kung anong gusto kong gawin,” aniya.



OTHER PROJECTS. Kung wala sa harap ng kamera, abala si Pilar sa pag-aasikaso ng kanyang mga negosyo at ng kanyang foundation.

Lingid sa kaalaman ng marami, si Pilar ay may Pilar Pilapil Foundation na nagbibigay ng training sa mga kababaihan at mga kabataan.

“I am so busy na minsan ay hindi ko rin napapanood yung mga ginagawa kong teleserye!” natatawa niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN