Dindi Gallardo gets public support in her lawsuit against Frank Miller and Kimberly Cox

Atty. Matthew Blit released this statement about his client, Dindi Gallardo: "I can confirm that she has received a significant amount of emails and calls expressing support for her. She truly appreciates it and thanks people for the kind words they have offered her during this difficult period of her life."


Binaha ang opisina ni Atty. Matthew Blit sa Empire State Building, New York, ng mga tawag sa telepono mula sa mga news agency at television show representatives sa maraming panig ng mundo.

Gustong malaman ng mga ito ang reaksiyon ni Dindi Gallardo sa mga kaso na isinampa nila laban sa legendary comic book writer na si Frank Miller at sa girlfriend nito na si Kimberly Cox.

Si Blit ang legal counsel sa mga demanda ng Pinay former beauty queen-actress kina Miller at Cox.

Naglabas si Blit ng official statement tungkol sa mga kaso na inihain nila ni Dindi sa Manhattan Supreme Court:

"Thank you for your inquiry. I have attached the summons and complaint that was filed for further information.

"Unfortunately, other than the information provided within the complaint, my client can not provide any further statements due to the pending litigation.

"I can confirm that she has received a significant amount of emails and calls expressing support for her.

"She truly appreciates it and thanks people for the kind words they have offered her during this difficult period of her life."

Binigyan ng korte sina Miller at Cox ng 20 days para sagutin ang mga paratang ni Dindi.

Samantala, kumilos na ang Filipino netizens na nakikisimpatiya at sumusuporta sa laban ni Dindi.

Ginamit nila ang social media para iparating kina Miller at Cox ang kanilang disappointment dahil sa panglalait diumano ng huli, hindi lamang kay Dindi kundi pati sa Asian people.

Naka-post sa mga Twitter account nina Miller (@ frankmillerink) at Cox (@agidgetwidget) ang mga tweet ng pagkadismaya sa kanila ng publiko—both Filipinos and Americans—dahil sa alegasyong pagmamaltrato nila kay Dindi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN