Dingdong Dantes reveals his list of most beautiful and most handsome Filipino celebrities

Ito ang pahayag ng Kapuso actor na si Dingdong Dantes tungkol sa nabulilyasong negosasyon sa pagitan ng GMA Network at MediaQuest ni Manny V. Pangilinan: “Ako, naniniwala ako, everything will always fall into its proper place. If it’s not meant to be, it’s not meant to be. Maybe not now, but I really have no idea. Pero definitely, kung anuman na hindi natuloy ngayon, may dahilan."


Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes kung sino para sa kanya ang tatlo sa pinakamagagandang local female celebrities, bukod sa kasintahan niyang si Marian Rivera.

Pagkatapos isipin nang mabuti ang kanyang isasagot ay sinabi ng Belo Men endorser, “Si Dina Bonnevie kasi… hindi ko alam.

"Parang… bata pa lang ako, alam kong… nakikita ko yung kanyang kagandahan.

"Nung nag-i-start siya, iyon yung time na nanonood ako ng TV, nakikita ko siya, so markado talaga yung kagandahan niya, tsaka very Pinay.”

Pinagpantasyahan o inilusyon ba niya si Dina noon?

“Hindi ko masabing inilusyon, basta nagagandahan,” sagot ni Dingdong nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Martes, October 9, sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Patuloy niya, “Of course, si Miss Dawn Zulueta.

“Hindi nag-e-age yung kanyang beauty because kung ano yung kagandahan niya, magmula noong una ko siyang nakita hanggang ngayon, e, parang tila walang pagbabago.”

Nakasama ni Dingdong si Dawn sa fantaserye ng GMA-7 na Encantadia noong 2005, samantalang si Dina naman ay nakasama raw niya sa isang proyekto na hindi na niya maalala.

Ang pangatlo sa listahan ni Dingdong ay ang nakasama niya dati sa I You Pare na si Ms. Celia Rodriguez.

Sabi ng aktor tungkol sa beteranang aktres, “Nakita ko kasi yung mga litrato niya noong nagkukuwentuhan kami, tapos hanggang sa ngayon…

“Kasi para sa akin, yung kagandahan yung talagang kung paano niya dinadala yung sarili niya, e.

“Yung parang parating ayos siya, parating elegante, so hindi nawawala yung kanyang spark sa sarili, parang ganun. So, iyon.”

Kung may pelikula na May-December affair ang tema, si Dina o si Dawn ba ang gusto niyang maging kapareha?

Sagot ni Dingdong, “Ako, wala akong problema sa mga ganun.

“Ginawa na namin dati yun ni ano… basta may ginawa na rin akong ganun dati.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



MOST HANDSOME. At bilang isang guwapong lalaki, natanong din ng PEP kay Dingdong kung sino naman para sa kanya ang mga pinkaguwapong lalaki sa local showbiz.

“Hmmm… siyempre yung mga idol ko, di ba?

“Si Richard Gomez, si Aga Muhlach, tapos siguro sa... nowadays, sino ba?

“I guess masasabi ko si Alden Richards, yung isa sa mga bagong ano [artista] ng GMA.

“Tsaka napakabait niya sa lahat ng tao at very talented... very talented,” papuri pa ni Dingdong sa kanyang co-star sa primetime series noon na My Beloved.



FACE/OFF. Tinanong namin si Dingdong: Kung may makakapalitan siya ng katauhan sa loob ng isang araw, sino ang pipiliin niya at bakit?

“Makakapalitan? One day? Siguro si Mike Enriquez!” bulalas niya.

“Kasi parang very interesting yung ano niya, e…

“Sa umaga, andun na siya, nasa radyo na siya. Tapos, kumbaga, lahat ng nangyayari sa buong bansa, alam na niya dahil lahat dumarating sa kanya.

“Radio station, hanggang sa gabi, hanggang sa 24 Oras, minsan ipapadala pa siya dun sa site kung saan nagkakaroon ng kaguluhan.”

Gusto rin pala ni Dingdong na maging newscaster?

“Oo, interesting para sa akin yun, e, kasi siyempre iba, e!”

So hitsura at boses ni Mike?

“Oo, lahat!” sagot ni Dingdong.

Kung hindi siya naging artista, ano sana ang piniling career ni Dingdong?

“Siguro po sundalo.”

Hindi pulitiko?

“Hindi, hindi ko naiisip ‘yan.”



BELO ENDORSER. Since 2008 ay nasa Belo na si Dingdong.

Sabi niya, “And ako, I’ve always been loyal to Belo. Belo supports my projects.

“Lahat ng mga pelikula, lahat ng mga ano… andiyan palagi ang Belo.

“So we have already established a relationship that goes beyond a talent and company owner type of thing, you know.

“So it’s really more like parang magkaibigan, pamilya, parang ganun na rin.”

Physically, may gusto pa ba siyang baguhin sa sarili niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala sigurong tao talaga na masa-satisfy sa kung anong meron siya. Meron at meron kang gustong baguhin sa sarili mo.

“Parang ako, I’m always trying hard na magpapayat o let’s say kahit payat na parang, ‘Kulang pa rin siguro, dapat dito walang taba,’ yung ganyan.

“Mahirap makuha yung perfect talaga.”



BEST-ACTOR NOMINEE. Nominado si Dingdong bilang Best Drama Actor sa Star Awards for Television ng Philippine Movie Press Club this year para pagganap niya sa My Beloved.

Siya lamang ang nag-iisang Kapuso na nominado sa naturang kategorya. (CLICK HERE to read related story.)

Ang mga makakalaban niya ay sina Coco Martin (Walang Hanggan), Eddie Garcia (Babaeng Hampaslupa), Gerald Anderson (Budoy), Jericho Rosales (Dahil Sa Pag-ibig), Piolo Pascual (Dahil Sa Pag-ibig), at Richard Gomez (Walang Hanggan).

Sabi ni Dingdong tungkol dito, “Nagpapasalamat ako sa PMPC sa recognition.

“Alam ninyo, ma-nominate lang po kayo, malaking bagay sa mga artista yun.

“Yung ma-recognize ka, ang laking bagay yun. Ang laking boost po so thank you sa PMPC!”

Noong 2010 ay nanalo si Dingdong bilang Best Actor sa Star Awards for TV para sa pagganap niya sa Stairway To Heaven.



GMA-7. Finally ay natapos na ang isyu ng bilihan sa pagitan ng GMA Network at ng TV5. (CLICK HERE to read related story.)

Bilang isa sa pinakamalaking artista ng Kapuso network, ano ang opinyon ni Dingdong tungkol dito?

“Ako, naniniwala ako, everything will always fall into its proper place. If it’s not meant to be, it’s not meant to be.

“Maybe not now, but I really have no idea.

"Pero definitely, kung anuman na hindi natuloy ngayon, may dahilan.

“So, kailangan din talaga for everyone na mas ma-improve ang mga sarili, di ba?

“Na whether magkaroon ng merger o hindi, we always have to be on our toes.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN