Andrei Felix plans to marry Venus Raj: “Ang tanga ko na lang kung papakawalan ko pa ‘to!”

Venus Raj on tying the knot with Andrei Felix: “Siyempre ayaw mo naman na boyfriend mo siya for the rest of your life. Gusto mo na darating at darating kayo do’n. Pero sa ngayon na wala pa kaming one year, siguro we’ll enjoy muna ‘yong ganitong stage.”

Andrei adds, “Pero siyempre ako, hindi na ako bumabata. Sabi ko, gusto ko ring dumating ‘yong point na makakalaro ko ‘yong mga anak namin e


Ang sweet ng magkasintahang sina Venus Raj at Andrei Felix nang dumating kahapon, Lunes, October 8, sa grand opening ng pinakabagong branch ng Lay Bare Waxing Salon sa third floor ng Robinson’s Magnolia, Aurora Boulevard, Quezon City.

Lahat ng taong naroon ay naintriga na "Daba" ang tawag ni Venus kay Andrei. Hindi kasi pamilyar sa pandinig ang salitang iyon at kung ano ang ibig sabihin nito.

Paliwanag ni Venus sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kasi sa Bicol, di ba, padaba? Padaba is mahal o love. Daba is maiksi no’ng padaba."

Sabi naman ni Andrei, “Marami na kaming naging tawagan, e.

“Nagsimula kami sa Pare dahil bilang magkaibigan lang kami. Magkatrabaho sa Umagang Kay Ganda.

“So Pare ang tawagan namin. Naging Lovey. Naging Baby. Naging… kung iba-iba na.

"Evolution na.”

Pahabol na pahayag pa ni Venus, “Actually, kung ano lang ang maisip namin. Na, ’Uy, cute na tawagan ‘yon, a!’ Tapos ‘yon ang tawagan namin for the month.”



GOING STEADY. Gaano na nga ba katagal ang kanilang relasyon?

Sabi ni Andrei, “Well, naging official na kami, November 24 last year. So magwa-one year na kami this year. So, ‘yon.”

Mukha namang masaya sila pareho sa takbo ng relasyon nila.

“Yes, sobra!” nangiting sabi ni Venus.

“Bakit? Hindi ba halata?” biro naman ni Andrei bago tuluyang napahalakhak.

Dagdag pa ng VJ-TV host, “I think it’s just because we know each other very well dahil nagkasama nga kami sa Umagang Kay Ganda every day.

"Nagsimula kami, maganda yung foundation namin, yung base namin.

“Ito yung masasabi ko, personally, and tingin ko rin sa kanya, ’eto yung relationship ko na maganda yung simula, yung foundation, na nagsimula kami as very, very good friends.

"Alam namin yung strengths and weaknesses ng bawat isa.

"Pamilya ko at pamilya niya, okay kami.

“So wala kaming nakikita na hadlang—bilang na lang na mas matangkad siya sa akin kapag naka-heels siya!” tawa ni Andrei.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



WEDDING BELLS. Napag-uusapan na ba nila ang kasal?

“Siyempre nandun ‘yon. Kasama ‘yon,” sagot ni Venus.

“Hindi maiiwasan ‘yon, e,” sabi naman ni Andrei.

Dagdag ni Venus, “Siyempre ayaw mo naman na boyfriend mo siya for the rest of your life.

"Gusto mo na darating at darating kayo do’n.

“Pero sa ngayon na wala pa kaming one year, siguro we’ll enjoy muna yung ganitong stage.”

Ganun din daw muna ang gustong mangyari ni Andrei.

“Oo naman!” aniya. “Tingin ko, enjoy-in lang talaga.

"Kasi kung pag-uusapan yung past, pag-uusapan yung future, magugulo lang, e.

“Mas maganda na enjoy-in kung ano ang meron. Actually, tama naman na gano’n, e.

“Pero napag-uusapan naman talaga yung kasal. Imposibleng hindi namin napag-uusapan ‘yon.

“At one point, pumasok kami sa commitment na ito para pag-usapan din siyempre yung future. Hanggang, di ba, pag ready na?

“Pero you know, as much as possible, ngayon, enjoy the moment.

"I-enjoy talaga kung ano yung meron kami—yung work namin, our families.

“And magastos din kasing magpakasal, e!” sabay tawa na naman ni Andrei.

“Nag-iipon pa. Oo, nag-iipon.

“So, habang bata pa, sabi ko nga sa kanya… she has a bright career ahead of her.

"Ang ganda ng ratings nung episode na ginawa niya sa MMK [Maalaala Mo Kaya].

"May potensiyal din siyang mag-teleserye. Kakatapos lang nung movie niyang Pridyider.

“Pero siyempre ako, hindi na ako bumabata.

"Sabi ko, gusto ko ring dumating yung point na makakalaro ko yung mga anak namin eventually in the future.

“And… ang sarap, e. Ang sarap isipin.”



DREAM WEDDING. Nangiti ang Miss Universe 2010 4th runner-up nang matanong naman tungkol sa kanyang dream wedding.

“Dream wedding? Agad-agad?” sabi ni Venus.

“Uhm… gusto ko ng garden wedding ever since. Gustung-gusto ko talaga ‘yon. Sobra!”

Sinegundahan naman ni Andrei ang sinabing iyon ng beauty queen turned actress and TV host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Palagi niyang sinasabi sa akin ‘yon, na gusto niya ng garden wedding. ‘Yong mala-Twilight?

“Actually yung wedding ni Lara [Quigaman] at Marco [Alcaraz], ipinakita pa niya sa akin. Amazed na amazed daw siya do’n.”



JEALOUSY AND LOYALTY. Sa halos isang taon nang itinatagal ng kanilang relasyon, nangyayari pa bang nagkakaroon ng selosan o mga hindi pagkakaunawaan?

“Oo,” si Venus ang sumagot. “Yon nga ang lagi naming sinasabi, hindi maiiwasan ‘yon sa kahit sino na nasa relasyon.

“Siyempre nandiyan yung tampuhan. Kahit sabihin mo na yung tampuhan, e, palambing lang para sa isa.

"Kahit selos man ‘yon o tampuhan, nandiyan at nandiyan ‘yan palagi.”

Sino ang mas madalas magselos?

“Me!” natawang pag-amin ni Venus. “Siguro kasi ano… feeling ko kasi may insecurities ako sa katawan ko."

Ang nangiti namang reaksiyon ni Andrei, “That’s why I always assure her. Kasi, di ba, Miss Universe, sexy, kinaiinggitan ka ng ibang kababaihan dahil maganda ka?

"So she has nothing to be insecure about, sabi ko nga sa kanya.

“So talagang sa ‘yo ako, kahit anong mangyari.

"Ang tanga ko na lang kung papakawalan ko pa ‘to!” natawang sabi ni Andrei sabay tingin sa pangiti-ngiti lang na si Venus.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN