Ricky Reyes to help set up Fresh Cell Therapy clinic in the Philippines

Hindi alintana ni Ricky Reyes ang mga isyung itinataas ng mga kritiko ng Fresh Cell Therapy o FCT. Katuwiran niya, “Basta makakagaling sa iyo, why not, di ba? Hihintayin mo pa ba yung mag-chemotherapy ka, mag-dialysis ka na, na ubod nang sakit, di ba? Kung maaari, hangga’t bata ka pa at mapapabata mo ang vital organs mo, at hindi ka magkakasakit, then well and good, di ba?”


Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin ang Fresh Cell Therapy (FCT) o mas kilala natin bilang stem cell therapy lalo na’t marami nang celebrities ang nahihikayat na sumailalim sa naturang medical procedure na nagpo-promote ng anti-aging at nakatutulong para labanan ang ilang serious health conditions.

Isa na nga rito ang sikat na hairstylist, beauty expert, philanthropist, businessman, at TV host na si Ricky Reyes o mas kilala bilang si Mother Ricky.

Sumailalim si Mother Ricky sa FCT noong Hunyo ng taong ito at ngayon nga ay ine-enjoy niya ang benepisyo nito sa kanyang kalusugan.

“The fact that my arthritis is gone, I’m very, very happy and I’m thankful to Bobby [Kittichaiwong, Villa Medica CEO). And it’s just a two-shot on my back, gone instantly. You know, yung quality of life mo na hindi ka aray-aray-aray?

“’Tapos nagpunta ako sa Germany last June and it’s such a beautiful place. We even had… meron ka pang tour sa Paris [France]. Very nice place,” sabi ni Mother Ricky.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mother Ricky sa presscon ng Villa Medica tungkol sa FCT na ginanap kaninang tanghali, Oktubre 13, sa Crowne Plaza sa Ortigas, Pasig City.

Hindi rin daw niya maitatanggi ang kabutihang naidulot ng FCT sa kanyang ina, na sumailalim din sa naturang therapy.

“Oo naman, with my experience with my mom. Dati nakatungo na, ngayon nakataas na yung leeg na ganyan,” paglalarawan pa ni Mother Ricky tungkol sa nagawa ng FCT sa kanyang ina.

“Nai-stretch na yung mga kamay. Isang malaking utang na loob ko yun kay Bobby. It is a Christmas gift of Bobby to me to cure my mom.”

CHARITY WORKS. Natutuwa naman ang Villa Medica CEO na si Bobby Kittichaiwong sa naging partnership niya kay Mother Ricky para palaganapin ang FCT sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon nga sa Thai na si Bobby, “I’m glad to have Mother Ricky in helping us to promote [FCT to the] people.”

Gusto raw talaga ni Bobby na makatulong sila sa mga nangangailangan ng pagpapagaling mula sa mga karamdaman.

“We will do as much as we can…” patuloy pang sabi nito.

Bukod sa health benefits na nakuha niya mula sa FCT, masigasig din si Mother Ricky na i-promote ito dahil na rin sa charitable at medical works na isinasagawa ng Villa Medica Caring Hearts Foundation.

“Ako talaga, sobra ang suporta ko just to give hope to people,” sabi ni Mother Ricky.

“Yung pag-asa lagi… yung salita na laging may pag-asa…ako, pag nagla-lunch, nagbe-breakfast, nakakakita ako ng pumapasok na naka-wheelchair, lumalapit ako. Tinatanong ko, ‘Ano ang nangyari sa inyo, na-stroke ba kayo? Call this number baka may pag-asa pa.’

“Ako, ang gusto ko talaga mag-spread lang ng good news, na kung gaganda ka pa, at the same time, bonus na yun, di ba?

“What’s important is ang pagganda ng kalusugan.”

TO SET UP A CLINIC IN THE PHILIPPINES. Paano ba sila nagkakilala ni Bobby?

“I went to Bangkok to attend an anti-aging program, and it so happen that he’s the one who organized the anti-aging forum in Bangkok,” simulang kuwento ng sikat na hairstylist at beauty expert.

“And tanong ako nang tanong kung ano ba yung Fresh Cell, hanggang sa inaral ko nang inaral.

“Yun pala yung magbibigay ng [magandang] kalusugan sa tao. Sabi ko, anything and everything basta tungkol sa kalusugan, ok ako.”

Ang Villa Medica flagship clinic, kung saan ginagawa ang procedure ay matatagpuan sa Edenkoben, Germany.

Mayroon din daw silang opisina at clinic sa Bangkok, Thailand.

Plano nga nilang magtayo ng clinic dito sa Pilipinas by first quarter of next year.

Pero paliwanag ni Mother Ricky, “Yung Villa Medica naman na iniisip nila rito sa Pilipinas is only like a parang check-up place. Hindi talaga puwedeng gawin dito [ang FCT] kasi legal lang ito sa Germany.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, pagkatapos ng check-up lilipad ka talaga papunta ng Germany. Ayaw n’yo ba yun, nakapagbakasyon pa kayo?

“’Tapos pagbalik n’yo rito, alam n’yo yung post-care… ang mga Pilipino magaling sa post-care, di ba? Marami tayong nurses, marami tayong caregivers, diyan tayo magaling.

“Iyan ang gusto ni Bobby, na ‘pag natapos ka na, there’s a place you can go, there’s a place you can consult. Tipong ganun.”

Hindi pa raw kasi legal sa Pilipinas ang pagsasagawa ng FCT kaya kailangan pa ring pumunta ng Germany para isagawa ang procedure.

“Nasa Germany rin daw kasi ang sarili nilang medical flock of sheep na ilang taon na rin nilang inaalagaan.

Isa pa sa ikinatutuwa ni Mother Ricky ay ang pagkuha sa kanyang partner in life na si Chris Aquino bilang bahagi ng Asian Team ng Villa Medica.

“Yeah, that’s right. But what’s more important to me is the concern of Bobby that meron silang foundation sa mga special children. Eighty percent ang gumagaling at gusto nilang tulungan ang mga batang ito.”

ISSUES REGARDING FCT. Marami sa mga Pilipino ang hindi pa lubos na naiintindihan ang proseso ng FCT, handa bang sagutin ni Mother Ricky ang mga tanong ng tao?

“Oo naman, kasi it’s been one year and a half na I’ve been talking about this and you know, yung salitang hope, huwag na tayong maraming kuwestiyon.

“Basta makakagaling sa iyo, why not, di ba? Hihintayin mo pa ba yung mag-chemotherapy ka, mag-dialysis ka na, na ubod nang sakit, di ba?

“Kung maaari, hangga’t bata ka pa at mapapabata mo ang vital organs mo, at hindi ka magkakasakit, then well and good, di ba?

“People have to take chances. Dapat marunong tayong mag-gamble sa buhay, we should learn how to gamble for our own physical health.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa nga sa mga isyung kinukuwestiyon ng ilan ang pag-extract ng fresh cells mula sa sheep at pag-inject nito sa katawan ng pasyente.

Bakit kailangang sa hayop daw manggaling ang fresh cells?

“Sabi nila nanggagaling daw yun sa hayop. Ang sagot ko naman, bakit tayo kumakain ng baboy? Bakit tayo kumakain ng baka? E, nagsu-sushi pa nga tayo na hilaw ang kinakain, di ba?

“And it’s the same thing, you know. Everything comes from animals, even plants, lahat naman iyan nanggagaling diyan.”

Inamin din ni Mother Ricky na may mga kaibigan siya na hindi sumasang-ayon sa FCT.

“I have friends and doctors who do not agree with it. Well, that’s ok. Kanya-kanyang pananaw ang buhay. But this is my life and this is what I want to do.”

CELEBS WHO TOOK FCT. Ilan pa sa mga celebrity na sumailalim ng FCT sa Villa Medica at nagpatotoo sa benepisyo nito sa kalusugan ay sina dating Pangulong Joseph Estrada at dating First Lady Imelda Marcos.

Sa naturang clinic din daw pumunta sina Lorna Tolentino, Lolit Solis, at ang ina ni Boy Abunda.

Sabi nga ni Mother Ricky, “Natutuwa ako kasi nung nilapitan ako ni Boy nung nagkita kami, sabi niya, ‘Mother, ano itong naririnig ko? Marami ang nagsasabi sa akin.’ And I told him about that [FCT]. And the word that he said was, ‘This is the voice I would like to hear.’

“Immediately, he brought his mom. And what I heard, he’s very happy because his mother is talking to him now. May Alzheimer’s [Disease] ang mother niya.

“Ngayon daw ang sinasabi sa kanya ng nanay niya, ‘O, nagpapagod ka na naman. Huwag kang magpakapagod ng kakatrabaho.’

“For your mother to tell that na dati hindi mo na naririnig parang music to your ears siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN