Part 1. Director Marilou Diaz-Abaya: The last PEP interview

Ilang buwan bago bawian ng buhay ang direktor na si Marilou Diaz-Abaya, nakausap siya ng PEP sa tahanan niya sa Mandaluyong City. Sa panayam na ito ay tinalakay ang kanyang pakikipaglaban sa sakit na cancer at nagbalik-tanaw rin siya sa kanyang karera bilang direktor.


Isa sa mga huling panayam ng yumaong direktor na si Marilou Diaz-Abaya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay naganap ilang linggo bago niya tanggapin ang pagkilalang iginawad sa kanya ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa 28th Star Awards for Movies noong March 14, 2012.

Si Direk Marilou ang recipient ng special award na Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera.

Naganap ang panayam ng writer na ito sa condo unit ng direktor sa Shaw Blvd., Mandaluyong City.

Noong panahong iyon ay batid na ng publiko ang sakit na breast cancer ni Direk Marilou. Nasa stage 4 na ang kanyang karamdaman noon.

Pero kung titingnan si Direk Marilou noon, hindi pa rin nagbabago ang kanyang pisikal na anyo. Hindi siya pinapayat o pinapangit ng chemotherapy.

Napakatalas pa rin ng memory niya, with a lot of anecdotes about personages and situations na ibinahagi niya sa loob ng mahigit isang oras.

Hindi nga apektado ng chemo ang kanyang memorya.

"Not in my case, wala sa brain ko, e," pagtukoy niya.

"This new chemo doesn’t make me lose my hair. Nalalagas lang ng konti.

"Iba-ibang klase. There are hundreds of different chemos and in some you will really lose your hair."

Patuloy ni Direk Marilou, “Nung nag-stage 4 ako [in 2010], ibang chemo yung ginagamit nila.

“Pero, for life na ’yon. Every three weeks. Kaya may calendar yung chemo.

“More or less, nakikita ko kung saan ako okay.”



TUMOR MARKERS. Sa pagpapatuloy ng kuwento ni Direk Marilou ay higit niyang naipaunawa sa PEP ang kumplikasyon ng pagiging isang cancer patient.

Regular treatment ang ginagawa noong panahong iyon ng batikang direktor.

"Yeah... wala akong pain. Breast [cancer] na... nasa liver, bone. I’m stage 4, e. Then, sa stomach…

“Nung month ni Mama Mary last year, they gave me six months [to live]… in January of last year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, February, andiyan na yung trahe ko, e," casual pang banggit pa ni Marilou.

"I’m done with the Jesuits. I’m prepared for it.

"Tapos, ay, tumagal!" natawa niyang sabi.

"From 900, bagsak nang bagsak, hanggang bumagsak!"

Marilou was referring to her "tumor markers" na maganda ang pahiwatig pag may "pagbagsak" na naitatala ang mga doktor.

"Yung cancer cells mismo. Thank God, I’m not really in pain.

"Nung showing ng Ikaw Ang Pag-ibig [last September 2011], bumagsak talaga siya, hanggang December!

"Then, nagre-respite. Ngayon, pumanhik na naman nang konti.

"But cancer is like that. You have to live with it.

"Ang feeling mo lang, para ka lang nag-gym.

“Nung sumobra yung gym, sumobrang pagod. O kaya, it’s fatigue…

"Some cannot take it at all. After one [session] lang, hindi na nila kaya."



DIRECTOR AND TEACHER, FIRST. Napag-usapan din namin ang pagiging guro ni Direk Marilou, na nagturo sa Ateneo De Manila Film School.

Aniya, "Teaching, when I was a little girl, that was what I wanted to do.

"I love teaching. Yung mga driver at yaya ko, pinapaupo ko after class, tapos, ’Makinig kayo sa akin!’

"Kung anu-ano ang itinuturo ko, may malaki akong blackboard

Nag-aral si Direk Marilou sa mga ekslusibong paaralang pambabae, tulad ng St. Theresa’s, Assumption College, eventually graduating with a degree in AB Communication Arts.

Sa ibang bansa naman nagpatuloy ng kanyang graduate courses si Direk Marilou: Master of Arts in Film and Television sa Loyola Marymount University, Los Angeles, noong 1978; at sa London International Film School, noon ding 1978, ang pagpapatuloy at pagtatapos ng kanyang kurso sa Film.

Eventually, naging film director si Marilou sa pagbabalik niya sa bansa.

Noong 1979 ay sinimulan niyang idirek ang isang melodrama, Tanikala, na base sa komiks nobela ni Pablo S. Gomez, para sa Cine Filipinas.

Pero ang pagiging isang guro ay nanatiling nakatatak sa pagkatao ni Direk Marilou.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya, "When I came back to the Philippines, from abroad, the first thing I did was already to teach at the Ateneo. 1980 pa lang.

“Kaya si Jeffrey Jeturian at yung yumaong si Judy Lou de Pio, mga una kong estudyante.

"Marami sila. Until all the way... Quark [Henares] was my student.

"So, from 1980 up to now, I never stopped teaching."

Dagdag pa niya, "Actually, kami ni Ricky Lee lang. Si Ricky started nung 1980 rin, e.

“Kung minsan, we collaborate [as writer-director]."

Kabilang sa memorable collaborative films nina Direk Marilou at Ricky ay ang mga sumusunod: Brutal (1980), Moral (1982), Karnal (1983), Jose Rizal (1998), at Bagong Buwan (2001).



MDAFI. Nagbahagi rin si Direk Marilou tungkol sa film school na itinatag niya, ang Marilou Diaz-Abaya Film Institute (MDAFI).

"We’re already merging with ABS-CBN. So it’s now ABS-CBN-MDAFI," banggit ni Marilou.

"Whatever happens to me, sila ang magpapatuloy.

“Kasi si Malou [Santos], ever since my Ateneo days, has been obsessed with educating [future film artists].”

Ito raw ang maiiwang legacy ni Direk Marilou.

"And I was so relieved, so grateful about the school nang naayos na, na-conclude na yung agreement namin with ABS-CBN.

"It will be open also to technicians... and, sabi ko, ano namang mangyayari sa mga tao na hindi naman digitally-trained?

"Hindi natin ’yan ginawa nung nag-aral tayo, kaya tayo nawalan ng napakaraming workers.

"This time, let’s learn from our mistakes.

“Isama naman natin yung, you know... itawid naman natin yung puwede nating isama.

“Let’s expand, hindi lang film directing, to include all the seven arts—writing, casting, production design…”



ANG PAMANA. Sa kanyang paghahanda sa "kaganapan" ng kanyang buhay, nakakalungkot mang isipin, ay may mga projects na sana ay gagawin ni Direk Marilou, pero hindi na niya nagawa.

"Ikaw Ang Pag-Ibig is my last film. It’s my swan song," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binanggit din ni Direk Marilou ang mga bagong project na katuwang na lamang siya sa pagre-research at pagsulat ng screenplay.

"I wish Olive [Lamasan] would direct John Lloyd Cruz in Juan Luna, which I’m researching on and co-writing with Ricky Lee.

"O yung Nana Rosa, ipinamana ko yun kay Rory Quintos."

Ang Nana Rosa, base sa totoong kuwento ni Nana Rosa Henson, na naging "comfort woman" noong Second World War sa Pilipinas, ay laan para kay Vilma Santos na ididirek sana ni Ishmael Bernal.

Sabi ni Direk Marilou, "Hindi na si Ate Vi [ang gaganap]. Hahanap sila ng bagong artista for Nana Rosa.

"They wanted me to direct… ipinamamana ko na kina Olive at Rory.

"Next year, God willing, I was supposed to direct it, but nung nag-stage 4 ako, I told Ricky, ’Isulat mo na, ako ang magre-research... ’Wag kang matakot.’

“Tapos, sabi ko, ’Olive, it’s time for you to do something like this. You do this...’

“She’s ripe na, e," sabi pa ni Direk Marilou.

On her part, nakasulat na rin ng dalawang libro si Direk Marilou habang nasa kundisyong "unreliable" ang kanyang health condition.

"The first one is Moonlit Seasons and then Reefs of Paradise. Both [about] underwater ’yan," banggit pa niya.

Magku-collaborate din daw sila ni Ricky Lee para sa isang “double memoir” na tala ng marami nilang pagsasama sa iba’t ibang proyekto at mga taong naging bahagi niyon.



SHARING HER STORY. Will she share her life story in any form—film biography, book, whatever?

"I think so," mabilis na tugon ng 57-year-old filmmaker.

"It’s not mine. It’s God’s. It’s for everybody.

“Or else, I wouldn’t be teaching, if I don’t want to share myself."

At kung gagawin nga raw pelikula ang kanyang buhay, ang gusto niyang maging title nito ay Storyteller.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



WORK AND FAMILY. Kasama ni Direk Marilou sa condo unit sa Shaw Blvd. ang kanyang asawang si Manolo Abaya, kilalang cinematographer.

"He’s also in advertising now," banggit ni Direk Marilou.

Wala pa ba silang mga apo?

"Wala pa," nangiti si Direk Marilou.

"Thirty to thirty-two [years old] pa lang sila. Their cousins got married, thirty-five, thirty-six…

Ang mga anak na sina Marc, 32, at David, 30, ang tinutukoy ni Direk Marilou.

Dalawang lalaki ang naging anak nila na pareho nang nasa showbiz bilang singer/aktor (Marc) at cinematographer (David).

Sabi ni Direk Marilou, "If ever, gusto ko nang magka-apo.

“E, gustung-gusto ko pa naman yung mga girlfriends nila!

"Naku, ’Day! Sila ang mga kakampi ko. At sila yung pinagsa-shopping ko… ano naman ang bibilhin mo dun sa dalawang lalaki?"

Sa kuwento pa ni Direk Marilou, napag-alaman ng PEP na kabilang din ang isa niyang "mamanugangin" sa pelikula bilang production designer.

Pero ayaw pa raw ng mga ito na magpakasal.

"Ang gusto nila, pagkakasal, may baby na, which I also agree.

"E, nung time namin ni Manolo, hindi mahirap, e.

“At that time kasi, we were on the same set. Tapos, nandiyan na yung babies, yung yaya."

Naging magka-tandem sila ng kanyang ace cinematographer-husband sa mga naunang obrang idinirek din ni Marilou, tulad ng Tanikala (1980) at Brutal (1980).



FRIENDSHIP. Ayon kay Direk Marilou, diabetic ang kanyang husband pero kaagapay niya ito sa kanyang karamdaman.

Ano naman ang sikreto ng lasting relationship nila ni Mr. Abaya?

"Friendship," simpleng tugon ni Direk Marilou.

"Yes. I was 15 and he was 16 [when we met]. Sa La Salle siya, ako naman sa Assumption.”

Mahalaga raw ang friendship, "Before, during, and after [marriage]," aniya pa.

"When you’re our age, kunyari... siya diabetic na, at ako ano na [cancer-stricken]... yung loyalty at understanding, it’s there, e.”



JOSE RIZAL. Insightful din ang anecdote na naibahagi ni Direk Marilou on how the epic Jose Rizal (1998) finally landed on her lap, after some moments of hesitation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At malaki ang naging bahagi sa pangyayari ng kanyang buong pamilya.

Simulang kuwento ni Direk Marilou, "When Jimmy Duavit [executive of GMA Films] approached me, I was in the middle of Sa Pusod ng Dagat.

"They were having problems daw with the Mike de Leon production, so can I take over?

"’No, I don’t think so,’ sinabi ko muna.

"Then, Jimmy Duavit said, ’Don’t say no now, just think about it...’

"I told him, ’Jimmy, ah, at the top of my head... because you said I’ll think about it, if I consider it, I will have to request two things.’

"Sabi ko, ’Start the script from scratch…’

“Kasi naka-fourteen drafts na raw si Mike de Leon—which pinabasa sa akin, e, it’s for Mike de Leon, not the type na ako ang gagawa.

“Magkaiba naman talaga kami ni Mike.

"Sabi ko, ’Can I start the script from scratch? With Ricky Lee and a team of writers?’

"And the second [request], Cesar Montano as Jose Rizal!

“Sabi ko, ’Actually, Jimmy, it’s an advantage and a disadvantage.’

"I’ve always been a fan and a scholar of Jose Rizal, from the very beginning, and I love reading him from the original Spanish, which I speak and write.

"So I have a firm image of how Cesar Montano can be transformed into Pepe.

"There is no way, no matter how good an actor he is, I can make the people believe all over the world, who know who Jose Rizal was, na siya si Jose Rizal.

"No offense meant at all and no reflection at all on Aga Muhlach.”

Si Aga ang unang kinuha ng GMA Films at nakapag-shoot na under Mike de Leon.

"I want to work with him and I’ve actually worked with him in a telemovie for Channel 7 before," sabi ni Marilou tungkol kay Aga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’I think, he is a beautiful person, a good actor, but the assignment you are giving me is not for Aga. It’s for the country!’ sabi kong gano’n.

"And this is the first time that I’m asked to do a film that’s for the country! It’s not my film! It’s not going to be my film, et cetera, et cetera...

"So, after one week, kinonsulta ko si Manolo.

Sabi niya, ’You go for it, Duwag!’ Ginano’n ako ni Manolo!" natawa si Direk Marilou.



MARC AND DAVID. ’’Tapos, one day, Marco and David came home from Ateneo, nagme-merienda kami.”

Tanong daw ni Marc: "Ma, what’s this I hear, it’s all over school, you’re directing Jose Rizal?”

Hesitant sumagot si Direk Marilou sa tanong ng anak, nasabi lang niya, "A, no, no, no, no… they asked me to direct Jose Rizal.’"

Pagkarinig, ibinaba raw ni Marc ang tinidor niya at tahasang sabi sa mommy niya: "You mean, you might turn it down? You mean, you might turn down Jose Rizal, who went to Ateneo? What face am I gonna show in school?”

"Mangiyak-ngiyak na ako," balik-tanaw pa ng direktor.

"Tumayo ako, ’Hello, Jimmy, you have to thank Marco Abaya. I’m taking the project.’

"Tapos nung ibinaba ko na yung phone, sabi nung maliit [David], ’This is it! I am so relieved!’

"Ibig sabihin, hindi na siya magpapaliwanag sa mga kaklase niya.

“How could I not do it, I’m a heswita [Jesuit], Atenista ako...

"Sabi ko, ’Well, we’ll try our best. But this means this is two years of my life for sure...’"

From all indications, hindi nagkamali sa naging desisyon si Direk Marilou, being the brilliant filmmaker that she is.

Naging malaking tagumpay sa takilya at nanalo ng kabi-kabilang award ang Jose Rizal filmbio sa panahon ng pagtatanghal nito at noong sumunod na taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iyon ang ika-20 taon ni Marilou Diaz-Abaya bilang film director, at naging significant ang mga parangal na natamo niya noong 1999 at ng sinundan ding mga taon matapos niyang magbalik-aktibo sa pagdidirek.



SIC O’CLOCK NEWS. Meanwhile, sa panahon ng bagong pamamahala, matapos ang 1986 EDSA Revolution, nagmarka sa publikong manonood ang gag show na idinirek ni Marilou Diaz-Abaya para sa IBC-13.

Ito yung Sic O’Clock News, isang gag-satire hinggil sa umiiral na sistemang pulitikal sa bansa nang panahong yun.

Si Jaime Fabregas, veteran actor-comedian, ang main host-character ng gag show.

Naging abala rin si Marilou bilang direktor ng Public Forum—dating Truth Forum, hosted by columnist-host Randy David—matapos ang pansamantala niyang paghinto sa paggawa ng mga pelikula.

Before directing those relevant TV programs, ani Direk Marilou, "In those five years, I was receiving practically all the offers na talagang very bold!

"Hindi naman ako for morality or what lang. It’s just that I found it boring.

"How many ways can you block sex [scenes]?" tanong daw niya sa sarili.

"At the same time, ang option ko was... exciting yung news and public affairs for me!

“I was also doing documentary, public affairs na live, Sic O’Clock News na comedy.

"Ayaw akong bigyan ni Mother Lily [Monteverde], ’Mother, sige na, gagawin ko ’to [drama], bigyan mo ako ng comedy...”

Na sasagutin naman daw siya ng Regal matriarch, "Ay, hindi ka gawa ng comedy! Masyado kang serious!”

"Ayaw niya akong bigyan ng comedy. Finally, meron akong... hindi naman siya basta comedy, but satire. Satire siya."

Bakit gustong gumawa ng comedy ni Direk Marilou noong mga panahong ’yon?

"E, kasi mas marami akong masasabi," katwiran niya.

"Ngayon nga, sabi nila, ’Why don’t you do it now?’

"Why would I do it? They’re already doing it all over the place!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Manood ka lang ng impeachment trial [of Chief Justice Renato Corona], Sic O’Clock News na ’yon!

"Sabi ko, ’Ano ’yon? Magre-repeat na lang ako? Manood ka lang ng TV, spoof na sila! Ini-spoof na nila yung buhay natin!

"Hellow!" kuwelang sabi pa ni Direk Marilou.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN