PEP TALK: Alex Gonzaga admits, "Na-cute-an ako kay Direk Paul nung una..."; Toni Gonzaga retorts, "Kasuka ka!"

Alam niyo ba na ayaw ni Alex Gonzaga na magpakasal ang ate niyang si Toni? Ang rason daw ng una, ayon sa Kapamilya star: "Ako matitira dito sa bahay, kawawa ako sa mommy at daddy..."


Sa episode 2 ng PEP Talk kasama sina Toni at Alex Gonzaga, mas makikilala natin sila bilang magkapatid.

Sino ba ang mas paborito ng kanilang mga magulang? Nagkakaselosan ba? Pareho ba sila ng type? Paano ang relasyon nila kay daddy Carlito at mommy Pinty?

Narito ang kabuuan ng panayam ng PEP.ph (Philippine Enetrtainment Portal) staff na sina Rommel Llanes, Monching Jaramillo, at Nerisa Almo kina Toni at Alex:

Sa pagtatapos ng episode 1, ang huling tanong ni Monching ay, "Minsan ba ay nararamdam nila na ang suporta ng parents nila ay mas kay Toni or kay Alex?"

Ang mabilis na sagot ni Toni, “Di naman, ako feeling ko, equal lang. Equal lang ang support na natatanggap namin from our parents.

"Actually, we’re really grateful and thankful na meron kaming mga magulang na sinusuportahan kami sa mga gusto naming gawin sa buhay namin."

Follow-up question ni Rommel, "So, walang selosan?"

Sagot uli ni Toni, “Siya. Siya ang laging nagseselos.”

Pag-amin ni Alex: “May mga times.”

Toni: “Hindi ko rin alam kung bakit. Selosa siya, e.”

Alex: “So, ang gagawin ng mga mommy ko,” isahang banggit niya sa kanilang mga magulang.

“Kasi alam nilang sensitive ako. Ang gagawin nila, pag bibisitahin… kunwari big night ng Ate ko, sa PBB [Pinoy Big Brother], yung last big night nila, pinuntahan pa nila talaga ako sa Batangas… Bataan bago sila pumunta doon para hindi raw ako magselos.

“Inaasar ko lang naman mommy ko saka daddy ko, pero hindi naman.”

Toni: “Equal lang naman.”

Nerisa: Pero kanino kayo mas close— sa mommy o sa daddy n’yo?

Toni: “Pareho lang. Equal lang.”

Alex: “Pero mas kinakausap natin ang mommy pag may problema sa…”

Toni: "Kasi magkaiba."

Alex: "Manager kasi Mommy namin.

Toni: "Ang mommy ko kasi ano, parang… siyempre, siya yung manager naming dalawa. So when it comes to legal matters, to career, to our personal life, mommy ko talaga. But when it comes to yung wisdom..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alex: “Advice…”

Toni: “Advice, daddy ko.”

Alex: “Opinion…”

Nerisa: Pagdating sa bahay, equal naman yung relationship n’yo with your mom and dad?

Toni: “Oo naman. Normal pa rin.”

Alex: “Equal billing lang naman,” dagdag niya.


AT HOME WITH MOMMY PINTY: Napatawa bahagya ang hosts at mga nanonood ng taping sa tinuran ni Alex.

Rommel: Si Mommy, mother, at the same time, manager n’yo. Ano ba yung nakakapagpagalit sa kanya sa inyong dalawa?

Toni: “Siya ang laging nagpapagalit sa mommy ko,” turo niya kay Alex.

Alex: “Ako talaga? Inaasar ko lang.”

Toni: “Lagi.”

Alex: “Inaasar ko lang.”

Toni: “Maingay kasi siya, e.”

Alex: “Lagi naming inaasar! Gumagawa kami ng skit ng ate ko. “Ate, ganito gagawin natin… Medyo hindi na natin naaasar ang mommy.

"So, ganito, basta sumigaw ka, ‘Mommy! Mommy!’ Tapos pagpasok ng mommy, bigla kang sisigaw ng ‘Katherine!’ Magpapatay-patayan ako. Bigla akong kakalabog."

(Katherine ang tunay na pangalan ni Alex)

Bago pa humupa ang tawanan sa set, nagkuwento uli ang magkapatid ng kanilang kapilyahan sa kanilang ina.

Toni: “Minsan, pag nabo-bore kami sa bahay, … ‘Katherine, nabo-bore tayo. Nasa’n ang mommy?’

Alex: “Aasarin namin ang mommy.”

Toni: “Sisigaw kami. Tapos paglabas niya ng pinto, maghihimay-himatayan siya,” na si Alex ang kanyang tinutukoy.

“Yung Mommy ko, ‘Ano nangyari?’”

Alex: “O kaya naman, habang nagtu-toothbrush ang mommy ko, ‘O, mag-white ka tapos tumayo ka sa likod ng mommy.’

Toni: "Tapos, one time, nandun siya sa may cabinet, may nililinis siya. May nagregalo sa akin ng panda na gumagawa ng [panda noises]… yung ganung noise.

"So, mag-isa lang siya dun sa kuwarto niya. Pinasok ko yung toy tapos pinindot ko. Sabi ng Mommy ko, ‘Sino yan?’”

Alex: “Laging takot mommy ko.”

Toni: “Madali kasi… masarap kasing asarin mommy ko. Yun lang naman ginagawa namin."

Rommel: Parang entertainment na sa inyo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Toni: “Oo. Gusto lang namin nagpapapansin sa mommy ko. Kasi binibili niya lahat ng ginagawa namin, e.”

Alex: “Natutuwa naman kami sa kanya.”

ALL ABOUT BOYS.


Monching: Bilang super close na magkapatid, napag-uusapan niyo ba ang mga boys, crushes niyo?

Toni: “Kahapon lang,” biro niya.

Pagpapatuloy ni Toni, “Nito lang, oo, nito lang nung… pinayagan na ako mag-boyfriend.”

Alex: “Sabi nga niya sa akin sa States… nasa States kasi kami nun. Nagkukuwentuhan kaming magpipinsan. E, siyempre ako rin naman super advise din ako, ‘Ate, kasi dapat ganito!’

“Sabi ng Ate ko, ‘Grabe, no? Dati hindi ko pinapansin opinion mo. Ngayon nagma-matter na yung opinion mo.’ Parang hindi ko alam kung matutuwa ba ako o masasaktan," naiiling na saad niya.

Toni: “Pagdating sa boys, minsan may point din siya. Minsan nakakadale din ng paisa-isa na point naman.”

Alex: “Ako lagi tinatakbuhan niya pag may problema… Wow!” sabay tawanan nilang magkapatid.

Toni: “Minsan,” pagsang-ayon niya.

Monching: Si Alex ba hindi pa allowed mag-boyfriend?

Toni: “Hindi. Twenty-four [years old] ako halos nagka-boyfriend, e. Dapat siya rin.

Alex: “Allowed na rin naman pero ano lang…”

Toni: “Sa sarili niya ina-allow niya. Pero yung mommy at daddy ko, hindi pa siya ina-allow,” banat niya sa kapatid na ikinatawa ulit ng mga nasa taping.

Dagdag pa ni Toni: “Hindi naman dahil sa sobrang strict ng mga magulang ko dahil sinasakal kami, kasi siguro dahil magulang namin sila, nakikita nila yung nararapat para sa amin."

Alex: “Inaantay nila na…”

Toni: “Yung maturity level, na kung kaya na naming mag-handle ng commitment. Mag-handle ng relationship.

“Kasi sabi ng daddy ko… pinalaki kami ng mommy at daddy ko na ang pagpasok sa isang relationship, hindi ’yan laro, hindi ’yan trial and error na, ‘Tignan natin kung magwu-work o hindi.’

"It’s something na… you pray about it and you pray for the Lord’s will tapos you seek your parents’ discernment para everything will come at the right time, right place, and right person. So…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alex: “Haba naman lagi ng sagot nito!” pang-asar niya sa kanyang ate.

Toni: “Lagi yun sinasabi ng daddy ko!”

Alex: “Para naman Miss Universe.”

Tawanan ulit ang lahat.

Toni: “Hindi… Which is true! Which is true! Na ano ko yun na… totoo, totoo. Kasi may point din naman ang mga magulang natin.

"At the end of the day, hindi naman nila hinahangad yung masama para sa mga anak nila. So, makinig ka,” sabay harap sa kapatid.

Rommel: Nangyari na ba sa inyo yung isang guy lang, pareho ninyong crush?

Toni: “Hindi. Magkaiba kami ng type, e.”

Alex: “Although na-cute-an ako kay Direk Paul nung una. Pero, hindi naman para…”

Si direk Paul Soriano ang boyfriend ni Toni.

Toni: “Kasuka ka! Kasuka ka rin, e! Medyo nasusuka ako sa ’yo!” natatawang biro niya kay Alex na ikinatawa ng lahat.

Alex: “Sinabi ko sa ‘yo, ‘Ang cute naman niyan!’ Ang cute! ‘Cute naman nung guy!’ Hindi! Kasi director namin siya nung nasa ABS pa po kami. Nung nakita ko si Direk Paul.”

Toni: “Fresh off the boat! FOB! Fresh off the boat si Direk Paul galing Amerika.

Alex: “Sabi ko, ‘Ay! Cute!’”

Toni: “Pero hindi na-cute-an sa kanya. Bumenta sa akin! Sa akin na-cute-an!” natatawang banat ulit niya kay Alex.

Alex: “Kasi binigay ko!” biro ni Alex sa kapatid. “Gumawa pa ng issue!” ang sabi niya sabay sandal sa kanyang ate.

Nerisa: Pero nag-uusap-usap kayo kung…

Toni: “Magkaiba kami ng crush. Ang crush ko yung mga ganung ’itsura. Siya, hindi ko alam yung mga natipuhan niya!” biro ulit sa kapatid.

Alex: “Grabe ka naman! Hiyang-hiya naman ako sa type mo,” natatawang sagot niya kay Toni.

Monching: May dumalaw once sa taping niya na kumukuha ng Law.

No’ng magkaroon ng set visit ang PEP sa seryeng P.S. I love You ni Alex ay naroon ang binbanggit na binata. Nakunan pa nga ng PEP ng larawan ang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alex: “Oo, nga,” pag-amin nito.

Monching: Yung parang shaved yung hair. Ganoon ba yung mga tipo niya?

Toni: “Hindi ko nga alam, e. Iba-iba… Parang ano siya… Kung sino.”

Tawanan ulit ang lahat.

Alex: “Grabe ka naman! Hoy!” nakitawang pagbaling nito kay Toni.

Toni: “Hindi siya yung may ano talaga na, ‘Ganito yung type ko!’”

Alex: “Kasi siya, may type siya talaga.”

Monching: Consistent si Toni.

Mestiso si Direk Paul Soriano at mestiso rin kasi si Sam Milby na na-link din sa kanya.

Toni: “Oo.”

Alex: “Gusto niya, mga mestiso.”

Toni: “Gusto ko talaga … yung mga type ko ganun. Siya ano…”

Alex: “Ako kasi, tinitignan ko yung puso niya.”

Kung sincere nga raw ang isang lalaki.

Toni: “Sampalin kita!” natatawang baling nito sa kapatid.

Alex: “Sa personality. Hindi sa looks. Looks fade. Toni, tandaan mo ’yan! Yaman din lamang na nagbibigay ka ng wisdom. Looks fade!” pangaral niya habang tumatawa sa kanyang Ate.

“Mga kapatid, looks fade!” sabay tingin sa camera.

Tawanan ulit lahat.

Nerisa: Pagdating sa boys, may mga advice ba kayo? Parang warnings…

Toni: “Ito nakakainis sa ganyan, sa advice,” pagtukoy sa nakababatang kapatid.

“Wala namang kaalam-alam sa buhay kung makapag-advise sa akin minsan, ‘Ate!’ Lalo pag nasa CR yan. ‘Ate’ nagsa-shampoo pa siya, ’Ito sinasabi ko sa ’yo. Pag ganito, ganyan-ganyan,’ sabay muwestra sa ginagawang pagsa-shampoo ni Alex.

Alex: “Pero nakikinig ka.”

Toni: “Pag nagtu-toothbrush naman ako, ‘Ano ba ‘to? Wag kang pa-know! Pa-know sa buhay ko!"

“’Kasi ganito ’yan, pag kayo ni Direk Paul, ganyan, ganyan, ganyan.’ Ang dami niyang sabi-sabi, ang dami niyang advice, pero sarili niya…”

Alex: “Pakialamera din kasi ako minsan,” natatawa niyang sagot.


DIREK PAUL SORIANO.


Rommel: Yung pagiging pakialamera mo sa kanya and Direk Paul, nakulit mo na ba [sila] na, ‘Kelan ba? Kelan ba kayo ikakasal?’

Toni: “Ayaw niya!” mabilis niyang sagot. “Hindi siya yung gusto ako magpakasal. Siya ang ayaw! ‘Ate please ’wag ka muna magpakasal, please! Ako matitira dito sa bahay, kawawa ako sa mommy at daddy. Please, ako lagi dito kawawa!’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alex: “Pero may times na gusto ko siya magpakasal. Kasi ganito ang ate ko, sobrang bait niya minsan, di ko alam kung nagpapakitang tao siya or what,” sabay layo sa kapatid na natatawa.

Toni: “Sira ulo ‘to,” natatawang binatukan naman niya ang kanyang younger sister.

Alex: “Sobrang bait niya talaga.”

Toni: “Pakitang tao sa bahay? Sino tao sa bahay?” tawa nang tawang tanong niya kay Alex.

Alex: “Artista ka, hindi natin alam!” natatawa rin niyang dagdag.

Toni: “Sira-ulo.”

Alex: “Kasi sobrang bait niya minsan, tapos siyempre sa mommy ko, tingin tuloy, dapat ganito talaga ang nangyayari.”

Toni: “Hindi, I’m setting the bar high.”

Alex: "So, nakakainis!"

Toni: “Naiinis siya sa akin kasi 12:00 a.m. talagang nasa bahay ako. Pinaka-late ko na 12:30 a.m., 1:00 a.m. galing ako sa function ng ABS-CBN na party. Ganun yun… tapos siya, nagagalit sa akin."

Alex: "Tapos may time na umuwi ako galing taping, mga 2:00 a.m. na yun. Nakita ko, ‘Wala sa bahay.’ [Sabi ko,] ‘Nagrebelde siya for the first time!” natatawa niyang kuwento.

“It’s my time!’ [Sabi ko,] ‘Mommy, ang ate nasaan? Hindi umuwi?’ [Sabi ni Mommy,] ‘Hindi. Maagang umalis kasi may taping, e.’

“Ay grabe! Kainis. Ganun pa rin.”

Toni: “Umalis na pala ako ng 3:00 a.m. Nainis siya. Sabi niya, ‘Ate, please naman, umuwi ka ng 2:00 a.m. kasi ako napapagalitan, e… 11:00 p.m. pag wala ako, sobra-sobrang text na yung nakukuha ko.”

Nerisa: Kahit no’ng ano ka... may teleserye?

Toni: Hindi… pag may work, okay kahit isang linggo akong hindi umuwi. Pero kapag leisure time, uwi ng 12:00 a.m.

"Maganda rin naman yung reason ng daddy ko kasi kahit papaano, yung respeto na nakukuha ko naman kahit papa’no with Paul and with his family and everybody around me, iba rin naman yung respeto sa akin.

“Kasi sabi ng daddy ko, ‘Hindi maganda sa isang babae, lalo na dalaga, na makikitang nasa labas pa ng ganitong mga oras at kung anu-ano ginagawa!’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alex: “Tapos pag nasa bahay pa siya, ang gagawin niya, magbabasa siya or magbo-ballroom siya. So, ako pag nag-mall ako, ‘Gayahin mo ang ate mo! Ina-ano ang sarili, ine-enhance!’ Ano ba?!

“So, sinasamahan ko rin siya minsan nagbo-ballroom din kami.”

Toni: "Ang kapal mo, never mo akong sinamahan mag-ballroom!”

Alex: “Hoy! Wag mo akong… please. ’Wag dito."

Toni: “Pag may free time ako, it’s either magkaklase ako ng ibang dance or whatever. Siya pag may free time, mall! Mall rat!”

Monching: Toni, may preference ka ba na guy para sa kapatid mo?

Abangan ang sagot sa part 3 ng interview kina Toni at Alex Gonzaga.

Para sa mga hindi nakapanood ng EPISODE 1, click here.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN