Derek Ramsay on ABS-CBN directive to Anne Curtis not to mention his name when promoting their movie: "I’m hurt because I gave 200 percent when I was working there."

Kung bakit nagtataka si Derek Ramsay sa desisyon diumano ng Kapamilya network sa paniniwala niyang maayos ang kanyang paglipat sa TV5: “That I’m very confident of. That’s why it’s upsetting. If I was ‘that asshole’ that just left, then I deserve."


Ang sex life ng hunky actor na si Derek Ramsay ang isa sa mga itinanong sa kanya sa presscon ng iniendorso niyang multi-vitamins kaninang tanghali, October 16.

Ginanap ang presson ng Pharmaton sa Quezon Ballroom ng Shangri-La Makati.

Natawa at natigilan muna si Derek nang diretsahang tanungin tungkol sa kanyang sex life.

Pero sabi niya, “Wala akong oras. They say it’s a side effect but good side effect I guess.”

AMAZING RACE PHILIPPINES. Masaya naman si Derek sa balitang eere na ang reality-game show niya sa TV5 na Amazing Race Philippines ngayong October.

“I’m happy it’s coming out because it kills all the intrigues na ire-reshoot daw ang Amazing Race. Hindi daw happy ang management and all that,” naiiling niyang simula.

"When I read that, parang natawa ako kasi how can you reshoot a a competition? May panalo na."

Imposible nga raw i-reshoot ang isang reality-game show.

“There’s a lot of work that has to be put in.

"First, you have to do the competition which takes about a month. You know… walang tigil yun. Competition yun, e.

"Then, the amount of materials that need to be edited because there’s a cameraman for each team and follows them…”

May mga hula-hula na kung sinu-sino ang mga kasali sa kanilang show.

Pero ayon kay Derek, “I’m not allowed to mention anything ‘til it comes out.

"Yeah, that’s how top secret they are with the project.

"I wasn’t even allowed to carry my cell phone.

“There are celebrities, there are normal everyday people—a mixture... a mixture of characters.”



ISSUE WITH HIS FORMER NETWORK. Sa kabila ng kasiyahan ni Derek sa pagpapalabas na ng kanyang show sa TV5, naglalabasan naman ngayon ang isyu sa pagitan niya at ng pinanggalingan niyang network na ABS-CBN.

Inamin kasi ng kanyang leading lady sa A Secret Affair na si Anne Curtis sa presscon ng pelikula kagabi, October 15, na hindi niya puwedeng baggitin ang pangalan ni Derek kapag nagpo-promote siya ng pelikula nila sa It’s Showtime!.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


(CLICK HERE to read related story.)

Obserbasyon din ng marami, walang eksenang kasama si Derek sa trailer ng pelikula kapag ipinapalabas ito sa Kapamilya network.

Sinasabing nag-ugat ito dahil sa ginawang paglipat ni Derek sa TV5 at pag-iwan sa ABS-CBN.

Pero paliwanag ng actor-TV host, “I was just being myself. That’s so me and that’s what I want people to realize.

"I made the decision of moving to TV5, first because the respect and… the respect they gave me and my family.

“Number two, they looked into who I really am and what I’m passionate about.

"I mentioned to them, I love to travel, I love sports. And boom, instantly, they wanted me to do Amazing Race. They gonna send you to the Olympics."


ANNE CURTIS. Affected ba si Derek sa direktibang ito ng dati niyang home network?

“Yeah, I’m hurt because I gave two hundred percent when I was working there," pag-amin niya.

"That’s hard because it was a big decision but I know I made the right decision and I’m very happy where I am.

“It was really touching that Anne [Curtis] spoke out. Wow!

"Not a lot of artistas have the balls to do that and she did.

"I told Anne, ‘Thank you very much for what you said.’

“But I don’t want to change the way I see ABS. I have a lot of respect for them.

"I enjoyed my time there. I don’t want… kung ano yung mga issues na ganyan, I don’t want...

“I’m sure they have their reasons.

"It’s not unfair for me. It’s unfair…

"I’m upset because it’s unfair for Anne. It’s unfair for Andi [Eigenmann]. It’s unfair for direk Nuel [Crisostomo Naval] who works there [Channel 2].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And because of me, naapektuhan pa sila. That’s why I’m upset.

"But ako, okay lang.”



RECONCILIATION WITH ABS-CBN? Nalalapit na ang Pasko at may mga nagwi-wish na sana ay matapos na ang tampuhan nilang ito ng dati niyang network.

Ano ang masasabi ni Derek dito?

“I don’t know if it’s tampo, e.

"I’m sure they have their reasons. I’m sure they have their reasons.

"I don’t know what their reasons are.”

Sa paniwala ni Derek ay maayos naman ang naging paghihiwalay nila ng ABS-CBN noon.

“That I’m very confident of. That’s why it’s upsetting.

"If I was ‘that asshole’ that just left, then I deserve.

“But eight months of, you know… meeting after meeting after meeting.

"Advice from all the close people around me and I was honest from day one.”

Sa gitna nito, nalulungkot daw si Derek para sa co-stars niyang sina Anne Curtis at Andi Eigenmann na kapwa rin nagtatrabaho sa Kapamilya network.

“They’re part of the movie.

"Ako, I did my part. I know I did my part in the movie. I know I did my best.

"The movie is coming out. I’m excited for that.

"I don’t want to derail my happiness because tapos na finally yung pelikula with stuff like this.

“You know, like I said, that’s their decision, I respect their decision.

"Like my decision was to transfer, I hope that they respect the decision I made.

“I don’t know... Like I said, I… ayoko nang ibahin yung paningin ko sa ABS kasi they’re a big part of who I am… of Derek Ramsay.

"And I won’t forget that. They gave me opportunities over there.

“There were ups there were downs. Hindi ko na babanggitin kung ano, amin na lang yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero, may nagawa silang malaki na nakatulong sa ‘kin. So, I will never forget."



FULFILLING A PROMISE WITH VIVA FILMS. Hindi ba co-production venture ng Viva Films at Star Cinema ang A Secret Affair, gaya ng dalawang box-office hit movies ni Derek na Praybet Benjamin at No Other Woman?

“Viva lang ang nag-produce," paglilinaw ni Derek.

"That’s why I… nung lumabas yung No Other Woman, sinabi ko nga to both Star Cinema and Viva, ‘I promised po to do a movie.’

"Because sa tiwala na ibinigay nila sa ‘kin na gawin yung No Other Woman tapos yung Praybet Benjamin—those are top two movies in Philippine history.

“The promise that I gave them, kahit hindi nakasulat sa papel, handshake [lang].

"Sabi ko kay Boss Vic [del Rosario], promise ko na gagawa ng pelikula ulit.

"And now I’m doing one and I said that also to Star Cinema.

"But I don’t think that’s gonna happen!” medyo natawa niyang sabi.


HURTING... Halatang nasasaktan si Derek sa kanyang pananalita sa mga nangyayari.

“Hindi... sawa na ’ko. Sawa na ’ko.

"Nandiyan na ‘yan, e, di ba?

“I don’t know what their reasons are. It could be business... I don’t wanna think it’s personal.

“Di ko alam, e.

"You know, if I start assuming, baka may masabi pa sila na feeling ko… ayoko. Ayokong mag-assume.

“Like I said, it could be a business decision.

"After all, at the end of the day, this a business. They’re competing networks.

"I don’t know what they’re reasons are. Ayoko nang makialam do’n."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN