“Asia’s Nightingale” Lani Misalucha says performing for the Filipinos is always a challenge: “Kasi very critical ang Filipino audience.”

Kuwento ni Lani Misalucha, muntik na raw siyang gumawa ng album sa U.S.: “Nung nadinig nila yung album ko [dito sa Pilipinas], nagulat sila, kasi iba-iba yung kinakanta ko.”


Kasalukuyang nasa bansa ang tinaguriang “Asia’s Nightingale” na si Lani Misalucha para sa kabi-kabilang proyektong nakalinya para sa kanya.

Isa na rito ang maging guest sa Grand Finals Night ng X-Factor Philippines ng ABS-CBN.

Sa panayam sa kanya ng Ang Latest, kagabi, October 12, ibinalita ni Lani na muntik na pala siyang makagawa ng album sa U.S.

Bungad niya, “Nung nadinig nila yung album ko [dito sa Pilipinas], nagulat sila, kasi iba-iba yung kinakanta ko.

“Tuloy nag-ano sila, anong klaseng kanta na unique ang kailangan nating buuin para sa kanya, sabing gano’n.”

“For some reason kasi, yung grupo na ‘yon, e, talagang busy sila o hindi talaga sila nakahanap ng tamang kanta para sa akin.”

Sa ngayon daw, balak niyang mag-produce na lang ng sariling album.

“I’ll just probably produce an album by myself na lang. Pasensiya na. Natagalan akong di nag-album, pero ngayon, gagawa ako. Promise!” saad ni Lani na tila humihingi ng paumanhin sa kanyang fans.

May show rin na gagawin si Lani habang nasa bansa.

“Ang latest sa akin, meron akong gagawing show sa Resorts World on November 28. I’m just really hoping na makapanood sila because it’s going to be a different show.

“Gusto ko rin sanang i-impart somehow a little bit of my life to my supporters. So this will be an interesting show. So hopefully, makapanood sila,” pag-asam ni Lani.

Kahit na nakapag-perform na sa U.S., iba pa rin daw ang challenge ng pagpe-perform sa harap ng mga Filipino.

Katuwiran niya, “Kailangan mo talagang maging magaling kapag nag-perform ka sa harap ng Filipino audience, kasi very critical ang Filipino audience.”

Masaya naman si Lani at natutuwa sa anak ng dating kasamahan sa SOP na si Regine Velasquez-Alcasid.

Ang SOP ang Sunday noontime show na pinalitan ng Party Pilipinas.

“I’m so happy for her because I would see pictures of her beautiful baby boy. Kamukha niya,” aniya pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN