BB Gandanghari excited to play male character in Enchanted Garden

BB Gandanghari on playing both female and male characters: "Kasi, di ba, sa Amerika ang tina-try ko doon is an androgynous model? I actually model male and female clothes. So, dito, ang gusto kong achieve-in ay androgynous actor."


Excited na si BB Gandanghari sa pagganap niya bilang isang lalaki sa eco-fantaserye ng TV5, ang Enchanted Garden.

Dual role ang ginagampanan ni BB sa show: Bilang babae sa mundo ng mga tao na si Michiko; at bilang dating lalaking si Bakol naman sa Eden, ang mundo ng mga diwata ng kalikasan.

Matagal na rin daw kasi niyang naranasan ang gumanap ng lalaki noong “mamatay” si Rustom Padilla.

“Actually, itong tine-taping namin, ako na ang reigning queen. The queen is back!

“Maganda yung approach… kung natuwa kayo sa approach ni Michiko, ‘eto very different.

"Kasi ang ginagawa kong approach is Ice Queen bilang Reyna Michiko ng Eden.

“Kukunan din namin yung flashback na si Bakol ako, na lalaki ako kaya excited ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si BB sa set visit at taping ng Enchanted Garden sa Roosevelt Park sa Dinalupihan, Bataan, noong Oktubre 8.

Inamin din ni BB na kinausap siya ng production kung gusto ba niya na ibang artista ang gumanap bilang si Bakol.

“Sabi ko nga, why? Sabi nila, ‘E kasi baka you might not want to play it.’

“Sabi ko, ‘Why not? If I can play a female character, why can’t I play a male character?’

“Yun lang naman yun. Aktor-aktoran lang ang lola!” biro pa niya.

Nakita na ba niya ang magiging hitsura niya pag naging lalaki siya sa show?

“Yun ang aabangan mo!” sabay tawa niya.



ANDROGYNOUS ACTOR. Ano ang pakiramdam na gaganap ulit siya ng lalaking role?

“Alam mo, I’m very excited.

"Kasi, di ba, sa Amerika ang tina-try ko doon is an androgynous model? I actually model male and female clothes.

“So, dito, ang gusto kong achieve-in ay androgynous actor.

“Kaya looking forward ako… now I’ll be given the chance as BB to play a male character and hopefully I can do more.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa Merriam-Webster Online, ang androgynous ay nangangahulugan ng “having the characteristics or nature of both male and female.”

Ine-enjoy rin daw ni BB ang pagiging kontrabida niya sa Enchanted Garden.

“Nag-e-enjoy ako e, kasi fantasy, e, di ba? Parang ang sarap gumawa ng isang kontrabida role sa isang fantasy kasi all-out, parang walang limit ng puwede mong gawin.

“Nakakatuwa na hindi mo na iisipan ng redemption kasi nga fantasy naman.”

Ano ang kaibahan ng pagiging artista ni Rustom noon sa pagiging artista ni BB ngayon?

“Siguro Rustom was very guarded; BB is very free, walang takot.

“Alam mo yun, kasi this is all but a role, parang hindi takot si BB to play characters.

“In fact, she’s enjoying it.

“Rustom was kinda guarded. That’s the difference.”



NORA AUNOR. Isa pa sa ikinae-excite ni BB ay ang pagkakataon na makatrabaho ang Superstar na si Nora Aunor.

Magiging guest kasi si Ate Guy sa Enchanted Garden kung saan gaganap ito ng isang espesyal na role.

“Isa pa iyan, napaka-exciting, parang dream come true.

“Kasi syiempre, kung meron ka naman talagang gustong makasama at this point, sina Ate Guy yun.

“Yung mga nandoon sa top—sina Ate Guy, Ate Vi [Vilma Santos] yun, di ba?”

Hindi pa ba niya nakatrabaho si Nora noon?

“Isang beses lang, nag-Spotlight siya.

“Siyempre ang nakatrabaho niya, si Rustom pa yun. Bilang si BB, gusto ko siyang makatrabaho.”

Ang Spotlight ay defunct drama anthology ng GMA-7.



BACK TO THEATER. Bukod sa tapings ng Enchanted Garden, magiging abala rin si BB sa rehearsals ng pagbabalik niya sa teatro sa pamamagitan ng play na Sayaw Ng Mga Señorita, na produksiyon ng Gantimpala Theater Foundation.

Makakasama niya rito sina Joel Lamangan, Soxie Topacio, Manny Castañeda, John Tañada, at Lou Veloso. Sa ilalim ito ng direksiyon ni Jun Pablo at panulat ni Jose Javier Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang feeling na puro mga direktor at beterano sa stage ang makakasama niya?

“Ang makakasama ko rito ay ang mga señor na nagse-señorita!” biro ni BB.

“Pero siyempre, it’s a pleasure actually and I’m looking forward to be working with them.”

Ang huling play daw na ginawa niya ay ang El Filibusterismo.

Paano siya nakumbinsi na bumalik ulit sa teatro?

“Kaya ko rin ito ginawa bilang pakisama sa Gantimpala, kasi actually this is for Tony Espejo.

"So, this is my own little way to pay tribute to Mr. Espejo.”

Si Tony Espejo ang artistic director ng Gantimpala Theater na yumao noong June 21 ngayong taon dahil sa multiple organ failure secondary to septic shock secondary to hospital-acquired pneumonia.

Ano ang role niya sa Sayaw Ng Mga Señorita?

“Ako ang ex-boyfriend ni Direk Joel, na noong bumalik at nakita nila ay transsexual na, babae na siya.

“Basically yun ang parang makikita sa play,” sabi ni BB.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN