Rafael Rosell on negative rumors about Temptation of Wife co-star Marian Rivera: "Wala akong nakikita na sinasabi nilang ganung klaseng traits, e."

Si Marian Rivera ang bagong makakatambal ni Rafael Rosell sa kanyang paglipat sa GMA-7. Bagamat marami siyang naririnig na negatibong balita tungkol sa aktres, sinabi ni Rafael, "I’m actually more excited to know the real person behind all these interpretations."


Matapos lumipat sa Kapuso network, abala na ngayon si Rafael Rosell sa kanyang unang malaking proyekto sa GMA-7—ang upcoming primetime series na Temptation of Wife.

Ang Temptation of Wife ay ang Filipino adaptation ng Korean drama series na napanood din sa Kapuso network noong 2011.

Makakasama ni Rafael sa show sina Dennis Trillo, Glaiza de Castro, at Marian Rivera.

Dito ay gaganap si Rafael bilang si Nigel, na sa paglalarawan ng aktor ay "superman without superpowers" sa istorya.

Siya ang magiging love interest ng karakter ni Marian na si Angeline, matapos makipaghiwalay nito sa asawang si Marcel (Dennis).

Sabi pa ni Rafel, "Yung puso ni Superman, nandoon—maalaga, may pagka-savior syndrome siya towards sa character ni Marian, tapos very strong and outgoing... he never gives up."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rafael sa taping ng Temptation of Wife kahapon, Oktubre 15, sa Christ the King Church sa E. Rodriguez, Quezon City.

SOMETHING NEW. Inamin ni Rafael na hindi ito ang tipo ng karakter na gustung-gusto niyang ginagampanan noon.

Gayunman, ang kagustuhan niyang makaranas ng mga bagong bagay sa kanyang career ang nag-udyok upang tanggapin niya ang role na ito.

"It’s been done so many times na kasi, di ba?

"It’s been done so many times, na feeling ko, kailangan ko lagi ng pagbabago ng interpretation.

"So ngayon, I’m taking that opportunity para bigyan ng bagong interpretation ang association natin with knight in shining armor," saad ng bagong Kapuso actor.

NEW LOVETEAM. Bukod sa bagong role, bago rin ang makakapareha ni Rafael sa proyektong ito—ang tinaguriang Primetime Queen ng GMA-7 na si Marian Rivera.

Noong nasa ABS-CBN pa si Rafael ay madalas siyang mipareha kay Denise Laurel, na ngayon ay katambal ni Martin del Rosario sa afternoon drama series na Pintada.

Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ng aktor tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Para sa akin, work is still work.

"Pero siyempre, iba rin yung foundation namin ni Denise, e.

"Ang tagal na naming nagkakatrabaho, siyempre mas kabisado na namin ang isa’t isa.

"So, feeling ko, we’re starting all over again, which is para sa akin could be an advantage and disadvantage.

"Yung nakikita ko lang kasing disadvantage is working with a new person.

"Another advantage is it’s a whole new journey, may bago akong makikilala, may bago kaming puwede i-explore when it comes to chemistry with characters and a new working relationship."

STORIES ABOUT MARIAN. Inamin ni Rafael na bago niya makilala si Marian ay marami siyang negatibong balita na naririnig tungkol sa aktres.

Pero hindi niya raw ito kaagad pinaniwalaan. Siya raw kasi ang tipo ng tao na hindi maniniwala hangga’t hindi niya nakikilala nang personal ang isang tao

Ngayong nakatrabaho na niya si Marian, sabi ni Rafael, "Wala akong nakikita na sinasabi nilang ganung klaseng traits, e.

"So I’m more than excited, kasi sa umpisa, kinakabahan ako dahil ang sabi nila na may attitude or something.

"Pero parang sa akin, sa experience ko, parang walang ganyan. Kaya hindi ako naniniwala doon.

"So for that, I’m actually more excited to know the real person behind all these interpretations.”

Sina Rafael at Marian ay parehong hawak ng talent manager na si Popoy Caritativo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN