Model-actor Lemuel Pelayo regrets turning down offer of rich gay: “Oo naman, sa hirap ng buhay ngayon! Saan mo pupulutin yung ganung kalaking halaga?"

Lemuel Pelayo on how to handle indecent proposals: "It’s up to you kung paano mo tatanggapin, it’s up to you kung paano mo tatanggihan. May mga bagay na pupuwedeng kausapin mo sila, lumabas ka, makipagkita ka sa kanila. Pero yung mga under the table na negotiations, siguro nasa sa ‘yo kung paano mo tatanggihan."


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang model-actor na si Lemuel Pelayo noong Biyernes, October 12, sa opisina ng Mercator Model & Artist Management sa Makati City.

Unang napansin namin kay Lemuel ang tila pagpayat ng katawan niya.

Paliwanag ni Lemuel, may kinalaman ang pagpayat niya sa dire-diretsong trabaho nila ngayon para sa afternoon soap ng ABS-CBN na Pintada.


Saad niya, “Hindi, pumayat lang ako kasi laging more than twenty-four hours kami parati nagwo-work, tapos umaabot kami ng thirty hours.

“Nako-call time kami ng 7 a.m., minsan napapauwi kami next day na.

“Actually nga, marami ang nagsasabi na lumobo ako, tumaba yung mukha ko kasi kain ako nang kain sa set.

“Pero yung tulog, wala talaga kaming tulog kasi minsan thirty hours dire-diretso ang taping.”

Wala ba silang bangko o pondo na mga nai-shoot na episodes in advance ng Pintada

Sabi ni Lemuel, “Kasi nung Habagat ’ata nagte-taping sila sa Laguna, wala pa ako nun.

“Nung after nung Habagat, sobrang dami ng eksena, hindi na nila kinakaya.

“Tapos nagta-travel pa sila from Laguna sa Manila para lang mag-ano kaya wala silang pondo.”

Kinumusta naman ang taping nila for Pintada?

“Sobrang masaya!” bulalas ni Lemuel.

Kontrabida ba siya rito?

“Ngayon bida pa, pero magiging kontrabida na sa dulo kasi lumalabas na yung ugali ko.”



MARTIN DEL ROSARIO. Kasama ni Lemuel sa Pintada ang young actor na si Martin del Rosario.

Napag-usapan namin ni Lemuel ang pagkukuwestiyon sa pagkalalaki ni Martin.

Sabi niya tungkol dito, “Iyon din naririnig ko.

“Nasabi ko din naman kay Martin, e. Sabi naman niya hindi daw siya affected.”

Tinanong pa nga raw ni Lemuel si Martin tungkol dito.

“Kasi one time, sabi ko, ‘Martin, kasi marami akong mga kaibigan na nagsasabi sa akin na ano ka nga daw.’

“Sabi niya, ‘Hindi, bro!’

“Sabi ko, may naririnig ako na ganun nga, pero hindi ko sinabi na…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi siya yung nag-open na may mga tsismis. Kasi pati din naman sa Dos, naririnig din naman namin.

“Nung one time na nakapag-usap kami, sabi ko may naririnig ako na ganyan, sabi ko na…

“Kasi yung nali-link sa kanya, parang… kaibigan ko. Basta, commercial model siya.

“Tapos sinabi ko sa kanya, sabi niya hindi naman siya affected.”

Binanggit ni Lemuel ang pangalan ng kaibigan niyang commercial model, pero pinili naming huwag na itong isulat.

Patuloy ni Lemuel, “Kasi before, may mga nakikita akong mga pictures sa Bora, tapos yung ibang mga friends ko, hindi talaga sa akin galing, sinasabi nila na sila nga daw.

“E, minsan tinext ko yung commercial model. Sabi ko, ‘Uy, totoo ba?’

“Hindi naman niya sinagot yung tanong ko, pero sabi niya naririnig-rinig din daw niya.”



COURTED BY GAY. Si Lemuel ba ay naligawan na ng bading?

“Meron naman, hindi naman nawawala ‘yan, kahit sa modelling.

“Yung halos lahat ng maio-offer sa ‘yo, io-offer sa yo.

“It’s up to you kung paano mo tatanggapin, it’s up to you kung paano mo tatanggihan.

“May mga bagay na pupuwedeng kausapin mo sila, lumabas ka, makipagkita ka sa kanila.

“Pero yung mga under the table na negotiations, siguro nasa sa ‘yo kung paano mo tatanggihan.

“Kasi kahit naman saan, e, kahit saang industriya—sa eskuwelahan, modelling, basketball, artista—may direktor na bading, may staff na bading.

“Minsan siguro nami-misunderstood nila na alam mo yun?

“Wala namang masama sa pakikipagkaibigan, walang masama sa pakikipag-usap... totoo yun.

“Pero siguro yung babastusin ka na nang harapan…”

Umamin si Lemuel na there was a time na na-tempt siya sa "offer" sa kanya.

“Meron naman… meron sa akin na nag-offer ng condo sa The Fort.”

Worth ten million daw ang naturang condo na inalok sa kanya ng maimpluwensiyang tao na iyon.

“Kasi may mga Brazilian akong nakausap—hindi Mercator ha, ibang modelling agency—na inaalok naman niya ng condo sa Rockwell naman, na one night.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pumayag ba yung Brazilian?

“Hindi ko alam kasi nung nakausap ko, wala na siya dito.”

Ano ang naging takbo ng pag-uusap nila ng naturang rich gay?

“Sabi ko, ‘Sir, wala naman pong problema, kung wala na talaga akong career.’

“Pupuwede, why not?” sabay tawa ni Lemuel.

“Hindi naman sa tinanggihan, pero sinabi ko lang na, ‘Salamat na lang po.’

“Kasi wala namang problema sa akin na makausap siya nang personal. Kasama ko yung isang friend ko, sa restaurant.

“Nag-aabot siya ng [pera], pero kaibigan ko yung talagang ano niya.”

Nanghinayang ba siya na hindi niya tinanggap ang condo at ang pera?

“Oo naman, sa hirap ng buhay ngayon! Saan mo pupulutin yung ganung kalaking halaga?

“Sumikat ka, malaos ka, andiyan yun, e.

“Kung career ang gusto mong mangyari sa buhay mo, sa isip mo kaya mong bumili ng ganyan kung magtitiyaga ka.

“Pero kung nagmamadali ka, kung gusto mo na parang as much as possible makuha mo na ito o makuha mo na yun... so.”

Kaya siya nanghinayang?

“Hindi naman. Parang ano lang, minsan sa biruan ng barkada parang, ‘Uy, crush ka ng bading na to!’ ‘Talaga?’

“Siyempre may mga biruan na ‘Uy, magkano ba ibinibigay niyan?’

“Mga ganung biruan lang, kulitan na, ‘Uy, sana kinuha ko na lang!’

“Kasi marami talaga akong kakilala, honestly, marami talaga akong kakilala na mayayaman talaga.

“Alam mo yung parang… tahimik silang tao na hindi nila kailangan ng intriga.

“Unfair lang para sa kanila na minsan nadadamay sila siyempre, lalo na kunwari yung mali-link yung pangalan nila sa ganito.

“Kung totoo, totoo. Wala namang masama, e. Tsaka kumakalat yun.

"Pero yung… siyempre nagtatrabaho yung tao, halimbawa businessman, bading na businessman, tapos may pamilya pa, so parang sad na nababalitaan niya na…

“Or nadadamay siya sa isang isyu na alam mo namang wala.

“Or nakausap mo lang yung tao, matsitsismis na kayo, di ba? Parang offensive.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, di sana pinanindigan ko na lang, ‘Sana ginawa na lang natin kasi kumalat rin naman.’”

THE RUMOR HAS IT. Marami na raw beses natsismis si Lemuel na pumapatol sa bading, gaya ng kanyang manager.

“Marami akong naririnig, modelling days pa lang. Kaya raw ako nagkaka-commercial kasi pumapatol ako sa manager ko.

“To think na hindi naman manager ang nagbibigay ng commercial sa mga talents. Siya ang nakikipag-usap

“Kasi kung malalaman ninyo ang istorya ng paano ka makakakuha ng commercial, hindi puwedeng ma-involve ang manager kasi may mga agent.

"Sila yung kumakausap, sila yung nagte-text sa iyo, hindi yung manager.

“Pagdating ng kontrata, iyon yung parang kaya daw ako nagkaka-commercial.”

Naranasan na rin daw niya na matsismis sa isang bading na direktor.

“Parang minsan sa mga usap-usapan, di ba?

“Sa akin, hindi na ako apektado, hindi ko na iniisip tsaka you can’t please everybody.

“Kahit anong sabihin mo na, ‘Pare, hindi totoo ’yan!’

“Kahit tumingin ka sa mata niya, kung sa isip niya parang, ‘Hindi ako naniniwala sa ‘yo!’

“Di ba? Totoo naman, e.

“Kapag nadungisan na yung pangalan mo, kahit anong linis mo, kahit anong gawin mo, ganun. e.

“Pero ako, sa sarili ko, naiisip ko magtrabaho, gawin ang dapat kong gawin. Gawin mo ang gusto mo.

“Kasi may pamilya ka rin na naririnig yung mga kung anu-ano.

“Ang importante naman, kung ano ang totoo, na alam mo ang totoo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN