Edgar Allan Guzman realizes career is more important than lovelife

Edgar Allan Guzman on prioritizing his showbiz career: "Para sa akin, habang dumadami, e, nandiyan yung opportunity na maipakita ko yung mga talents ko sa mga tao. Ayun po, na-realize ko na kailangan kong mag-focus dito kasi alam ko may magandang resulta. Parang ito yung mga dahilan kung bakit ako tinatapik ng Diyos.”


Isa sa pinaka-in demand na young actor ngayon si Edgar Allan Guzman.

Kabi-kabila ang trabaho ng dating Mr. Pogi ng Eat Bulaga!, at ngayon ay pinatutunayan niya na hindi lang siya guwapo kundi may talent din sa pag-arte, pagsayaw, at pagkanta.

Nitong nakaraang FAMAS Awards nga ay isa si Edgar sa ginawaran ng German Moreno Youth Achievement Award.

Ipinagpasalamat ito nang labis ng Kapatid actor sa Master Showman sa pagkakasama niya sa iba pang ginawaran ng parangal; tulad nina Daniel Padilla, Derrick Monasterio, Enrique Gil, Jessy Mendiola, Julie Anne San Jose, at Kristoffer Martin.

Sabi ni Edgar, “Isa ako sa mga napili ni Kuya Germs and thankful ako sa kanya at kahit papa’no ay napansin niya ako, and nakita niya na puwede akong magandang ehemplo sa mga kabataan na nangangarap.

“Para sa akin, huwag kayo mag-alala Kuya Germs at pagbubutihan ko pa po.”

Ekslusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Edgar noong October 2 pagkatapos ng kanyang interview sa radio show na Cristy Ferminute sa Radyo Singko, 92.3 NEWSFM.



BONA EXPERIENCE. Natapos na two weeks ago ang theater adaptation ng Bona na tinampukan nina Eugene Domingo at Edgar Allan.

Ikinuwento ng young actor sa PEP ang mga hindi niya malilimutang karanasan sa play.

“Ayun nga, sinabi namin sa mid-evaluations namin… actually final evaluation na siya.

“Nagkakausap-usap lahat so, para sa akin, kakaibang experience and iba yung bonding nung cast, e.

“Dito kami nagkalapit ni Ate Uge, Direk Soxie Topacio—first time ko makatrabaho and iba rin yung pakiramdam.

“Nakakalungkot, kasi yung every weekend na ginagawa…

“So siguro, para sa akin, mag-iiba lang yung bawat weekend ko na tapos na siya.

“Nasanay kasi ako na mag-prepare para mag-show—yun lang yung buong cast, yung bonding namin.”



MAALAALA MO KAYA. Ipinagmamalaki rin ni Edgar ang pagtangkilik ng mga manonood sa kanyang episode sa drama anthology ng ABS-CBN na Maaalala Mo Kaya dalawang Sabado na ang nakararaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gumanap siya rito bilang isang “tagong bading.”

Masaya niyang banggit, “Yes, yun nga, 36.5 percent sa ratings [Kantar Media-TNS], proud ako kasi sinuportahan nung mga tao yung episode ko sa MMK.

“Actually, ito yung pang-apat na MMK ko na ginawa, at ito yung pinakamataas na ratings.

“Yung pangalawa ko, yung with Kim Chiu, 31 percent yun. So ito, medyo naangatan niya ng kaunti.

“At sana makagawa ulit ako sa MMK.”

Marami ang nagsasabing baka hudyat na raw ng kanyang paglabas-labas sa Kapamilya shows ang kanyang paglipat.

Ano ang masasabi niya rito?

“Siguro masaya lang ako na nakakatawid ako sa ibang networks, nakakagawa ako, nakakapag-guest ako sa kanila.

“Pero TV5 kasi is my homebase, e.

“Dito ako gumagawa ng teleserye, dito ako gumagawa ng variety shows.

“Napapayagan lang ako na makapag guest sa ibang network,” paliwanag ng young actor.

PEDRONG WALANG TAKOT. Abala ngayon si Edgar sa shooting ng pelikulang Mga Kuwento ni Lola Basyang.

Isa siya sa mga bida sa twinbill entry na ito ng Unitel Pictures at Studio5 para sa Metro Manila Film Festival 2012.

Ang episode niya ay pinamagatang “Pedro Walang Takot.” Ang isa pang episode ng pelikula ay pagbibidahan naman ni Alex Gonzaga.

Ano ba ang role niya sa pelikula?

“Ako dito si Pedro. Siya ay ipinanganak na may sumpa, so yung sumpa na yun ay yung necklace.

“Kapag narining yun nung Desdemona, kukunin siya.

“So natatakot yung mga magulang ni Pedro. So ako, ibinigay nila ako sa isang pari, Padre Juan, si Tito Pen Medina. Inampon niya ako, lumayo kami.

“Pumunta kami ng Cavite, dun kami naglakbay and then nakapunta kami sa isang baryo sa Pila, Laguna.

“Nakilala namin yung mayor at meron dung monster sa lugar na yun ang pangalan ay Bastian, so wala pang nakakatalo dun.

“Yun, namili yung mayor kung sino ang puwede makalaban.

“Pero hindi nagprisinta si Pedro, inaantay lang niya yung pagkakataon na magkaroon ng chance na makalaban yung monster.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Pedro dito is matapang, kasi nga walang takot.

“Meron siyang kababata dito na ang pangalan ay si Chelsea, which is si Empress Schuck yung papapel, at siya ang magiging ka love team ko dun.

“Mabait at mapagmahal siya.”



SECOND CHOICE. Hindi si Edgar ang original choice upang gumanap sa lead role ng “Pedrong Walang Takot.”

Ano ang masasabi niya rito?

“Okay lang. Masaya ako kasi ang mga pinaggalingan ng mga pinagpipilian ay Ryan Agoncillo, Sid Lucero…

“So, para sa akin, okay lang.

“At least, di ba, ang every project naman ay kinu-consider ko na big break para sa akin.

“So ako, masaya ako.Okay lang sa akin yun.

“Walang problema yun sa akin basta ang mahalaga ako yung gaganap. At gagawin ko yun para sa mga tao.”



LOVELIFE O CAREER? Marami ang bumatikos noon kay Edgar nang magkaroon sila ng tampuhan ng kanyang manager na si Noel Ferrer dahil sa mga bagay na may kinalaman sa mga proyekto at lovelife ng young actor.

May mga nagsasabi ding mas inuna pa raw ni Edgar noon ang kanyang lovelife kaysa sa mga proyektong dapat ay pagtuunan niya ng pansin.

Muli naming inusisa si Edgar tungkol sa estado ng relasyon nila ng dating SexBomb dancer na si Johlan Veluz.

Pero umiiwas ito noong una. Pabiro niyang sabi, “Siguro para sa akin, huwag na nating pag-usapan yun.

“Ganda ng career ko, e, bongga! So ang latest kay Edgar ay trabaho, trabaho, trabaho.”

Pero nang tanungin si Edgar ng host ng Cristy Ferminute na si Cristy Fermin kung ano ba ang mas matimbang sa kanya ngayon, walang kagatul-gatol nitong sinabi na career na muna at isinantabi na muna niya ang lovelife.

Kailan dumating sa isipan niya na mag-focus muna sa magandang takbo ng kanyang karera?

Saad niya, “Uhm, nung marami nang magagandang nangyari sa akin and pina-realize sa akin ng Diyos na parang dito ka mag focus, dito ka magtatagumpay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, para sa akin, habang dumadami, e, nandiyan yung opportunity na maipakita ko yung mga talents ko sa mga tao.

“Ayun po, na-realize ko na kailangan kong mag-focus dito kasi alam ko may magandang resulta.

“Parang ito yung mga dahilan kung bakit ako tinatapik ng Diyos.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN