John Rendez reveals choosing Nora Aunor over his wife: “Asawa ko lang siya, si Ate Guy is Ate Guy ko.”

John Rendez describes his relationship with Nora Aunor: “She’s very, very important part of my life. She’s my best friend, I’m her guardian. Kumbaga, leader ko ‘yan, e, protégé’ lang ako, e… bodyguard lang ako kung puwede, e."


Sino nga ba si John Rendez sa buhay ng Superstar na si Nora Aunor?

Matagal nang nauugnay ang pangalan ng rapper-actor sa aktres, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa marami kung ano nga ba ang tunay na estado ng relasyon nila o sadyang magkaibigan lang sila.

Sa launching ng comeback album ni John, ang Metaldog/There Can Only Be One, noong Biyernes, Oktubre 12, sa Dulcinea restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, sinagot ni John ang lahat ng isyu tungkol sa kanila ni Ate Guy.

Ano nga ba ang estado ng relasyon nila ni Nora?

Tugon ni John, “She’s very, very important part of my life.

“She’s my best friend, I’m her guardian.

"Kumbaga, leader ko ‘yan, e, protégé’ lang ako, e… bodyguard lang ako kung puwede, e.

“In that way, I’ve got to know her.

“I see how people respect her, some people use her. Ako, I don’t want to use her.

“I was there in the lowest part of her life, I was there beside her. I’m always there as a friend.

“There’s no romantic or anything, you know, I’m torpe kasi—very, very torpe. Aminado naman ako, e.”

THE GUARDIAN. Paano niya ilalarawan ang pagiging “guardian” niya kay Nora?

“I’ve done the work, e. I’ve been there…

“During the negative issues about her, I was there for her, to accompany her.

“She’s very affected but I am there consoling her.

“I was there as a person mismo for Ate Guy.”

As a guardian, ano yung ginagawa ni John upang protektahan si Nora?

“Kung ano yung trabaho ng aso, for example German Shepherd or pitbull, you know, I am there to watch over her or make her laugh, make her have fun in her life.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ATE GUY OVER HIS WIFE. Tell us something about yourself? May sarili ka bang pamilya? Asawa? Anak?

Pagtatapat ni John, “I do have my family… torpe nga ako, e.

“Kaso iniwan ako ng asawa ko. Hiwalay kami.

“May anak ako, 16 years old, nasa akin siya. Nasa mommy ko yung anak ko.”

May kinalaman ba ang pag-iwan sa kanya ng asawa niya sa anumang namamagitan sa kanila ni Nora?

Sagot ni John, “Hindi naman po, pero ayaw ko lang talaga na binabastos niya si Ate Guy.

“Si Ate Guy ay si Ate Guy.

“Asawa ko lang siya, si Ate Guy is Ate Guy ko.”

Naging magkaibigan ba muna sila ni Ate Guy bago sila naghiwalay ng asawa niya?

“No, naging kaibigan ko muna si Ate Guy.

“And then later on, I got married. But this person, ’blah blah blah’ to Ate Guy.

“Sabi ko sa asawa ko, ‘Huwag mong ganyanin si Ate Guy, asawa lang kita, ha. Respetuhin mo yung mga kaibigan ko, especially Ate Guy. If you can’t do that, we can’t be together.’”

TWENTY YEARS. For the record, gaano na sila katagal na magkaibigan ni Nora?

“Sa kanila ako nag-debut when I was twenty-one years old, I’m forty-one years old now.

“So more than twenty years na kami magkaibigan ni Ate Guy.

“Buti hindi nagsasawa si Ate Guy sa akin, ‘no?”

Paano nagsimula ang friendship nila?

“I was a DJ in Subway and she was looking for a talent to do the movie of Pacita M [1991] with Direk Elwood Perez.

“And there was a Saudi guy as the financer on that movie yata…

“E, medyo bastos yung tao, binabastos si Ate Guy.

“So, tinanong ko si Ate Guy, sabi ko, ‘Gusto mo upakan ko na ito?’

“Sabi ni Ate Guy, ‘Huwag! Huwag! Huwag!’

“That was the start na pagiging guardian ko kay Ate Guy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

How does he describe Ate Guy as a friend?

“She’s a very, very, very good person, the best!

“Napakabait. Dapat lang talagang galangin ng tao.

“She will give you her last penny. Hindi siya selfish na tao.”

MORE THAN FRIENDS? Ano ang reaksiyon ni John sa mga usap-usapan na higit pa sa magkaibigan ang relasyon nila ng Superstar?

“What?! What?! That’s my reaction. C’mon!

“That’s Ate Guy, sino ba naman ako?

“She’s a good friend of mine. There’s nothing more than that.”

Sa loob ng mahigit dalawampung taon na magkaibigan sila ni Nora, hindi ba nahulog ang loob niya sa aktres?

Sabi ni John, “Wala nga akong feelings, e. I’m a very professional person.

“I’m not that kind of person that you think na blah blah blah….

“I’m very professional. If I say something, I wanna stick to it.

“American style kasi ako, e. Hindi ako masyado sa feelings-feelings, e.”

Paano sila nag-click bilang magkaibigan?

“Hindi ko nga rin alam, e!” sabay tawa ni John.

“Maybe I have a mindset na that person is iba. I respect her as a person.”

JOHN’S ALBUM. Malaking factor ba si Ate Guy para magawa ni John ang bagong album niya?

“Ate Guy is always there, pero sa totoo lang, hindi ako nakakapagsulat pag nandiyan siya.

“Kasi she is Dragon for Chinese astrology and I’m a Dog.

“Kung titingnan mo talaga, hindi kami compatible na dalawa as friends—magka-contrast kami, magkaaway kami.”

Ano ang participation ni Ate Guy sa album niya?

“Ate Guy is my manager, I won’t do anything big without her approval bilang respeto ko sa kanya.”

Paano siya sinuportahan ni Ate Guy sa album na ito?

“By her being the Superstar, that for me is good enough.”

Ngayong bumabalik na siya sa showbiz, handa na ba siya sa mga intriga?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko lang alam… sana. I will face the tough game!” sabi ni John.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN