Ruffa Gutierrez: "I love gays, I have so many gay friends. But I don’t want them in my bed next to me."

Ruffa Gutierrez on Enchanted Gardenco-star BB Gandanghari: “Sa ngayon, naloloka ako sa kanya, hindi ako maka-concentrate when we do our fight scenes dahil parang mas babae pa siya sa akin! And pati yung mga ano [kilos] niya, very demure. Very lady-like siya. So, naaaliw ako sa kanya, hindi ako maka-concentrate minsan dahil tawang-tawa lang ako. But I’m fascinated by her.”


Sa ngayon ay busy si Ruffa Gutierrez sa kanyang showbiz commitments, lalo na sa taping ng TV5 "eco-fantaserye" na Enchanted Garden.

Nag-e-enjoy nga raw siya tuwing taping dahil kakaiba raw ito sa mga nagawa niyang teleserye dati.

Pahayag ni Ruffa, “This is different because this is the first eco-fantaserye of TV5 and I’m glad to be a part of it.

"They’re very happy with the ratings and how everyone is supporting it, so we’re extended.

"And hopefully, it will be airing until Christmas.

“So, after the whole Paparazzi brouhaha, you know, this is a welcome change kasi it’s refreshing that my kids can also watch it and I have nothing to worry about.”

Excited na rin si Ruffa dahil magiging special guest sa Enchanted Garden ang Superstar na si Nora Aunor.

“Well, I’m excited because I have never worked with Ate Guy.

"I’m sure she can share a few tips after all that she’s been through in the business—especially in terms of acting.

"Siyempre, parang Ate Guy, institusyon na iyan sa industriya. So, ang makasama siya ay talagang isang malaking karangalan para sa akin.

"Sana makaeksena ko siya.”

WORKING WITH BB. Katrabaho ni Ruffa ngayon sa Enchanted Garden si BB Gandanghari. Nakasama rin daw niya ito sa isang proyekto noong si Rustom Padilla pa ito.

Kuwento ni Ruffa, “We did a [toothpaste] commercial... Habang pumuporma-porma si Robin [Padilla, kapatid ni BB] sa akin, siya naman may ibang girlalet na pinopormahan. I don’t remember who.”

Hindi niya raw naging leading man si Rustom sa pelikula o telebisyon.

Ngayong si BB na ito, kumusta naman ito katrabaho sa Enchanted Garden?

Natatawang kuwento ni Ruffa, “Sa ngayon, naloloka ako sa kanya, hindi ako maka-concentrate when we do our fight scenes dahil parang mas babae pa siya sa akin!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And pati yung mga ano [kilos] niya, very demure. Very lady-like siya.

"So, naaaliw ako sa kanya, hindi ako maka-concentrate minsan dahil tawang-tawa lang ako.

"But I’m fascinated by her.”

Hindi naman daw isyu kay Ruffa ang sexuality ni BB.

“E, ako naman, I respect everyone, you know—whether they’re girl, gay, guy.

"You know, ang gusto ko lang talagang maging boyfriend ko, guy.

"Siyempre I love gays, I have so many gay friends.”

Natanong tuloy si Ruffa kung may nanligaw ba sa kanyang dating lalaki pero sa kalaunan ay naging gay?

Sagot niya, “Hindi ako mahilig sa malambot, e. I can smell them a mile away.

"Like I said, I love gays, I have so many gay friends. But I don’t want them in my bed next to me.

"Hindi naman ako ganun ka-open-minded!” biro ni Ruffa.



HEART EVANGELISTA. Ano na ang susunod niyang gagawin pagkatapos ng Enchanted Garden?

“Meron akong ibang mga plan pero secret pa as of now kasi baka maudlot.

"I still have a contract with TV5 until March of next year. So, I’m gonna fulfill the contract.”

Ang sigurado raw ay ang gagawin niyang pelikula para sa GMA Films.

“I have a movie with GMA, Sosy Problems. Guest ako roon.

"That’s under Andoy Ranay and I’ll be with Heart [Evangelista], Solenn [Heussaff], Bianca [King], and Rhian [Ramos].

"It’s just a few days of shooting and excited ako to be working with them again.

"Kasi si Solenn used to be my make-up artist, now I’ve seen that she’d grown into such a busy star.

“So, excited akong makasama yung mga newcomer.

"And, at the same time, you know, after all that whole fiasco with my mom and Heart, okay na kami ni Heart.

"All’s well that ends well.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In time naman, you know, all wounds are healed.

"Kung may masasakit na salitang nagpalitan noon, sa industriya naman, alam mo naman, di ba?”

Matatandaang nagkaroon ng alitan noon sa pagitan nina Heart at Annabelle dahil umalis sa poder ng talent manager ang Kapuso actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN