Cristalle Henares tells mom Vicki Belo: "Don’t mix business with pleasure."

Pinagalanan ng young entrepreneur na si Cristalle Henares ang para sa kanya ay most beautiful women at most gorgeous men. Pasok sa listahan ni Cristalle si Ruffa Gutierrez: "Kasi even if she has two kids already, iba pa rin talaga yung appeal niya—kahit sa older men or younger men. Kahit like sa mga twenty-year-old men. May mga kilala nga ako na mga twenty-one lang or nasa twenties lang sila, pero they really find Ruffa very, very attractive. Iba kasi talaga yung beauty


Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cristalle Henares sa presscon ng Belo Men, isang branch ng Belo Medical Group, kahapon, October 8, sa Annabel’s restaurant sa Timog Avenue, Quezon City.

Si Dingdong Dantes ang endorser ng Whitening Body Bar at Whitening Face Wash na mga bagong produkto ng Belo Men.

Si Cristalle, na managing director ng Belo Men, ay anak ng beauty and medical consultant of the stars at head ng Belo Medical Group na si Dra. Vicki Belo.



MOST BEAUTIFUL WOMEN. After the presscon proper, nakapanayam ng PEP si Cristalle at tinanong namin kung sino ang three most beautiful local female celebrities para sa kanya.

Sagot niya, “Uhm, first is si Ruffa Gutierrez…

"Kasi even if she has two kids already, iba pa rin talaga yung appeal niya—kahit sa older men or younger men. Kahit like sa mga twenty-year-old men.

"May mga kilala nga ako na mga twenty-one lang or nasa twenties lang sila, pero they really find Ruffa very, very attractive.

“Iba kasi talaga yung beauty niya—talagang pang-Miss World.

“Another one is si Margie Moran, classic ang beauty niya, and she really ages gracefully... classic beauty talaga.

“And isa pa is si Isabelle Daza, I really find her beautiful.”



MOST GORGEOUS MEN. Sino naman ang choices ni Cristalle na mga gorgeous men?

“Well, I could say si Derek Ramsay is one. Lalaking-lalaki ang hitsura niya.

“And a lot of people find him really attractive and napaka-maalaga niya.

"He’s a real gentleman. Na kapag kausap mo siya, you can really sense na he’s a caring person.

“Then si Fernando Zobel… he’s my crush!” bulalas ni Cristalle tungkol sa businessman.

“And then si Albert Martinez. He looks very young and parang laging fresh na fresh.”



CELEBRITY ENDORSER. Sa mga artistang babae na hindi pa nila endorser, sino ang gusto nilang makuhang Belo endorser?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Of course, si Marian Rivera. We really want to get her sana,” sagot ni Cristalle.

May mga ginagawa na ba silang pag-uusap para kuning endorser ang girlfriend ni Dingdong Dantes?

“Hindi naman, as in formal talaga.”

Sa mga lalaki naman, sino ang gusto pa nilang kunin na endorser?

“Parang nasa amin na yata lahat, e,” sagot ni Cristalle.

Kung foreigner?

“Si George Clooney! Oh my God, siya talaga!” diin niya.



MOM’S AFFAIRS. Nabanggit ni Cristalle na magkasama sila ng ina niyang si Dra. Vicki Belo na natutulog sa iisang kuwarto.

Kapag nag-uusap nga raw sila about business, hindi boardroom kung hindi bedroom ang discussions.

Sa ganitong mga pagkakataon, mayroon din ba silang hindi pagkakaunawaan?

“Hindi naman away na bongga... siguro tampuhan lang ganyan, misunderstanding.”

Lalo na raw noong dumadaan sa mga pagsubok at mga intriga ang relasyon ng mommy niya kay Hayden Kho Jr., na naging laman ng mga pahayagan at social networking sites.

Vocal naman si Cristalle na hindi siya pabor sa relasyon dati ng dalawa.

Pero paglilinaw niya, “But Hayden and I are still friends, magkaibigan pa rin, he handles one of our ano, e.”

Bilang anak, nagbibigay din ba si Cristalle ng mga payo sa ina, at tungkol naman sa anong bagay?

“Don’t mix business with pleasure!” sabay tawa ni Cristalle.

“Minsan kasi may tendency siya na ganoon. Nakikinig naman siya minsan, sometimes hindi!”

Ano naman ang best advice sa kanya ng ina?

Tugon ni Cristalle, “Be very strong. Alam kasi niya na hindi biro ang mag-handle ng business.

“Kaya iyon lagi ang sinasabi niya sa akin, ‘Be strong, be compassionate.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN