BB Gandanghari sees herself "growing old with someone" and raising a child

Ang reaksiyon ni BB Gandanghari sa hindi niya pagkakasama sa pelikulang Kuratong Baleleng: “Noong ginawa din nila kasi ‘yon nandoon ako sa Amerika. Kahit ‘wag na nating gawan ng isyu ‘yon, talagang… wala naman talagang role para sa akin. At I’m sure, one day, kung magkaroon ng pagkakataon, we’ll do a film na puwede kaming lahat.”


Walang sama ng loob si BB Gandanghari kahit hindi siya nakasama sa pelikulang Kuratong Baleleng.

Halos lahat ng nasa cast ng pelikulang ito ay miyembro ng Padilla family, sa pangunguna ng mga kapatid ni BB na sina Robin at Rommel Padilla.

Kasama rin sa cast ang mga pamangkin nilang tulad nina Kylie at Daniel Padilla.

“Well, unang-una, kasi nga siguro Gandanghari na ako!” pabirong sagot ni BB nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press ang reaksiyon niya rito.

Biro rin ng isang miyembro ng press, walang kasamang “action queen” sa pelikula.

Natatawang sagot naman ni BB, “That’s what they’re missing!”

Pero pagpapatuloy niya, “Uhm, I mean, hindi... at saka noong ginawa din nila kasi ‘yon, nandoon ako sa Amerika.

“Kahit ‘wag na nating gawan ng isyu ‘yon, talagang… wala naman talagang role para sa akin.

“At I’m sure, one day, kung magkaroon ng pagkakataon, we’ll do a film na puwede kaming lahat.”

Nakausap ng PEP at iba pang piling miyembro ng media si BB sa taping ng Enchanted Garden sa Dinalupihan, Bataan, noong Lunes, Oktubre 8.

GROWING OLD WITH SOMEONE. Samantala, amin na ring kinumusta ang lovelife ni BB.

Pabiro namang sagot niya, “Ako? E, wala pa, bata pa si Sabel.”

Ang Bata pa Si Sabel ay isang 1981 Regal Films movie na pinagbidahan nina Snooky Serna at Albert Martinez.

Ito’y ginawa namang teleserye ng ABS-CBN noong 2010 tampok sina Jessy Mendiola, Joseph Marco, at ang yumaong si AJ Perez.

Wala raw lovelife ngayon si BB, pero umaasa siya na darating din ang tao na para sa kanya sa tamang panahon.

Gayunman, sinabi rin ni BB na nakikita niya ang kanyang sarili na “growing old with someone.”

Dagdag niya, “‘Yan ang mindset ko, and hopefully madaan sa power of the mind. Chos!

“Di ba, i-claim mo na. Hindi ko na pinag-iisipan na magso-solo ako, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman na raw siya “choosy” kung Pinoy o foreigner ang kanyang magiging partner.

Ang mahalaga raw, “Alam mong mamahalin ka nang tama, yung susuportahan ka, magsusuportahan kayo, magkakaintindihan kayo.

“Kasi nakita ko na sa Amerika, gano’n din naman, pare-pareho lang din.”

DREAM WEDDING. Siyempre, nangangarap din si BB na maikasal.

Gayunman, tanggap niya na hindi siya maaaring maikasal sa simbahan kung kaya okay na sa kanya ang “civil union” na may beach setting.

Kung ang pagkakaroon naman ng anak ang pag-uusapan, bukas sa pag-aampon si BB.

Aniya, “I don’t see myself any different from anyone.

“If anyone, anybody can raise a child, why can’t I?

"At alam ko mismo ang responsibilidad no’n, kaya nga hindi pa ako nag-aampon.

“Pero darating yung panahon na ‘yon na I want to raise my own. Kasi ano, masarap din sa pakiramdam, e.

“Not for anything, but for that person to be independent one day, and also to become a good person.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN