PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

ELECTION WATCH. Model turned actor Ervic Vijandre to run for council seat in Taguig City next year

Ervic thinks his villain roles in both movie and TV projects will not affect his candidacy.
by Ruel J. Mendoza
Published Oct 13, 2012
“Alam ko na marami akong dapat pang matutunan sa pagtakbo ko bilang konsehal. Pero mapag-aaralan ko naman lahat ‘yan. Ang importante ay maganda ang intensions mo at nasa puso mo ang pagtulong sa mga tao, lalo na sa mga kabataan,” sabi ni Ervic Vijandre na tatakbo sa pagkakonsehal sa unang distrito ng Taguig City sa susunod na taon.

Marami ang hindi nakakaalam na nag-file pala ng kanyang C.O.C. (Certificate of Candidacy) ang model-turned-Kapuso actor na si Ervic Vijandre para tumakbo bilang konsehal sa first district ng Taguig City.

Ginulat nga ni Ervic ang ilang kaibigan at pati na ang kanyang manager na si Jonas Gaffud ng Mercator Model And Artist Management, Inc., dahil hindi raw nito binabanggit na papasok pala ito sa politics.

Paliwanag ni Ervic na maganda raw ang pakikipag-usap niya sa partido na kanyang sinalihan. Kaya siya naengganyo na subukan ang pagiging konsehal.

“Maganda ang programa nila, especially, for the youths sa Taguig City.

“May mga projects sila na magiging malaking tulong sa mga kabataan doon.

“Sinabi nila na kaya nila ako kinuha for the line-up ay dahil isa ako sa puwedeng maging role models ng mga kabataan sa Taguig, lalo na sa distrito namin.

“Bukod daw sa napapanood nila ako sa TV at pelikula, alam nila na sports-minded ako at healthy ang lifestyle ko—isang bagay na dapat gawin ng bawat kabataan natin ngayon,” pagdidiin ni Ervic sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya sa Mercator office sa Makati City, kahapon, October 12.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lumaki si Ervic sa Taguig at nakilala siya roon bilang isang basketball player dahil sumusuporta siya sa mga charity games ng lungsod.

“Batang-Taguig talaga ako. Kapag may mga basketball games doon at inimbitahan nila ako, naglalaro talaga ako bilang suporta ko sa mga tao roon.

“Alam ko na marami akong dapat pang matutunan sa pagtakbo ko bilang konsehal. Pero mapag-aaralan ko naman lahat ‘yan.

“Ang importante ay maganda ang intensions mo at nasa puso mo ang pagtulong sa mga tao, lalo na sa mga kabataan.

“Kung suwertehin nga tayo, may mga naiisip na akong projects for the youth.

“Bukod sa sports, meron pa tayong puwedeng gawin para makaiwas ang mga kabataan ng Taguig sa mga masasamang bisyo.”

JUST A ROLE. Dahil nga sa desisyon ni Ervic na tumakbo sa 2013 elections bilang city councilor sa Taguig, hindi kaya maging problema ang paglabas niya bilang kontrabida sa mga roles niya sa TV at pelikula?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayon ay lumalabas siya sa GMA-7 telefantasya na Aso Ni San Roque bilang kontrabidang pulis kay TJ Trinidad.

Sa huli niyang show na The Good Daughter ay kontrabida rin siya.

Kahit na sa huling pelikula na nilabasan niya na The Mommy Returns ay isa siyang kontrabida.

“Sunud-sunod nga ang paglabas ko bilang kontrabida. But I don’t really mind kasi trabaho ‘yan at sinasabi nga nila, bagay naman daw sa akin.

“Kasi bukod sa malaki akong tao, kaya ko ang maging maangas at kapani-paniwalang kontrabida ako.

“I think naman na hindi ako maa-associate ng mga tao bilang totoong kontrabida.

“Alam naman nila na trabaho lang ang lahat. Acting lang ‘yon.

“’Tsaka okey rin naman na gano’n ang role ko, kasi mas nakikilala ako sa gano’n.

“Kelan lang naglaro kami ng basketball sa Ayala Alabang, may mga lumapit sa akin na napapanood daw nila ako sa Aso Ni San Roque. Ang sama-sama ko raw doon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sinabi ko naman na umaarte lang. In real life, mabait ako.

“So, kahit gano’n ang roles ko, nagkakaroon ng marka. Nakikilala nila ako. Ang importante naman ay yung recognized ka and eventually malalaman nila kung sino ka talaga sa totoong buhay.”

FIRST IN HIS FAMILY. Kung papalarin nga si Ervic sa kanyang pagpasok sa politics, siya ang kauna-unahang miyembro ng kanilang pamilya na pumasok sa pulitika.

Panay nga raw ang paalala sa kanya ng kanyang magulang na pag-ingatan niya ang pangalan niya.

“Wala naman akong gagawin para masira ang pangalan ng pamilya ko. Noong pagdesisyunan ko ito, kinonsulta ko ang pamilya ko.

“Tinanong naman nila ako kung sigurado ba ako sa papasukin kong ito? Sabi ko naman na handa ako at may mga taong tutulungan ako.

“Basta huwag daw akong gagawa ng masama na puwedeng ikasira ko.

“Hindi ko naman pababayaan ang sarili ko na may gawin akong hindi katanggap-tanggap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ginagawa ko ito dahil gusto kong makatulong. Public service ang magiging priority natin,” pagtatapos ni Ervic.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Alam ko na marami akong dapat pang matutunan sa pagtakbo ko bilang konsehal. Pero mapag-aaralan ko naman lahat ‘yan. Ang importante ay maganda ang intensions mo at nasa puso mo ang pagtulong sa mga tao, lalo na sa mga kabataan,” sabi ni Ervic Vijandre na tatakbo sa pagkakonsehal sa unang distrito ng Taguig City sa susunod na taon.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results