Kapuso newscaster Susan Enriquez agrees there’s a need for the Anti-Cybercrime Law

Hati ang opinyon ng Kape at Balita hosts at GMA News reporters na sina (L-R) Michael Fajatin, Mariz Umali, Susan Enriquez, at Joey Reyez Zobel tungkol sa kontrobersiyal na Cybercrime Prevention Law. Alamin kung sino sa kanila ang pabor at hindi pabor sa bagong batas na ito.


Noong nakaraang linggo ay nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang news reporters ng GMA-7 na magiging hosts sa Kape at Balita.

Ang Kape at Balita ay ang bagong morning show ng GMA News TV na magsisimula sa October 22.

Kasama sa mga host nito sina Susan Enriquez, Mariz Umali, Michael Fajatin, at ang radio commentator na si Joel Reyes Zobel.

At dahil isa sa mga pinakamainit na isyu ngayon ang kontrobersiyal na Cybercrime Prevention Law ay itinanong ng PEP sa apat na reporters ang opinyon nila rito.

Hati ang opinyon ng Kapuso reporters; dalawa sa kanila ay payag sa batas at ang dalawa naman ay tumututol dito.



SUSAN ENRIQUEZ. Isa si Susan Enriquez sa mga umaayon sa Anti-Cybercrime Law.

Ayon sa kanya, kailangan kasing protektahan ang mga nabu-bully sa Internet.

Pahayag ni Susan, maging siya ay madalas nakakatanggap ng paninira sa social media.

Saad niya, “Kasi, minsan lang, merong mga umaabuso. Merong gusto lang siraan yung isang tao.

"Minsan below-the-belt na, wala namang basis yung paninira mo.

"Ang pinakamasaklap pa nun, may nagke-create ng account ng tao na hindi naman talaga siya yun!

“Oo, ako, minsan masakit ang sasabihin, hindi mo na lang papatulan yun.

"Ang problema kasi nito, kasi madali kaming banatan kasi nakikita kami sa TV, di ba?

"Samantalang yung bumabanat sa ’yo, hindi mo kilala.”

Dagdag pa ni Susan, tama na protektahan ang freedom of speech, pero dapat daw ay gawing mas responsable ito.

“Dapat ano din tayo, responsible din tayo. Mare-regulate din.

"Kawawa namin kasi yung mga nabibiktima.

"Oo, e, parang nabu-bully ka, na ang gagawin mo na lang, e, wag kang sasagot.

"Otherwise, walang katapusan ang banat sa ’yo,” saad niya.

Ikinuwento rin ni Susan na isa siya sa mga nakaranas na ng pambibiktima sa social media.

Meron pa nga raw gumagawa ng mga pekeng account sa Twitter at Facebook, para magkunwaring siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag niya, “Kasi, nag-start ako ng Twitter last year. Tapos maraming nagsabi na marami na raw akong account.

"May magtatanong kung minsan, e, ’Kayo po ba talaga yung Susan Enriquez sa Twitter?’

“Halimbawa, gusto kang gamitin, di ba? E, wala ka namang kamalay-malay.

"Kaya hindi na lang ako nagpapaapekto, di ba?

"E, hindi ko naman talaga sinabi yun, e, bakit ako magpapaapekto?

"Maraming ganun, e. Mahirap, e.”



MARIZ UMALI. Opinyon naman ni Mariz Umali, dapat magkaroon ng Anti-Cybercrime Law para mapanagot ang mga gumagawa ng masama sa Internet.

Paliwanag niya, “Dapat talaga magkaroon ng batas, para hindi pigilin.

"Pero, kumbaga, kung may mga gumagawa ng masama, mapanagot.

"Not necessary sa cyber world, pero pati sa real world.

"Meron tayong mga batas sa lipunan natin dahil may mga gumagawa ng krimen, na kailangang mapanagot yung mga gumagawa ng krimen.

"The same with the cyberspace.

"Parang ang sinasabi kasi nila, leave the cyberspace alone.

"Pero para sa akin, merong ibang mga tao na gamay na nila na i-twist yung mga bagay sa cyberworld para makapanakit.”

Diin ni Mariz, hindi niya sinasabing dapat tanggapin na lang ng mga tao ang nasabing batas.

“Hindi ko sasabihin na I’m for or against what the people are doing now, na halimbawa yung mga nagra-rally, o yung mga nagpapahayag ng mga petition sa Supreme Court.

"It’s their right. Nirerespeto ko yun. Nirerespeto ko rin yung mga nagpoprotesta.

"Pero para sa akin—which I think should also be respected because it’s my opinion—na dapat panagutin ang mga gumagawa ng mga masama.”

Gayunpaman, may mga puna rin si Mariz sa kasalukuyang bersyon ng Anti-Cybercrime Law, tulad na lang ng parusa sa online libel.

“Pero questionable yung twelve years.

"Kasi, sa tingin ko, kung ano’ng nangyayari sa lipunan natin, six years lang, baka dapat the same ang mangyayari sa cyberspace.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, kailangan talaga ’yang pag-aralan ng mga legislators natin,” saad niya.



MICHAEL FAJATIN. Samantala, mariin namang tinututulan ni Michael Fajatin ang Anti-Cybercrime Law.

Aniya, naaalala niya ang Martial Law sa batas na ito.

Pahayag niya, “In my own opinion, I’m really against it.

"What particular issue? Yung libel at yung takedown issue.

"Yung parang, di ba... I’m not saying you’re young, pero you’ll feel it, e.

"You’ll feel it when you experienced Martial Law before.”

Maaari raw kasing magkaroon ng pag-ulan ng libel cases kung maaprubahan ang Anti-Cybercrime Law.

“Siguro yung kabataan natin, hindi talaga nararamdaman yung issue ano?

"Pero yun nga, yung deluge of libel.

"Saying something lang, even if it’s just your opinion or not, I think dapat medyo maluwag diyan kasi freedom of speech, di ba?”

Tingin din ni Michael, dapat tanggapin ng mga pulitiko at public figures na may mga magbibigay ng opinyon laban sa kanila.

“It relatively depends sa tao, kung manipis ba yung balat niya o ano man.

"Pero, my god, if you’re a politician, if you are in a public office, you must be subject to that.”



JOEL REYES ZOBEL. Hindi rin sumasang-ayon sa batas si Joel Reyes Zobel.

Ayon sa kanya, may mga mali ang nagawang batas.

“Ganyan talaga ang dynamics in Philippine politics, e. Kagagawa pa lang ng batas, mali na.

"That is because they lack what we call consultation. Dapat nakonsulta sa tao ’yan, e.

"Ang batas, dapat perpekto ’yan, e.

"Kasi ilang utak ang gumagana para gawin ’yan, e. Tapos ganyan pa ang nangyari,” sabi ni Joel.

Naaalarma rin siya na mas mabigat ang parusa ng libel sa cybercrime kaysa sa nakalagay sa Revised Penal Code.

“Well, alam mo, it has the same element as libel, e. But, mas grabe yung parusa, ano?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dapat kung ganyan lang yung ginawa mo, dapat in-expand mo na lang bang coverage ng libel,” sabi niya.

Kaya naman natutuwa si Joel na marami nang nagpahayag na baguhin ang ilang bahagi ng Anti-Cybercrime Law.

“I think mukhang aamyendahan nila yung batas,” paniwala niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN