Pancho Magno on body exposure: “Frontal, hindi. Siguro puwet, okey lang.”

Kahit papaano, masasabing may influence sa career ni Pancho Magno ang ina nitong GMA-7 executive na si Redgie Magno. Pero paglilinaw ni Pancho: “Kaya dapat i-prove ko na dahil din sa akin na meron din naman akong… kaya ko din. Ayoko na laging nakadikit palagi sa Mom ko.”


May isyung mabilis ang pag-angat ng acting career ni Pancho Magno dahil anak siya ngassitant vice president for drama ng GMA-7 na si Ms. Redgie Magno.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pancho tungkol sa isyu.

Aniya, “Like, sasabihin ng mga tao na, ’Kaya ka nandiyan dahil sa mom mo.’

“Kaya dapat i-prove ko na dahil din sa akin na meron din naman akong… kaya ko din.

“Ayoko namang… siyempre gusto ko rin namang maano [makilala] ako sa pangalan ko.

“Ayoko na laging nakadikit palagi sa mom ko.

“Ever since naman, e, nung nakikita mo pa ako, ayaw naman niya, e.

“Sabi niya, ‘Showbiz na yung trabaho ko, e, huwag na kayong dumagdag pa… tapusin muna ninyo yung pag-aaral ninyo.’”



SUPPORTING ROLES. Nagsimula si Pancho sa supporting roles sa mga teleserye ng GMA-7 na Amaya, Broken Vow, at Kasalanan Bang Ibigin Ka?.

Mula sa mga seryeng ito, isa na si Pancho sa male lead ng afternoon soap na Magdalena, na pinagbibidahan ni Bela Padilla.

Totoo bang may kakaibang treatment na natatanggap si Pancho dahil anak siya ng isang big boss sa GMA-7?

Tugon niya, “Ay, wala naman ako… kasi si Mommy, ever since, tinuturuan niya akong maging polite.

“Kasi si Mommy, nag-start din from the bottom din, e.

“Lagi niyang sinasabi sa akin na bumati ako, be punctual every taping, kahit anong trabaho mo, huwag kang male-late.

“Tinuturuan naman niya ako.

“Marami namang nag-ano sa akin dahil ipinapakita ko naman na gusto ko rin.”

Biglang naalala ni Pancho ang mga unang araw niya sa unang seryeng ginawa niya.

“Yung first taping ko sa Amaya, yung lines ko, hindi ko masabi—ayaw talaga niya.

“E, ang kumuha sa akin, si Ms. Annette [Gozon-Abrogar, GMA Films president].

“Kasi pag pumupunta ako sa office, nakikita nila ako.

“Pumupunta ako sa mom ko, nag-aaral pa lang ako noon… Nursing grad ako, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Year 2008, I passed the board."



EMPLOYMENT. Hindi raw naging madali ang pinagdaanan ni Pancho sa pag-aaral hanggang makatapos siya at maghanap ng trabaho dito at sa abroad.

“Nag-try talaga ako... volunteer,” simulang kuwento niya.

“I even paid for training na mga ganyan… pero wala talaga, e.

“Grabe itong two years na ito, sobrang wala talaga, e.

“E, wala rin akong visa. Yun [mag-abroad] talaga ang plan ko, e.

“Like yung aunt ko, sinasabi niya sa akin na, ‘Take up Nursing, malaking opportunity ‘yan dito sa States.’

“Di ba nung time ko, 2002-2003, sobrang lakas ng Nursing?

“Ngayon, sobrang ano, di ba? Pinapa-stop na nga, e.

“Talong beses akong na-deny.

“So, wala talagang nangyari. Wala akong nakuhang ano, e..."

Hanggang sa napilitan na si Pancho na hingian ng tulong ang ina.

“So, sabi ko sa mom ko, gusto kong i-try [ang showbiz].

“Sayang naman yung opportunity.

“Noong may contact na ako sa GMA at artista na, dun na ako nakakuha ng visa ko.

“Inisip ko kung pupunta ako doon para mag-nurse, magagamit ko talaga yung tinapos ko.

“Okay lang, ’buti nga may fallback ako.

“Ipu-push ko rin naman yung degree ko, kasi five years kong pinag-aralan yun.

“Pero gusto ko munang i-enjoy yung career ko sa showbiz.

“Hindi ko lang masabi kung kailan, pero at least nandiyan lang yun.

“Kahit anong age mo, puwede ka mag-nurse.

“Pero ang pag-aartista may… ako nga, ang tanda ko nang nag-artista, e, 24?”



BUDDING CAREER. Bata pa naman ang 24 para sa showbiz.

“Oo, pero hindi na ako yung masasabing may feel sa acting... ni hindi nga ako marunong kumanta, e.

“Pero ngayon kasi, nae-enjoy ko na… minamahal ko ‘etong work ko.

“Gusto ko ring kumanta kaya nag-aaral ako.”

Sa porma ng katawan ni Pancho at mababang timbre o tono ng boses niya, alangan siyang maging isang matinee idol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saang genre ba siya hinuhubog ng GMA- 7, sa pagiging sexy stud ba o pagiging character actor?

Tugon niya, “Gusto ko mga Vin Diesel type na kayang mag-seryoso, kayang mag-comedy o mag-drama.

“Kaya nga lagi akong nagwo-workshop… sobra.

“Ayoko nga ma-stuck like sa Bench, sa Cosmo. Kasi baka ma-stuck ako sa sexy star, e.

“Okay lang naman sa akin, pero gusto ko yung parang action na hindi lang sexy.

“Mga serious, pero hindi naman yung sobrang drama.”



SEXY EXPOSURES. Isa si Pancho sa mga nagpakita ng buttcrack sa nakaraang Cosmo Bachelor Bash na ginanap sa World Trade Center.

Hanggang saan ba ang kaya niyang gawin pagdating sa pagpapa-sexy?

“Depende siguro sa role,” mabilis niyang sagot.

Kaya niya bang mag-all the way?

“Ay, hindi. Frontal, hindi. Siguro puwet, okey lang.

“Depende naman sa role kung maganda, e.”

Gay role, puwede siya?

“Naku, hindi ko alam… ewan ko lang.

“Siguro pag nandiyan na, hindi ko masabi. Pero sa ngayon, mahirap, e.

“Sa babae nga nahihirapan ako, sa lalaki pa?

“Merong ganoong awkward nga sa akin, yung mga kiligang moments sa babae.

“Mahiyain talaga ako ever since. Buti nga ngayon nalalabanan ko na yung pagka-mahiyain ko, e.

“Pag sa lalaki, parang sobrang ang hirap noon—mahirap talaga.

“Pero ewan ko, pag nandiyan na… hindi ko masabi, e.”



MOM’S INFLUENCE. Hindi ba nakikialam ang mommy niya sa mga roles na ginagawa niya o sa mga tinatanggap niyang projects?

Sabi ni Pancho, “To be honest, ako nga yung laging nagtatanong sa kanya.

“Ako yung laging nag-aano na, ‘Mom, ‘eto yung ano ko.’

“Like pag may mga lines ako, binabasa ko sa kanya minsan.

“E, siyempre, mother pa rin yun.

“Gina-guide niya ako palagi na dapat seryosohin ko yung lines ko, yung trabaho ko, lalo na ngayong lead na ako sa Magdalena."

Pagsisiwalat pa ni Pancho, “Hindi nga niya alam na lead na ako, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan naiilang pa nga siya kapag sinasabing malaki na yung role ko.

“Ano na lang yung sasabihin ng mga tao na baka nilakad niya?

“Hindi naman nawawala yung mga ganun… nepotism ba... mga ganun.”

Open ba siyang lumipat sa ABS-CBN kapag naka-establish na ang pangalan sa showbiz para mawala lang sa anino ng mommy niya?

Sagot niya, “Baka masaktan naman yung mommy ko nun!

“Siyempre gusto niya… ako kasi, bata pa lang ako, sumasama na ako sa taping lagi.

“Kilala ko na yung mga cameraman. Kaya naging friends ko na sila kahit hindi pa ako nag-aartista.

“Siguro kaya ako nagkahilig sa pag-aartista dahil doon.

“Kaya mabait sila sa akin. Sinasabi nila na, ‘Pancho, ang laki mo na.’

“Kaya feeling ko, pag sa GMA, kilala ko na lahat.

“Like yung mga director, ever since noong bata pa ako, kilala ko na.

“Siyempre, gusto ko kung magwo-work ako, doon na sa kumportable ako.

“Mag-e-ABS ako? Parang ang hirap, wala akong kilala doon.”



INDECENT PROPOSALS. Dahil sa pagiging hunk-looking ni Pancho, hindi imposibleng magkagusto sa kanya hindi lang ng mga babae kung hindi pati na rin ang mga bakla.

May mga nagparamdam na ba sa kanyang mga bakla o nagpahiwatig ng pagkagusto sa kanya?

Nag-isip saglit si Pancho bago nagsalita.

“Wala pa naman,” sabi niya.

Kahit noong hindi pa siya pumapasok sa showbiz?

“Before? Ay, oo. Naga-aral pa lang ako, college pa lang ako.

“Like, bibigyan raw ako ng condo... mga ganun.

“Kaya lang hindi nila ako malapitan dahil nung college ako, may kotse na ako, e.

“Nagda-drive na ako ng kotse ko."

Kuwento pa niya, “Isinisigaw sa hallway sa school namin. Sumisigaw sila sa akin!

“Hindi naman ako homophobic kasi Bosconian [Don Bosco school] ako, e.

“Yung mga baklang kaklase namin, sila yung mga wingman namin sa mga babae, e.

“’Ipakilala mo ako sa mga kakilala mong mga babae.’ Sila yung ginagano’n namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa Don Bosco naman, puro mga lalaki yun, maraming bakla rin doon.

“Pero mga barkada kami, e.”

Sino ba yung mga sumisigaw na bibigyan siya ng condo? Mga classmates niya rin?

“Ay, hindi. Mga higher sa amin.

"Nung first year college ako… nakakatawa lang. May mga nagte-text rin, ‘Hey Pancho, this is… kung ano ang kailangan mo…’ College pa ako noon.

“Ang sinasabi ko naman, ‘Hindi, okey lang ako. Sa iba na lang.’

“Makulit rin ako, e. Saka sobrang friendly rin ako. Hindi naman ako mayabang na…

“Pero yung mga indecent proposal, sobrang konti lang yun.”

Ano yung pinakamalaki at mamahaling indecent proposal/offer sa kanya ng isang bading?

“Iyon lang, yung condo…

“Pero parang ano lang yun, kasi nakikita nila na may kotse ako, hindi nila iniisip na kailangan ko.

“Hindi ko naman sinasabing mayaman ako, pero provided naman ako ng family.

“Sa ngayon, wala talagang proposal.

“Siguro kilala nila si Mommy. Baka natatakot sila dahil alam nila, e.”



SEX ENCOUNTERS. Inamin ni Pancho na fifteen o sixteen years old siya nang mamulat sa sex.

Kuwento niya, “Ahmm… yung ate ng friend ko, crush ko. Tapos, yun…

“Pero meron pa. Technically, fifteen ako, e.

“Sobrang crush ko talaga yung babae. Muntikan na, e. Takot rin ako e. Kasi baka mabuntis ko.

"Hindi ko siya classmate, kakilala ko lang.

“Parang tinuturuan niya ako, e… parang pumupunta ako sa bahay nila.

“Minsan, kunwari, parang pupuntahan ko yung friend ko, tapos nandun siya.

“Sinasabi ko sa kanya na crush ko siya.

"Niloloko nga niya ako. Sabi niya masyado raw akong bata para sa kanya.

"So, yun, nangyari na.”

Aminado si Pancho na may mga nakarelasyon din siya noong high school siya, pero dalawa hanggang tatlong buwan lang daw ito tumagal.

Pero noong nasa college na siya, dito na siya nagkaroon ng mga seryosong relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala ba siyang balak mag-girlfriend ng artista?

Sagot niya, “Siyempre, meron… siguro.

“Kasi sinasabi namin ng mom ko, as much as possible, huwag daw kasi nawawalan raw ng privacy, e.

“E, alam yun ng mom ko, kasi sobrang tagal na niya sa industry, e."

Sino ang crush niya sa showbiz?

“Si Max Collins. Gandang-ganda kasi ako sa kanya, e.

“Noong bata ako, mahilig ako sa foreigners like blonde hair.

“Nakita ko si Max Collins… recently lang. Maganda siya, e.

“Saka gusto ko matatangkad... matangkad si Max,” diin niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN