Richard Gutierrez finally admits real score with Sarah Lahbati

Ito ang Instagram post ni Richard Gutierrez tungkol sa bakasyon nila ng kasintahang si Sarah Lahbati sa Europe sa loob ng labindalawang araw: "I wandered everywhere through cities and countries wide, I realized now that I’m happiest just here by your side."


Sa unang pagkakataon ay inamin na ni Richard Gutierrez ang tunay na estado ng relasyon nila ni Sarah Lahbati.

Ikinuwento ni Richard sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nag-umpisa sa set ng nagwakas nang teleserye nila sa GMA-7, ang Makapiling Kang Muli, ang relasyon nila ng 19-year-old actress.

Pero hindi sinabi ng 28-year-old actor ang exact date kung kailan naging opisyal ang kanilang relasyon ng StarStruck alumna.

Hindi na nakakagulat ang pag-amin ni Richard dahil open ito sa nararamdaman niya para kay Sarah sa kanyang Instagram account.

Marami ang kinilig sa Instagram post ni Richard nang magpunta sila ni Sarah sa Le Grand Bornand, France.

Sabi ng Kapuso actor: "I wandered everywhere through cities and countries wide, I realized now that I’m happiest just here by your side."

EUROPE TRIP. Twelve days na nagbakasyon sina Richard at Sarah sa Europe kaya lalong nagkalapit ang kalooban nilang dalawa.

Kuwento ni Richard sa PEP, “The whole experience was talagang memorable.

“I’ve been through all over, ang dami ko nang pinuntahan na lugar.

“At, ngayon, masayang-masaya ako na magkasama kami at nagdi-discover kami ng mga bagong lugar na hindi pa rin niya napupuntahan, hindi ko pa napupuntahan.

“I’m just very happy na nakaikot kami.

“Matagal ko na talagang pinaplano na magkaroon ng Europe trip kasi ilan taon na akong hindi nakakabalik.

“After ng schedule ko this year, I wanted to leave the country for a bit and see Europe.

“Sakto na kasama ko si Sarah.”

Nagpunta raw sila sa lugar kunsaan lumaki si Sarah—ang Geneva, Switzerland.

Sabi pa ni Richard, “In-explore namin yung lugar niya. Gusto ko rin makita yung Geneva.

“I’ve never been to Geneva. I’ve never been to Switzerland—and isa ’yon sa parang dream ko na mapuntahan na lugar.

“At mas naging perfect pa ang travel ko dahil kasama ko si Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naging enjoy yung trip namin dahil happy kami na magkasama.”



SARAH’S QUALITIES. Ano ang mga katangian ni Sarah na nagustuhan ni Richard?

“Si Sarah, mabait siya, very sweet and, at the same time, marami kaming mga things in common.

“Parang yung personalities namin, tugma.

“She’s outgoing. She likes sports… walang baggage.

“Very light siya na kasama, so enjoy kami.

“We can travel, we can walk. We can do whatever na kaming dalawa lang.

“Masaya kami.”



OPEN WITH HIS FEELINGS FOR SARAH. Dagdag pa ni Richard, “I realized it’s good also to be open and mas mahirap pala kapag itinatago.

“Puwede naman pala din na maging masaya.”

Birthday ni Sarah noong October 9, pero ayaw sabihin ni Richard ang birthday present niya para sa kanyang girlfriend.

Mas mabuti raw na si Sarah na lang ang tanungin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN