Andi Eigenmann on Albie Casiño apologizing to haters: “I don’t want to make pakialam anymore, kasi he doesn’t want me to be part of his life.”

Nakatutok na si Andi Eigenmann ngayon sa anak niyang si Elle. Kung ano man ang mga gagawin ni Albie Casino, sabi ni Andi, “Akala siguro ng tao important siya—na kahit hindi naman siya talaga important factor. E, di naman siya nagso-sorry. Wala namang nawala sa akin nung nawala siya sa buhay ko, e.”


Walang problema kay Andi Eigenmann kung gugustuhing dumalo ni Albie Casiño sa first birthday celebration ng sinasabing anak nila na si Adriana Gabrielli o Elle.

Sa simula pa lang naman ay consistent na ang aktres sa pagsasabing hindi niya aalisan ng karapatan si Albie bilang ama ni Elle.

Pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “For me, it will be fine for Albie to go to Elle’s birthday party, it would be so ramdom.

“Kasi hindi naman kasi namin talaga siya nakakausap. Pero if ever nga, it’s okay nga, kasi father pa rin naman siya ni Elle.

“Right niya pa rin naman yun, somehow. But then, I also have people that I love who will get hurt by that.

“They’ve hurt by what happened and I know masyado lang silang mahe-hurt pag nagpunta si Albie.

“Siguro kung magkakaroon ng reconciliation, if ever, sa akin lang yun, ako lang ang may kailangan noon and si Elle."

Hanggang ngayon ay hindi pa rin inaako ni Albie na siya nga ang tunay na ama ng anak ni Andi.

Patuloy ng Kapamilya young actress, “Yung family ko, wala na kasi sobrang nasaktan ang family ko by what happened…

“By how Albie treated my dad and my mom.

“Feeling ko, ako yung magiging way if I invite him pag nandun yung parents ko and yung brothers ko na nasaktan sa mga nangyari.”

Sa presscon naman ng A Secret Affair noong October 15, sinabi ni Jaclyn Jose, ina ni Andi, na nirerespeto niya ang desisyon ng anak.

Pero kung siya ang tatanungin ay ayaw niyang makita sa birthday ng apo si Albie.



BIRTHDAY CELEBRATION. Sa November 25 ang celebration ng first birthday ni Elle.

Hiningan namin ng iba pang detalye si Andi tungkol dito.

“Sa Blue Leaf gagawin yung birthday ni Elle, sa McKinley Hills… Alice in Wonderland yung theme.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang dami kong friends na invited so bongga talaga."

Hindi rin daw alintana ni Andi ang perang gagastusin niya para sa party.

“Gastos? Okay lang yun para sa akin, that’s for Elle.

“Dati kuripot talaga ako, hindi ako galante sa mga ganyang bagay, pero anak ko si Elle.

“I want to show na kaya kong ibigay sa kanya.

“Ako, unexpected ako na naging mom, parang nasali lang ako sa motherhood world, pero ang dami kong mao-offer.

“I can be a great mom,” sabi niya.

APOLOGIES. Kamakailan ay humingi ng tawad si Albie sa mga haters niya na ang pinaghuhugutan ng galit ay ang nangyari sa kanila ni Andi. (CLICK HERE to read related story.)

Kung nagawa ni Albie ang mag-apologize sa mga bumabatikos sa kanya, maaari rin kayang humingi ng paumanhin ang young actor kay Andi?

Tugon ni Andi, “To his haters, not to me, to say, ‘It’s nice of him, good job for him to learn to say sorry to his haters.’ Sige ganun.

"I have nothing to do with that naman.

“I don’t pay for them to hate on him, it’s their own opinion on what they see.

“Kasi I don’t really like talking about him anymore.

“I don’t want to make pakialam anymore, kasi he doesn’t want me to be part of his life.

“So, parang tinutulungan lang natin.

“Akala siguro ng tao important siya—na kahit hindi naman siya talaga important factor.

“E, hindi naman siya nagso-sorry.

“Wala namang nawala sa akin nung nawala siya sa buhay ko, e."

EVERY GIRL’S DREAM. Aminado si Andi na inaasam pa rin niya ang tamang panahon at ang tamang lalaki na para sa kanya.

Sabi niya, “Oo naman, I think that’s every girl’s dream.

“All girls want to be treated like princesses—having their fairy tales ending, getting married, meet their Prince Charming.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero I guess I have Elle, there’s a lot to me than that.”

Positibo pa rin sa buhay si Andi sa kabila ng hindi birong pinagdaanan niya.

Lahad niya, “I am fine now with my life, I have no regrets.

“Tinanggap ko na lang that’s part of life.

“Puwede tayong madapa, puwede tayong masaktan, pero it doesn’t mean na it’s end of the world na.

“Ang mahalaga, babangon tayo uli and then hindi natin uulitin ang mga mistakes na nagawa natin dati.”



ANDI’S MEN. Patuloy na nali-link si Andi kina Jeric Lacson at Jake Ejercito, na balitang pinagselosan noon ni Albie.

Tinanong namin kung ano talaga ang papel ng dalawang lalaking ito sa buhay niya.

Sagot ni Andi, “Wala… hindi totoo yung kay Jec.

“Huwag na ninyong iparinig, nakakahiya."

Sabi niya, “I always answer questions about Jake… yes, he makes me happy.

“Wala naman sigurong masama if my opinion is that.

“There’s nothing wrong naman kung sa tingin ko may isang tao, si Jake nga, napapasaya niya ako.

“Napapasaya niya ako in many ways, he’s my best friend.

“No matter what, I know he’s always there for me, he supports me with everything.

“That’s how I am also with him, that’s our relationship together.

“Even he’s not here, we supported each other and yung paniniwala niya sa akin at saka yung care, parang malapit lang siya."



SPECIAL FRIENDSHIP. Nasabi ni Andi sa nakaraang interview ng PEP na marami ang hindi sang-ayon sa pagkakaigihan nila ni Jake. Hanggang ngayon ay ganun pa rin ba?

“Ganun pa rin naman yung situation—I’m single, but then, I have an inspiration.

“Ibinuko na ako ng mommy ko.

“I can say besides Elle, there’s Jake… pero ganun muna yun.

“Nagkaroon kami ng pagrespeto sa mga nakakatanda sa amin, sa mga nakakaalam and yung makakabuti para sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayokong tapakan yun… sirain yun…

“Pero sa tingin ko, wala namang masama, hindi ko naman kailangang itago on my part na napapasaya niya ako

“I’m single but I have an inspiration.

“Friends kami... I’ve known him since I was a little girl.

“So parang I don’t know when this relationship, our relationship, is a friendship.

“It’s a very special friendship na nagbibigay inspirasyon sa akin.”

Ayon kay Andi ay kakilala na niya noon pa ang pamilya Ejercito.

“Okay naman sila, matagal ko na silang kakilala."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN