Rufa Mae Quinto says there was no breakup between her and Boy2 Quizon

"Parang ano lang, MU [mutual understanding]," ito ang deskripsiyon ni Rufa Mae Quinto sa namagitan sa kanila ng kanyang co-star sa Bubble Gang na si Boy2 Quizon.


Live na nag-guest si Rufa Mae Quinto sa StarTalk TX kahapon, October 13, kasama ang co-stars niya sa Bubble Gang.

Unang itinanong sa kanya ay kung break na nga ba sila ni Boy2 Quizon? Ano ang dahilan? Naging mag-on ba sila?

“Actually, iyon na nga ang dapat anuhin…

“Very light na friends-friends, best friends, ganyan. Tapos hindi na nag-push.

“As in hindi na nag-push,” sabi ni Rufa Mae.

So, hindi naging sila?

“Hindi naman, parang ano lang, MU [mutual understanding].”

Hindi ba sila nagkakailangan ngayon kapag nagkikita sa Bubble Gang?

“Deadma lang, friends naman kami, e.”

Hindi pala natuloy ang relasyon nila, paano nagkaroon ng breakup?

“Wala… walang breakup.”

Bakit all of a sudden, ang lumalabas ay hindi na sila?

“Hindi ko alam kasi kung ano yung lumalabas, e.

“Wala, hindi nga natuloy, kasi na-realize naming mas mabuting magkaibigan kami.

“Para hindi na lang masira kasi twelve years din po kaming magkasama sa Bubble, so parang mas okay na yung ganun lang.”

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Boy2 ay sinabi nitong naging sila nga ni Rufa Mae pero na-realize daw nila na mas mabuting manatili na lang silang magkaibigan.

(CLICK HERE to read related story.)

AHRON VILLENA. Matapos ang break-up issue nila ni Boy2, agad namang na-link si Rufa Mae sa co-star niya sa Enchanted Garden na si Ahron Villena.

Sila na ba?

“Hindi pa naman siya masyadong… kagabi kasama ko siya. Charing!” sagot ng sexy comedienne.

Boyfriend na ba ni Rufa Mae si Ahron?

“Hindi, hindi... friends lang din.

“Hindi ko naman alam kung nanliligaw siya or what, basta text-text tapos pag in-invite ko siyang lumabas, join naman siya. Pero wala pa.

“Let’s hang out pa lang, hook-up pa lang, ganyan.”

Wala pa raw silang relasyon talaga.

NEW CONDO. Walang bagong karelasyon, pero balitang may bagong bahay si Rufa Mae ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bagong condo pero matagal ko nang binili yun, 2008 pa lang.

“Kasi, di ba, ang taping ng Bubble Gang, lahat-lahat doon sa Filmex [sa Makati]?

“So, binili ko siya, walang… ano pa, pre-selling.

“E, nagkataon na andidito na tayo sa building ng GMA so back to QC,” paliwanag ni Rufa Mae.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN